BATAS at mga dapat Isabatas ni Atty. Ariel Inton

BATAS at mga dapat Isabatas ni Atty. Ariel Inton Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BATAS at mga dapat Isabatas ni Atty. Ariel Inton, Lawyer & Law Firm, 97C Matatag Street Piñahan QC, Quezon City.

18/03/2023

Mungkahi ng LCSP upang mapabilis ang paglabas ng mga resolutions sa mga kaso sa LTFRB.

Ang ltfrb ay nabuo sa pamamagitan ng Executive Order 202 panahon ni dating presidente Cory Aquino. Mula noon ay ito pa rin ang batas na inaangklahan ng ahensiya na maituturing nating napakahalaga sa panahon ngayon at darating pa dahil ang pinangangasiwaan nito ay public transport.

Ilan dekada na ang nakaraan at napakarami ng nadagdag na public transport pero hindi sumabay ang batas na sana ay napalakas ang ahensiya. Undermanned at underbudget ang ahensiya. Marami ng nagpanukala sa Kongreso na palakasin ang ahensiya ngunit bigong maipasa bilang batas.

Isa sa karaniwang reklamo ay ang usad pagong ng mga kaso na dinidinig ng ltfrb. Ang ltfrb ay may quasi judicial functions maliban sa administrative functions nito. Ibig sabihin sa usapin ng public transport mula sa karaniwang overcharging na kaso, pagbibigay ng prangkisa o labanan sa ruta lahat ay dinidinig ng Board. At tatlong tao lamang sila.

Ang Chairman at dalawang board members. Dalawang beses lamang sa isang linggo nagkaka hearing. At napakarami pa nilang trabaho na administratibo. Ikumpara natin sa iba tulad sa labor. Sa labor cases may NLRC. Pero maliban sa mga commissioners sa En Banc ay may mga labor arbiter na dumidinig ng kaso. Sa DHSUD pagusapin ng subdivisions may mga adjudicators.

Ibig sabihin sa ibang mga ahensiya ay may mga hearing officers na dumidinig ng kaso at nag dedesisyon. Ito ang mungkahi ng lcsp na solusyon upang bumilis ang desisyon sa ltfrb. DAPAT MAY MGA TRANSPORT HEARING OFFICERS na didinig at mag dedesisyon sa mga kaso na kailangan ma desisyunan agad. Tulad halimbawa refusal to convey passengers o overcharging. Sa kasalukuyan ang BOARD pa dapat ang mag desisyon.

Kung may Transport Hearing Officers sa kanila ay mabilis na madedesisyunan agad at mapapatawan ng multa agad ang may sala. Ang BOARD naman ay yun mga FARE ADJUSTMENTS o malalaking kaso na lang ang kanilang personal na didingin. Mas mabibigyan pa ng panahon ang Chairman at Board Members sa mas mahahalagang gawain sa ahensiya.

Sa ngayon ayon sa Revised Rules of Practice ng LTFRB Rule 11 sec. 8
Resolutions. -Upon termination of the proceedings, the Board En Banc shall render/issue a resolution disposing of the merits of the matter eithin its jurisdiction with the concurrence of any two (2) of the composite members and after deliberation and consultation.

Pag may Transport Hearing Officers ay maaring maanendahan itong probisyong ito.

Bibilis ang proseso. Maaaksyunan agad ang mga reklamo ng pasahero at mas magkakaroon ng panahon ang Chairman at Board Members sa mas mahahalagang bagay na hindi naaantala ang mga kaso na puede naman idelegate na sa mga Transport Hearing Officers.

Sana ay mabigyan pansin ang panukalang ito.

03/03/2023

INTON LEGAL AID CENTER

97C MATATAG ST. PIÑAHAN QC
1100 QUEZON CITY

MONDAY-FRIDAY 9AM

18/02/2023

Tigil pasada ng mga tren ng PNR; Buses ihanda na sa mga apektadong pasahero

Inanunsyo ng DOTr na titigil ang operasyon ng mga tren ng PNR ng mga limang taon para mapabilis ang pag gawa ng North South Commuters Railway (NSCR). Makakatipid daw ang pamahalaan ng 15 billion pesos at mapapadali ang pagtapos ng proyekto kapag titigil pasada muna ang mga tren. Target ng pamahalaan na matapos ang proyekto ng taon 2028 na kokonekta sa Malolos, Bulacan sa Clark International Airport, Tutuban at Calamba.

