23/08/2025
🌊 𝐅𝐥𝐨𝐨𝐝 𝐂𝐨𝐧𝐭𝐫𝐨𝐥 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭𝐬: 𝐒𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐮𝐥𝐮𝐛𝐨𝐠? 🚧
Ngayon nagtuturuan ang mga Congressman, DPWH officials, at ang mga Contractor kung sino ang may sala sa mga anomalous flood control projects. Pero malinaw sa batas: 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐤𝐢𝐥𝐨𝐬 𝐧𝐢𝐥𝐚 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐭𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐠𝐮𝐭𝐚𝐧.
👔 𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐞𝐬𝐬𝐦𝐚𝐧 – Kung siya’y tumanggap ng 𝐤𝐢𝐜𝐤𝐛𝐚𝐜𝐤𝐬 mula sa pondo, iyon ay pasok sa 𝐑.𝐀. 𝟑𝟎𝟏𝟗, 𝐒𝐞𝐜. 𝟑(𝐞) (𝐀𝐧𝐭𝐢-𝐆𝐫𝐚𝐟𝐭 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐨𝐫𝐫𝐮𝐩𝐭 𝐏𝐫𝐚𝐜𝐭𝐢𝐜𝐞𝐬 𝐀𝐜𝐭). Ang parusa rito ay 𝟔–𝟏𝟐 𝐭𝐚𝐨𝐧 na pagkakakulong at 𝐩𝐞𝐫𝐩𝐞𝐭𝐮𝐚𝐥 𝐝𝐢𝐬𝐪𝐮𝐚𝐥𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧.
Kapag ang halaga ay lumampas sa ₱50M, saklaw na ito ng 𝐑.𝐀. 𝟕𝟎𝟖𝟎 (𝐏𝐥𝐮𝐧𝐝𝐞𝐫 𝐋𝐚𝐰) na may parusang r𝐞𝐜𝐥𝐮𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐩𝐞𝐫𝐩𝐞𝐭𝐮𝐚 (𝟐𝟎–𝟒𝟎 𝐲𝐞𝐚𝐫𝐬 𝐢𝐦𝐩𝐫𝐢𝐬𝐨𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭).
🏢 𝐃𝐏𝐖𝐇 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐢𝐚𝐥𝐬 – Kung pumirma sila sa approval ng project kahit alam na 𝐝𝐞𝐡𝐚𝐝𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐨𝐛𝐲𝐞𝐫𝐧𝐨, pasok sa Sec. 3(g), R.A. 3019 (6–12 years na kulong at disqualification). Kung gumawa ng 𝐩𝐞𝐤𝐞𝐧𝐠 accomplishment report, mananagot sa 𝐀𝐫𝐭. 𝟏𝟕𝟏, 𝐑𝐏𝐂 (𝐅𝐚𝐥𝐬𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐛𝐲 𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐨𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞𝐫) na may parusang prisión mayor (𝟔–𝟏𝟐 𝐲𝐞𝐚𝐫𝐬).
Kung tumanggap ng 𝐬𝐮𝐡𝐨𝐥, malinaw ang 𝐀𝐫𝐭. 𝟐𝟏𝟎, 𝐑𝐏𝐂 (𝐃𝐢𝐫𝐞𝐜𝐭 𝐁𝐫𝐢𝐛𝐞𝐫𝐲) na may parusang mula 6 months hanggang 12 years, depende sa halaga ng suhol.
👷 𝐂𝐨𝐧𝐭𝐫𝐚𝐜𝐭𝐨𝐫 – Kapag tinanggap ang pera pero hindi itinuloy ang proyekto o ginamit ang mas murang materyales, ito ay 𝐀𝐫𝐭. 𝟑𝟏𝟓, 𝐑𝐏𝐂 (𝐄𝐬𝐭𝐚𝐟𝐚/𝐒𝐰𝐢𝐧𝐝𝐥𝐢𝐧𝐠) na may parusang mula 6 months hanggang 𝟐𝟎 𝐲𝐞𝐚𝐫𝐬, depende sa halagang nawala sa gobyerno.
Pwede rin silang makasuhan ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act kapag sila ay may 𝐤𝐚-𝐤𝐮𝐧𝐬𝐭𝐬𝐚𝐛𝐚 sa mga opisyales. Kung nagsumite ng accomplishment report para makasingil kahit 𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐤𝐭𝐮𝐰𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐠𝐢𝐧𝐚𝐰𝐚, pasok ito sa 𝐀𝐫𝐭. 𝟏𝟕𝟐, 𝐑𝐏𝐂 (𝐅𝐚𝐥𝐬𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐃𝐨𝐜𝐮𝐦𝐞𝐧𝐭𝐬) na may parusang 6 months–12 years.
⚖️ Sa huli, ang pinakamalaking talo ay ang mga Pilipino. Ang bawat ghost project ay hindi lamang pagkawala ng pondo, kundi pagkawala ng pagkakataon para sa mas ligtas na kalsada, maayos na drainage, at mas kaunting buhay na nalulunod taon-taon.
Habang nagtuturuan ang mga nasa kapangyarihan, ang taumbayan ang siyang nagbabayad ng buwis, at siya ring nagdurusa sa baha ng katiwalian.