Agor Law Office

Agor Law Office Driven by a passion for accessible legal representation and drawing on his more than 18 years of extensive legal experience in the Philippines and abroad—Atty.

Cesar A. Agor founded Agor Law Office. UST Law and University of London Graduate School of Law.

12/08/2026

It was a pleasure to serve as the resource speaker for the DOLE-BWC’s Webinar Wednesday on Post-Employment Obligations.

I hope the participants gained valuable insights from today’s discussion and found the webinar helpful in navigating the legal responsibilities that arise after employment ends.

Special thanks to my IBP chapter- Rizal RSM for making this webinar possible.

Agor Law Office handles labor cases and provides legal assistance to both employers and employees. For inquiries, feel free to contact us.

https://www.facebook.com/DOLEBWC1949/videos/1052413750534825

https://www.facebook.com/share/p/1ECXkas8Ph/?mibextid=wwXIfr
16/07/2026

https://www.facebook.com/share/p/1ECXkas8Ph/?mibextid=wwXIfr

Nagpasya ang na kung ang karahasang sikolohikal (psychological violence) ay ginawa sa pamamagitan ng Facebook, maaari itong ituring na paggamit ng information and communications technology (ICT). Dahil dito, puwedeng patawan ang gumawa nito ng mas mabigat na parusa alinsunod sa Seksyon 6 ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sa isang Resolusyon na isinulat ni Kasangguning Mahistrado Ramon Paul L. Hernando, binago nang bahagya ngunit pinagtibay ng Unang Dibisyon ng Korte Suprema ang nauna nitong Desisyon noong Oktubre 22, 2025. Sa naturang desisyon, pinanatili ang hatol na nagkasala ang isang indibidwal (###) dahil sa paggawa ng karahasang sikolohikal laban sa dati niyang kasintahan (AAA) sa ilalim ng Seksyon 5(i) ng Republic Act (RA) No. 9262, o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (Anti-VAWC Act), matapos siyang mag-post ng mga mapanirang pahayag tungkol kay AAA sa Facebook.

Gayunman, nagpasya ang Korte Suprema na itaas ng isang antas ang parusa dahil ang paglabag ay ginawa sa pamamagitan ng Facebook, na malinaw na nakasaad sa sakdal at napatunayan sa paglilitis.

Nagsampa si AAA ng kasong VAWC laban sa dati niyang kasintahan na si ### matapos siyang mag-post sa Facebook ng pahayag kung saan tinawag niya si AAA na maruming babae at hayop, at nagbanta siyang susuntukin kapag nakita niya ito. Inulit pa ni ### ang mga panlalait sa mga komento sa naturang post na maaaring mabasa ng publiko.

Habang dinidinig ang kaso, iniharap ni AAA ang mga screenshot ng post sa Facebook at sinabi niyang siya ang gumawa ng account para kay ### kung saan nai-post ang naturang pahayag. Pinatunayan naman ng dalawa niyang kapatid na kay ### ang account at nakatanggap sila ng mga mensahe mula sa kanya gamit ang parehong account.

Sa kabila ng pagtanggi ni ###, pinagtibay ng Korte Suprema, sa desisyong inilabas nito, ang mga naging pasya ng Family Court at Court of Appeals (CA) na naghatol na nagkasala si ###. Binigyang-diin ng Korte Suprema na sa mga kasong kriminal, kailangang mapatunayan ng prosekusyon hindi lamang ang mga elemento ng krimen kundi pati ang pagkakakilanlan ng gumawa nito. Pinagtibay din ng Korte Suprema ang parusang ipinataw ng CA kay ###, na kinabibilangan ng pagkakakulong mula anim na buwan at isang araw hanggang walong taon at isang araw, multang PHP 100,000, at pagsailalim sa psychological counselling o psychiatric treatment.

Sa pagresolba sa Motion for Reconsideration ni ###, sinabi ng Korte Suprema na napatunayang si ### ang gumawa ng post sa Facebook nang lampas sa makatwirang pagdududa (beyond reasonable doubt), batay sa mga pamantayang itinakda nito sa nauna nitong desisyon:

1. Pag-amin sa pagmamay-ari ng account o sa paggawa ng naturang post;
2. Pagkakaroon ng patunay na nakita ang akusado na gumagamit ng account o nagsulat ng naturang post;
3. Paglalaman ng impormasyon na tanging ang nagkasala o iilang tao lamang ang nakaaalam;
4. Paggamit ng mga salita o pananalitang naaayon sa karaniwang paraan ng pagpapahayag ng nagkasala;
5. Mga tala mula sa internet service provider, kumpanya ng telekomunikasyon, o social media site, pati na ang resulta ng pagsusuri sa mga digital device na nagpapakita ng lokasyon at iba pang katangiang nag-uugnay sa account sa nagkasala;
6. Mga kilos o gawain na naaayon sa mga nauna niyang post; o
7. Iba pang mga pangyayaring nagpapakita ng pagmamay-ari, paggamit, o paggawa ng account o post.