Ang maaapektuhan ay tinatayang mga 30,000 pasahero na bumabiyahe sa tren sa Alabang, Muntinlupa, Calamba, Gov. Pascual, Malabon. Kailangan paghandaan ito dahil mahabang panahon ang limang taon. Inatasan na ng DOTr na pagaralan na ng ltfrb ang problema para sa mga maapektuhang 30,000 pasahero.

At isa sa nakikitang solusyon ng LCSP ay ang kaagaran pag bukas pansamantala ng mga bus routes sa mga nasabing lugar. Hindi iilan bus lang ang kailangan dahil 30,000 na pasahero araw araw ang isasakay ng mga bus. Saan ang ruta na dadaanan ng mga bus na ito? May mga existing na bang biyahe sa mga naturang lugar? Habang pinaghahandaan ang epekto ng tigil pasada ng tren ay pagaralan na kaagad ito.

At sana sa pagtapos ng proyekto ay ginhawa na sa mga pasahero ang kapalit ng kanilang limang taong sakripisyo.

01/02/2023

May kapangyarihan ba ang LGU na mag extend ng prangkisa o special permit ng public land transport?

Wala. Ayon sa Executive order 202 ay ang LTFRB ang may kapangyarigan gawin ito dahil ito ay delegated power ng Kongreso sa ahensya. Pero paano kung ang hindi pagbigay ng prangkisa o pag extend ng special permit ay hindi nagawa ng ltfrb? May magagawa ba ang LGU para sa kapakanan ng mga pasahero? Ito ang problema na pinarating ng mga lgu, pasahero at transport operators sa Gobernadora ng Cebu.

Noong panahon ng pandemya ay binuksan ang ilang ruta sa lalawigan ng Cebu. At para kaagad may pumasada ay binigyan ng special permits ng ltfrb ang ilang transport operators para pumasada sa mga rutang yun. Kamakailan ay na expire ang mga special permits. Kaya ang mangyayari ay babalik sa kanikanilang mga ruta ang mga pumapasada at iiwanan nila ang ruta kung saan nag expire ang special permits. Ang resulta daan daang mga pasahero ang maaapektuhan at walang masasakyan. Bakit umabot sa ganun ang problema? Bakit hindi na extend ang mga special permits?

Para lutasin ang problema ay naglabas ng Executive Order no. 5 series of 2023 ang Gobernadora - Allowing PUVs with Special Permits to continue plying their routes for the comfort and convenience of the cebuanos for the province of cebu up to March 17 2023.
Marami ang nagtanong? Hindi ba mali ang lgu ng cebu dito dahil tanging ltfrb lamang ang dapat gumawa nito? Tama ba ang ginawa ni gobernadora?

Heto po ang tingin ng lcsp dito. Una ay hindi nag issue ng prangkisa o nagpalawig ng special permit ang lgu ng Cebu. Ang sabi lamang ng executive order ay PAHIHINTULUTAN nila ang mga units na may special permit na ITULOY ang kanilang pamamasada para sa comfort at convenience ng mga pasaherong cebuano. Bakit kailangan ito? Upang hindi ma out of line colorum ang mga units. Kung walang pahintulot ay maari silang hulihin na out of line colorum.

Pero bakit hindi nalang i extend ng ltfrb regional director ang mga special permits? Yan ang dapat itanong sa kanya. Balit umabot sa ganitong problema?

Pero hindi bat sabi natin na tanging ltfrb lamang ang puede mag issue ng franchise at mag extend ng permit?

Mukang alam ito ng lgu kaya sa Executive order ay iniwasan nilang bangitin ito. Sabi lamang nila na ALLOWING PUVS WITH SPECIAL PERMIT TO CONTINUE THEIR ROUTES UNTIL MARCH 17 2023.

Hindi nag issue ng franchise ang lgu at hindi nila inextend ang special permit. Ibig sabihin lang ay basta may special permit(expired man o hindi) payag ang lgu na mamasada sila sa mga ruta inilahad sa executive order.

