Lex et Scelus

Directions

Lex et Scelus This page is all about Law or anything that is related to law, or an issue that has a glimpse of law Law

12/10/2026
12/10/2026

RETIRED BRIG. GEN. ORLANDO DE LEON, NAG-ABOT NG APELA KAY REP. MIKA SUANSING KAUGNAY NG 2027 NATIONAL BUDGET

​Nagpahayag ng kaniyang reaksyon si retired Brigadier General Orlando de Leon kay House Committee on Appropriations Chairperson Representative Mika Suansing matapos maging emosyonal ang mambabatas sa paglusot ng panukalang ₱7.2-trilyong 2027 national budget sa ikalawang pagbasa sa Mababang Kapulungan.

​Sa kaniyang naging pahayag, nag-abot si De Leon ng mensahe at komento hinggil sa naging reaksyon ng mambabatas sa gitna ng mga panawagan ng publiko para sa masusing transparency, pananagutan, at paglilinaw sa mga gastusin at alokasyon ng pamahalaan.

​Ang nasabing usapin ay patuloy na umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga retiradong opisyal, kritiko, at mamamayan habang nagpapatuloy ang mga paghahanda para sa ikatlo at huling pagbasa ng pambansang pondo sa Kamara.

​Ayon sa naging pahayag ni De Leon sa kaniyang reaksyon ukol sa emosyonal na sandali sa plenaryo, "huwag ka na po umiyak. kung kulang pa, hayaan mo at kakayod pa kami ng todo-todo."

​Paano kaya makatutulong ang bukas na komunikasyon at transparency sa pagitan ng mga opisyal ng pamahalaan at ng publiko upang maibsan ang mga alalahanin sa pambansang badyet?

​

11/10/2026

PANGULONG MARCOS JR. NAPAGSABIHAN SI USEC. CASTRO DAHIL SA SINABI NITO KAY VP SARA

Napagalitan sa harap ng media ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. si Palace Press Officer Atty. Claire Castro matapos ibunyag ng tagapagsalita ang umano'y pagtawag niya na 'buwaon' o 'sinungaling' kay Vice President Sara Duterte.

Sa isang panayam sa Singapore, sinabi ni Marcos Jr. na ang kanyang mga sinabi kay Castro ay dapat sa kanilang dalawa lamang at hindi isinapubliko.

Reaksyon umano ito ni Marcos Jr. sa sinasabi ni Duterte na may plano ang administrasyon niya na baguhin ang Konstitusyon para mapigilan ang eleksyon sa 2028.

"Ba't mo sinabi sa kanila, that was only supposed to be between the two of us? That was my reaction, that was my reaction to changing the Constitution to ano, the elections," ani Marcos Jr.

Dahil dito ay iginiit ni Marcos Jr. na ang nasabing komento niya ay hindi maituturing na opisyal na pahayag niya dahil hindi naman ito inilabas sa press release.

Sinabi naman ni Marcos Jr. na hindi totoo ang plano nilang baguhin ang Konstitusyon at dapat magpakita ng basehan si Duterte.

09/10/2026

Members of the Senate majority bloc stressed that Sen. Mark Villar’s move was not related to the impeachment trial. https://tinyurl.com/ms2jb9rs

09/10/2026

KIKO, SOTTO AT HONTIVEROS, NAGPAHAYAG NG CONCERN SA USAPIN NG POSIBLENG CRIMINAL LIABILITY SA PAGLABAS NG AMLC RECORDS

Nagpahayag ng concern ang ilang senator-judges matapos paulit-ulit na talakayin ng defense panel ni Vice President Sara Duterte ang posibleng criminal liability kaugnay ng disclosure ng confidential AMLC records sa impeachment trial.

Sinabi ni Sen. Kiko Pangilinan na maaaring umabot ang argumento ng depensa sa tanong kung posible ring magkaroon ng criminal liability ang mga senator-judges dahil sa pagtalakay sa naturang records.

“It leads us to think that maybe... the defense counsel will raise the issue of the possible criminal liability of the Senator-judges,” ani Pangilinan.

Iginiit niyang may ruling na ang presiding officer tungkol sa disclosure at kung nais itong kuwestiyunin ng depensa, maaari itong dalhin sa Supreme Court.

Nagpaalala naman si Senate President Tito Sotto III tungkol sa “parliamentary immunity.”

Nagpahayag din ng concern si Sen. Risa Hontiveros para sa media, at sinabing hindi dapat magkaroon ng “chilling effect” sa mga mamamahayag na nagko-cover ng impeachment proceedings.

Ang usapin ay lumitaw habang kino-cross-examine ng depensa si AMLC Executive Director Ronel Buenaventura tungkol sa confidentiality provisions at mga parusa sa ilalim ng Anti-Money Laundering Act.

Nilinaw naman ng kampo ng depensa na hindi nila intensiyong takutin ang mga senator-judges, testigo o media sa pagtatanong tungkol sa posibleng criminal liability.

Address

Tuguegarao City
3500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lex et Scelus posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share