Dahil napatunayan na si ### ang gumawa ng post sa Facebook at natugunan ang lahat ng kinakailangang elemento ng karahasang sikolohikal, sinabi ng Korte Suprema na naaangkop ang Seksyon 6 ng Cybercrime Prevention Act of 2012. Itinatakda ng probisyong ito ang pagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga krimen at paglabag na ginawa gamit ang ICT. Mas mabigat ang parusa dahil maaaring magamit ang ICT para makaiwas ang mga nagkasala sa pananagutan, makapinsala sa mas maraming tao, o magdulot ng mas malaking pinsala.

Batay sa kahulugan ng ICT, sinabi ng Korte na ang mga social media platform tulad ng Facebook ay maituturing na ICT systems dahil pinapayagan ng mga ito ang mga gumagamit na lumikha, magpadala, tumanggap, mag-imbak, at magproseso ng mga datos na elektronikong mensahe gamit ang mga kompyuter, mobile phone, o iba pang katulad na kagamitang elektroniko.

Sa kasong ito, nakasaad sa sakdal na ginawa ni ### ang post sa Facebook gamit ang kanyang “Facebook Messenger Account… na maaaring makita ng sinuman (set to public view).” Ayon sa Korte Suprema, sapat na ang pahayag na ito para ipakitang ginamit ang ICT bilang isang nagpapabigat na sirkumstansya. Bagaman hindi tahasang nabanggit ang terminong “ICT,” malinaw pa ring ipinaalam sa sakdal kay ### na siya ay inaakusahan ng paggawa ng karahasang sikolohikal laban kay AAA sa pamamagitan ng Facebook, na kabilang sa saklaw ng isang ICT system.

Napatunayan ng prosekusyon ang nasabing pahayag sa paglilitis.

Dahil dito, itinaas ng Korte ng isang antas ang parusa mula sa pagkakakulong na anim na buwan at isang araw hanggang walong taon at isang araw, tungo sa pagkakakulong na anim na taon at isang araw hanggang 14 na taon, walong buwan, at isang araw. Nanatili naman ang multang PHP 100,000. Inatasan din si ### na sumailalim sa psychological counselling o psychiatric treatment.

Basahin ang buong press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=168987

Basahin ang buong kopya ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=168968

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/

After 18 years of legal practice—beginning at two law firms in Manila, followed by three in-house counsel positions in t...
15/07/2026

After 18 years of legal practice—beginning at two law firms in Manila, followed by three in-house counsel positions in the Philippines and two overseas legal and compliance roles—I am returning to my hometown in Binangonan, Rizal to relaunch my legal office, bringing my Master of Laws (LL.M.) and the expertise it provided.

Bagamat mahirap magsimula muli, magpapatuloy ako: gagamitin ko ang aking kaalaman at karanasan sa batas upang maglingkod sa ating bayan at tumulong sa ating komunidad.

Inaanyayahan ko ang mga kapamilya at kaibigan na dumalo sa aming formal opening. See you there!

. . .

We will welcome you at our humble office at No. 234, National Road, Calumpang, Binangonan, Rizal

14/07/2026

Ang pagiging abogado ay hindi lamang ang paglalagay ng sarili sa posisyon ng kliyente o ng kalaban. Higit pa sa pagwawagi ang tungkulin natin; kasama rito ang paggabay sa mga partido patungo sa pinamamagitan at magkatuwang na pinagkasunduang solusyon.

Bilang mga officers of the court, dapat tayong magsikap na maging mga tagapamayapa—isulong ang pagkakasundo at pag-uunawaan bago pa man humantong sa mahabang at magastos na paglilitis.

Bagama’t may ilang mga abogado o law firms na itinuturing ang litigasyon bilang parte ng propesyon na maaaring pagkakitaan, gawin nating adbokasiya ang mapayapang pag-resolba ng alitan na nagpapanatili ng ugnayan, nagpapababa ng gastos, at nagpapasulong ng katarungan.

***14 Hulyo 2026 pagkatapos ng mediation proceedings sa Munisipyo ng Binangonan

We are open from Monday to Friday from 9:00am to 6:00pm.  We provide a free 30-minute consultation! Visit us at No. 234 ...
25/06/2026

We are open from Monday to Friday from 9:00am to 6:00pm. We provide a free 30-minute consultation!

Visit us at No. 234 National Road, Brgy. Calumpang, Binangonan, Rizal (infront of ABC Animal Bite Clinic and beside Benito’s) or call 0917 681 2021.

Agor Law Office is now open to render legal services to our Rizal constituents and NCR residents. Please visit us at Uni...
11/06/2026

Agor Law Office is now open to render legal services to our Rizal constituents and NCR residents. Please visit us at Unit 2D, National Road, Calumpang, Binangonan, Rizal (with NCR office at Pasig City).

Address

Unit D, No. 234 National Road, Calumpang, Binangonan, Rizal
Binangonan
1940

Telephone

+639176812021

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Agor Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Agor Law Office:

Shortcuts

Share