Ano basehan ng lgu ng cebu? Ang local government code kung saan kapangyarihan ng lgu to ENSURE DELIVERY OF BASIC SERVICES to the people. At transport ay basic service.

Sa usaping ito ay maaring i challenge ng ilan ang Executive Order no. 5 2023 na labag sa batas . Pero sa tingin ng lcsp tiniyak lang nila na may masasakyan ang mga cebuano sa nga rutang binuksan ng ltfrb. Walang prangkisa na inilabas at wala rin special permit na inextend.

Sa huli ay kailangan magpaliwanag ang regional director bakit nagkaroon ng ganitong problema.

Magingat sa pagbili/pagsalo sa mga sasakyan. Mga sindikato talamak nagbibiktima ng mga buyers !!Isa sa mga lumapit sa LC...
15/01/2023

Magingat sa pagbili/pagsalo sa mga sasakyan. Mga sindikato talamak nagbibiktima ng mga buyers !!

Isa sa mga lumapit sa LCSP para magpatulong ay may kakaibang karanasan sa pagbili ng sasakyan.

Naghangad na bumili ang biktima ng sasakyan. Sa isang sikat na online market siya tumingin. Ng may nakursunadahan ay nakipagkita siya sa seller. Isang montero na halos isang milyon piso ang halaga ang ipinakita sa kanya sa parking lot sa isang sikat na mall. Hindi gaanong bihasa sa pag inspect at pagbusisi ng dokumento ang biktima kaya lalong madali na nakumbinsi ng seller.

Maliban sa sasakyan ay pinakita niya ang isang blankong deed of sale na pirmado daw ng registered owner at ang or/cr. Kinabukasan ay nagkita ang biktima at seller sa bangko at cash na binayaran ito. Noong unang taon na pinarehistro ng biktima sa LTO ay narehistro pa ang sasakyan. Pero sa ikalawang taon ay sinabi sa kanya ng LTO na hindi tugma ang plate number sa sasakyan. At nairehistro na ang sasakyan na may ganoon plate number sa ibang LTO office.

Kaagad na inimpound ang montero. Laking gulat ng biktima. Ilan ulit niya na kinontak ang seller pero cannot be reach. Sa tulong ng LCSP volunteers ay natukoy namin ang registered owner. Nagulat ang owner na nabenta ang sasakyan. Peke ang pirma niya sa deed of sale at MATAGAL NA NIYA ISINUKO SA BANGKO ANG MONTERO dahil hindi na niya kaya bayaran ang monthly payment sa bangko.

Kung naisuko na sa bangko paano ito napunta sa seller? At paano na iba ang plate number? Paano na rehistro ito sa LTO noong unang pinarehistro ito?
Sinulatan na ng LCSP ang bangko upang malaman ito ng bangko na isang isinuko sa kanila ay nailabas at naibenta ng may pekeng plate number.

Isang paalala ng LCSP.
Magingat sa pagbili ng car pasalo. Lalo na at hindi alam ng bangko ang transaction. Huwag magtiwala basta basta sa nagaahente ng wala ang registered owner. Ipaverify sa LTO ang status ng sasskyan. Kung hindi pa fully paid sa bangko ay lalo magingat. May mga lumapit din sa LCSP na yun bumili ay kinasuhan pa ng carnapping.

Makikipagugnayan ang LCSP sa mga Transport Agencies tungkol sa modus na ito.

Sino man pong may mapait na karanasan na tulad nito ay maari pong lumapit sa opisina ng Lawyers for Commuters Safety and Protection sa 97C Matatag St, Piñahan Quezon City. Malapit lamang ito sa SSS building East Avenue, Quezon city.

Ang pagsasapribado ng Edsa Carousel, NAIA atbp ba ang lunas sa kalbaryo ng mga pasaherong Pilipino?May mga nagmungkahi n...
07/01/2023

Ang pagsasapribado ng Edsa Carousel, NAIA atbp ba ang lunas sa kalbaryo ng mga pasaherong Pilipino?

May mga nagmungkahi na ang solusyon daw sa Edsa Carousel para guminhawa ang pagsakay dito ay privatization. Noong nagka aberya sa NAIA, imbes na imbestigahan ang pangyayari ay nagmungkahi ang ilang transport officials na mas mainam ay iprivatize na ang operasyon ng pambansang paliparan. Tuloy nagtatanong kami kung wala na bang ibang solusyon ang mga nasa Dotr kung hindi privatization? Ito nga ba ang sagot sa kahirapan ng mga mananakay? O isang malaking negosyo para sa mga higanteng negosyante?

