14/09/2026
SENATE OKS TERM EXTENSION FOR BARANGAY, SK OFFICIALS
Sa botong 13-5-0, inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Senate Bill No. 2387 na layong palawigin ang termino ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials sa limang taon.
Kung maisabatas ito, mapo-postpone ang nakatakdang Barangay at SK elections sa Nobyembre at mauurong sa 2028.
May ipinasang kaparehong panukala ang Kamara noong nakaraang linggo.