25/10/2025
'WHY NO CAR, JUDGE?' — NETIZENS
Pumanaw ang isang 41-anyos na lady judge sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa Barangay Cabiangon, Pinamungajan sa Cebu noong October 22.
Sakay si Municipal Trial Court (MCTC) Presiding Judge Carmela Rosario Pasquin ng isang motorsiklo, na minamaneho ng kanyang court processor, at papunta na sana sa korte nang mangyari ang insidente.
Ayon sa Pinamungajan Police, kilala si Pasquin bilang lady judge na nagko-commute o kaya'y nakikisakay sa kanyang mga katrabaho papunta sa trabaho.
"Though her stint as a trial judge was abruptly ended, here simplicity, modesty, and dedication to judicial duty reflect the moral compass that everyone in the Judiciary must faithfully adhere to," pakikiramay ng Supreme Court.
Umani ng papuri at paghanga mula sa netizens ang lady judge dahil sa kanyang simpleng pamumuhay sa kabila ng pagkakaroon ng mataas na katungkulan sa gobyerno.