Bakit ba pinapasa sa pribado ang ilang serbisyo na dapat ang pamahalaan ang gumanap. Ang ilang dahilan ay ang mga sumusunod.
1. Reduce financial burden to government due to losses and inefficiency.
2.Reduce government involvement in economic activities.
3. Promote government efficiency.
4. Raise funds for the government.
Abay maganda pala ang hangarin ng pagsasa pribado. Pero hintay lang. May mga negatibong epekto rin- bribery o graft and corruption, profits first before public service, higher cost of public service at iba pa.

Suriin natin sa Edsa Carousel. Sa ngayon private operators ang nagpapatakbo ng mga bus sa edsa. Kung ipapasa sa isang negosyante ang pagpapatakbo nito ay makasisiguro ba na walang taas pasahe? Mapapagaan ba ang pagsakay? Sino ang magooperate? Wala bang magiging korapsyon dito. Alam naman natin na gabalahibo lang ang pagkakaiba ng negosyo sa gobyerno at katiwalian.

Sa airport naman, imbes na imbestigahan ay pagsasapribado ang bukang bibig ng dotr bilang solusyon. Bago magmungkahi ng pagsasapribado sagutin muna ng Dotr ang ilang katanungan -Di ba't may pinagmalaki ang CAAP noon na new comminication navigation surveillance/ air traffic management system na oprational daw ng June 2017? Sa edsa carousel naman, ano bang nangyari sa billion budget para na improvement ng edsa?

Hindi masama ang privatization pero hindi ito ang dapat na unang solusyon sa problema sa Transport. Yan na lang ba ang kayang marating ng mga isipan ng nasa Dotr? Panawagan ng LCSP ay pagaralan mabuti ang balak na pagsasapribado. At tingnan kung nagamit ba ng tama ang bilyong bilyong pera na nilaan para ayusin ang public transport at airport sa Pilipinas.

Prangkisa ng maliliit na operator ng public transport nanganganib bang mawala sa pangalan nila?Ang prangkisa sa public t...
13/12/2022

Prangkisa ng maliliit na operator ng public transport nanganganib bang mawala sa pangalan nila?

Ang prangkisa sa public transport ay pinagkaloob ng gobyerno sa isang indibidwal bilang "privilege to do business as a public transport". Kaya naman maaring bawiin basta may "due process of law." Sa pandinig ng Committee on Public Transportation ng House of Representatives sa pag regulate ng motorcycle taxis ay halos lahat ng naimbitahan ay pabor na isabatas na ang pag regulate ng motorcycle taxis.

Ang LCSP ay pabor din bilang isa sa mga naunang grupo na nanindigan na gawin legal ang motorcycle taxis app based. Sa posisyon ng lcsp sinabi namin na ang motorcycle taxi kahit na app based ay dapat mapabilang na public utility vehicle dahil sa kasalukuyang batas RA 11659 ay isinaad dito ano ang mga public transport vehicles na tinuturing na public utilities.

Sa batas nakasaad:
Public utility vehicles refer to internal combustion engine vehicles that carry passengers and/ or domestic cargo for a fee, offering services to the public namely trucks for hire, UV Express service, public utility buses, public utility jeepneys, tricycles, filcabs and taxis....

Dapat kasama ang motorcycle taxis at motorcycle delivery bilang public transport / public utilities.
Sa tingin ng LCSP ay walang magiging problema sa panukalang ito.

Pero pag dating sa kanino dapat ipangalan ang prangkisa may dapat na suriin sa RA 11659 at mga umiiral na LTFRB memorandum circulars tungkol sa consolidation ng mga prangkisa sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program.

Ang posisyon ng LCSP ay ang prangkisa ng motorcycle taxi ay DAPAT sa pangalan ng rider/ operator/ me ari ng motor. Halos lahat ng riders ay individual persons. Ang kumpanya naman na may ari ng app based platform ay accreditation ang ibigay bilang Motorcycle Taxi Companies na iba sa Transport Network Companies ng TNVS.
Pero dapat iayos ng Kongreso ang batas dahil sa RA 11659 ay tila NAWALA ang Individual franchise holders.

Sa dating batas malinaw kung sino ang maaring bigyan ng prangkisa-CITIZENS OF THE PHILIPPINES or to corporations, co partnerships, associations, or joint stocks companies duly constituted under Philippine laws. Sa RA 11659 ay NAWALA ANG CITIZENS OF THE PHILIPPINES. Bakit? Dahil ba isinusulong ng DOTr ang programa na dapat mag consolidate ang mga franchise holders sa asdociations cooperatives o corporations? Pag ganito, tuluyan na mawawala ang individual franchise holders. E paano na lang ang motorcycle taxi riders?

Ang posisyon ng LCSP ay panatiliin ang mga individual franchise holders lalo na sa motorcycle taxis at delivery riders kung maisabatas na ang Motorcycle Taxi Law.
Sa pangkalahatan naman sa public transport ay sana masuri muli ang mga probisyon sa RA 11659 ukol sa prangkisa.

Paano ba ang computation ng pasahe sa TNVS?Madalas na reklamo ng mga pasahero ng TNVS ay ang mataas na pasahe sa kanilan...
27/11/2022

Paano ba ang computation ng pasahe sa TNVS?

Madalas na reklamo ng mga pasahero ng TNVS ay ang mataas na pasahe sa kanilang pagsakay. At dahil virtual monopoly naman ng Grab ang TNVS Market ay ang pinatatamaan ng reklamo ay ang Grab. Paano ba ang kwenta ng pasahe?

Ayon sa bagong taripa na inilabas ng ltrb ito ang dapat na singil:

A. Flagdown:
Tnvs Sedan up to 40 pesos
Tnvs Premium up to 50 pesos
Tnvs Hatchback up to 30 pesos

B. Fare per kilometer
Tnvs Sedan 15 pesos
Tnvs Premium 18 pesos
Tnvs Hatchback 13 pesos

C. Fare per minute of travel.
Lahat 2 pesos

D. SURGE ( on b and c)
2 times sa lahat ng klase ng TNVS.

Bigay tayo ng halimbawa:
nag book ang pasahero ng tnvs sedan at and layo ng destinasyon ay 10 kilometers at ang time of travel dahil sa traffic ay 60 minutes. So i apply natin ang taripa ng LTFRB.

Flagdown 40
Per kilometer 150 ( 10 km x 15 pesos )
Fare per min of travel
120 ( 60mins x 2 pesos )
Total ( without surge) 310pesos.

Kung walang surge yan ang pasahe.
Pero idagdag natin ang surge. Times 2 ang per km plus per min. So lumalabas ay 120 plus 150 = 270 x 2 = 540. Pero dahil nasa komputasyon na yun unang 270, dagdag na lang ng 270. Kaya lumalabas na

Total fare( without surge) 310
Plus surge 270. Total fare with surge ay 580 pesos for a 10 kilimeter one hour travel. Ngayon dahil pre booked. At pumayag ang pasahero yan ang pasahe niya.

Tanong? KAILAN DAPAT MAG DAGDAG NG SURGE?

Ang sabi ng nga transport network companies ang surge ay idinadagdag kapag maraming pasahero at kakaunti ang supply ng sasakyan. Marami pang ibang dahilan at paliwanag pero ano man dahilan ang tanong? SA BUONG ARAW BA AY DAPAT IDAGDAG ANG SURGE? Pag nag grab ka ng 4am o 4pm pareho ba na may surge? Di bat may fare per minute na 2 pesos?

At kung ang justification ay konti ang supply sa pasahero ay kailan ba naging sapat ang bus, jeep, uv express at taxi sa pasahero. Pero wala silang surge fare.

Marahil ang SURGE ang dapat ipaliwanag kung paano at kailan idinadagdag? At dahil nga halos Grab lang ang nagooperate ng app para sa mga tnvs ay walang magawa ang pasahero kung hindi pumayag na lang. Ano magagawa ng LTFRB? Malaki. Kailangan suriin ng ltfrb ang SURGE ng pasahe. Kailan dapat nag sa surge. Dahil sa taripa ng ltfrb ito ang dagdag na hindi eksakto kung magkano at kailan dapat nagkaka surge.

Dito dapat may malinaw na polisiya ang LTFRB at hindi ang TNC. Tuwing rush hour lang ba dapat? Pag grabe ang trapik? At kung maalwan naman ang travel ay kailangan pa rin ba ang surge samantalang may per minute na ng travel time?
Kapag malinaw na KUNG KAILAN LANG MAGKAKA SURGE ay magiging malinaw din sa pasahero bakit ganoon ang pasahe na sinisingil sa kanya. At dapat ito sundin ng nga transport network companies dahil sa memorandum circular ng LTFRB nakasaad:

In the imposition of the above fare rates, grantees of CPCs to operate TNVS shall comply with the rules and regulations of the Board, provisions of the Public Service Law as amended and also the requirements for public transport services.

Saan sa mga ito ang basehan na times two ng travel per kilometer at per minute na tinaguriang SURGE? Sana ay masuri ito dahil sa mga darating na araw na malapit na ang Pasko asahan natin na ang SURGE ang dagdag kalbaryo sa mga pasahero.

Lalo lamang magkakaroon ng monopoliya kapag pinayagan ang acquisition ng Grab sa Move It.Sa isinagawang congressional he...
24/11/2022

Lalo lamang magkakaroon ng monopoliya kapag pinayagan ang acquisition ng Grab sa Move It.

Sa isinagawang congressional hearing ng Metro Manila Development Committee ay mainit na pinagusapan kung ang Grab acquisition ng Move It ay "pro competition" o "potential monopoly" ng motorcycle for hire. Sa mga nagsusulong na dapat ay payagan na pumasok ang Grab sa pilot test ng motorcycle taxi- healthy competition daw ito laban sa Angkas at Joyride.

Kung ganito kakitid ang magiging pananaw ay baka nga mapaniwala ka. Ngunit iba ang nakikita ng LCSP dito. Kung hahayaan ng Technical Working Group at Kongreso ang takeover ng Grab sa Move It ay malaki ang potential na ma monopolize ng Grab and Transport Network Vehicle Service at ang Motorcycle for Hire. Bakit po? Sa ngayon ay tanging Grab (bilang Transport Network Company)ang may virtual monopoly ng passenger market ng tnvs. Kung may ibang Transport Network Company ay hindi na nagooperate o kaya ay nalugi na.

Dati ay may Uber at Grab. Pero ng nawala ang Uber at natira ang Grab ay dito nagkaroon ng maraming angal sa taas ng singgil ng Grab. Kung hahayaan natin na makapasok ang Grab sa motorcycle taxi sa pamamagitan ng kanilang acquisition sa Move It ay makaka posisyon ang Grab ng POTENTIAL DOMINANCE nito at magkakaroon ng SUBSTANTIAL LESSENING NG COMPETITION sa motorcycle taxi service. Ibig sabihin ay Grab na ang mag hahari sa TNVS at Motorcycle Taxi.

Masama ba ito sa mga pasahero? Opo dahil makadidikta sila ng pasahe dahil sa wala silang kalaban o mahina ang kalaban at hindi sila kayang tapatan. Ito rin ang pangamba ni Cong. Stella Luz Quimbo, na dati ay commissioner ng Philippine Competition Commission. Pinababantayan niya sa PCC ang potential dominance ng Grab sa TNVS at Motorcycle taxis. Kailangan din pagaralang ng Kongreso ito dahil sa RA 11659 kung saan ay hindi isinama bilang public utility vehicles ang mga transport vehicles accredited with and operating through Transport Network Corporations. Ang motorcle taxi ay isasabatas bilang public utility vehicle kayat hindi maari na magoperate ito sa Grab na isang Transport Network Company.

Dahil dito ay mas mainam na lamang na hintayin ng Grab at Move It ang Batas para sa Motorcycle taxis bago sila magsamang dalawa. Sa ngayon na nasa ilalim pa lamang ng pilot test ang motorcycle taxis ay focus lang muna sa objective nito - tapusin ng Technical Working Group ang kanilang report, ipasa sa Kongreso IN AID OF LEGISLATION.

Address

97C Matatag Street Piñahan QC
Quezon City
1100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BATAS at mga dapat Isabatas ni Atty. Ariel Inton posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share