Ben Abalos

Ben Abalos Basta't Abalos, Ayos!

Malugod nating tinanggap ang mga kinatawan mula sa Embassy of the Democratic Republic of Timor-Leste sa pangunguna ni Am...
27/06/2025

Malugod nating tinanggap ang mga kinatawan mula sa Embassy of the Democratic Republic of Timor-Leste sa pangunguna ni Ambassador Marciano Octavio Garcia Da Silva.

Sa kanilang pagbisita ay tinalakay din ang direktang pakikipagtulungan ng bansang Timor-Leste sa Lungsod ng Mandaluyong

Maraming salamat Ambassador Da Silva sa inyong pagbisita sa Mandaluyong. Mabuhay kayo!

Sa ating lingguhang programa ngayong umaga ay idinaos sa ating lungsod ang pormal na panunumpa sa tungkulin ng mga halal...
27/06/2025

Sa ating lingguhang programa ngayong umaga ay idinaos sa ating lungsod ang pormal na panunumpa sa tungkulin ng mga halal na opisyal ng 4Ps Partylist kasunod ang isang programang pasasalamat at pagpupugay sa ating mga outgoing na konsehal at vice mayor.

Sa unang yugto ng programa ay napili tayo na pamunuan ang panunumpa sa tungkulin nina Congressman Marcelino Libanan at Congressman JC Abalos na muling uupo bilang kinatawan ng 4Ps Partylist. Isang karangalan ito para sa akin at kinikilala ng Mandaluyong ang lahat ng tulong na naibigay ng 4Ps Partylist sa mga Mandaleño.

Sa pangalawang yugto ng programa ay binigyan naman natin ng pasasalamat at pagkilala kay Konsehal Rodolfo "Kuyog" Posadas, na nagsilbing konsehal ng District 1 ng tatlong termino, simula July 1, 2016 at magtatapos itong June 30, 2025. Maraming salamat Konsehal Kuyog at hindi matatawaran ang kabuoang 36 taon sa serbisyo publiko.

Pasasalamat at pagkilala din ang ating iginawad kay Konsehal Anthony Suva na nagsilbi din sa District 1 simula noong 2022. Ngunit hindi dito nagtatapos ang paglilingkod ni Konsehal Suva dahil siya ay nakatakdang umupo muli bilang Vice Mayor ng Mandaluyong sa darating na July 1, 2025.

Atin ding binibigyan ng pasasalamat si Vice Mayor Menchie Abalos sa kaniyang natatanging panunungkulan mula July 1, 2022 at hindi niya iiwan ang serbisyo publiko dahil siya ay nakatakdang pumalit sa akin bilang susunod na Punong Lungsod ng Mandaluyong sa darating na buwan.

Bilang pagtatapos ay ako naman ang nagpapasalamat sa iginawad sa akin ng Sangguniang Panlungsod. Isang karangalan para sa inyong lingkod na tumayo muli bilang ama ng lungsod at nagpapasalamat ako sa lahat ng kawani ng city hall. Kung hindi dahil sa kanilang kasipagan ay hindi natin makakamit sa Mandaluyong ang tagumpay at kaunlaran na tinatamasa nito sa kasalukuyan.

Kaya't ang pagkilalang ibinigay ninyo sa akin ay hindi lamang ito para sa akin kundi para sa lahat ng kawani ng pamahalaang lungsod. Mabuhay kayo! Mabuhay ang Mandaluyong!

Malugod nating tinanggap ang mga opisyal ng Metropolitan and City Judges Association of the Philippines Inc. na dumalo s...
26/06/2025

Malugod nating tinanggap ang mga opisyal ng Metropolitan and City Judges Association of the Philippines Inc. na dumalo sa ating opisina.

Maraming salamat sa inyong pagdalo at sa pagbigay ng suporta sa aming lungsod. Mabuhay kayo!

Dumalo sa ating opisina sina Eastern Police District (EPD) Director PBGen Aden Lagradante at ang bagong hepe ng Mandaluy...
26/06/2025

Dumalo sa ating opisina sina Eastern Police District (EPD) Director PBGen Aden Lagradante at ang bagong hepe ng Mandaluyong City Police Station na si PCol Jenny Tecson.

Pagbati sa inyo at maagang pasasalamat sa ating kapulisan sa patuloy na pakikipag-ugnayan sa pamahalaang lungsod upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Mandaluyong. Mabuhay kayo!

Pinamunuan natin ngayong araw ang civil wedding ng apat na couples.Congratulations sa inyong lahat at pagpalain kayo ng ...
26/06/2025

Pinamunuan natin ngayong araw ang civil wedding ng apat na couples.

Congratulations sa inyong lahat at pagpalain kayo ng Diyos sa inyong ligal na pagsasama!

LOOK | IUWUS PHASE 1 UPDATE SA LUNGSOD NG MANDALUYONGIsinailalim sa grooming ngayong araw (HUNYO 20, 2025) ang F. Ortiga...
20/06/2025

LOOK | IUWUS PHASE 1 UPDATE SA LUNGSOD NG MANDALUYONG

Isinailalim sa grooming ngayong araw (HUNYO 20, 2025) ang F. Ortigas Street sa Barangay San Jose, kung saan tinanggal ang mga inactive wires at inayos ang mga active wires.

Bahagi ito ng Phase 1 ng Integrated Underground Wiring and Utilities Structure (IUWUS) Plan ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong na layuning ilipat sa ilalim ng lupa ang mga kawad ng kuryente at utility cables. Ang proyektong ito ay sumasalamin sa adhikain ng pamahalaang lungsod na magkaroon ng maayos, malinis, ligtas at makabagong kapaligiran para sa bawat mamamayan.

Ating pinamunuan ang pormal na pagbubukas ng Nursing Laboratories na matatagpuan sa loob ng Mandaluyong College of Scien...
17/06/2025

Ating pinamunuan ang pormal na pagbubukas ng Nursing Laboratories na matatagpuan sa loob ng Mandaluyong College of Science and Technology (MCST). Ang pasilidad na ito ay naglalaman din ng kaukulang kagamitan na magagamit ng mga g**o sa pagtuturo ng kursong Nursing sa ating city college.

Patuloy ang pamahalaang lungsod sa pagpapaganda ng mga pasilidad at kagamitan sa ating city college sa layong mapataas ang kalidad ng mga kurso para sa kabataang Mandaleño.

Pinangunahan natin ang flag raising ceremony ngayong umaga at kasabay nito ang pagdiriwang ng Filipino Social Workers Da...
17/06/2025

Pinangunahan natin ang flag raising ceremony ngayong umaga at kasabay nito ang pagdiriwang ng Filipino Social Workers Day katuwang ang mga kawani ng City Social Welfare and Development Department (CSWD).

Isang di matawarang pagkilala ang ating iginawad sa mga kawani ng CSWD na pinamumunuan ng kanilang officer in charge na si Arlene Gampal. Kabilang ang CSWD sa mga frontliner ng pamahalaang lungsod na rumeresponde sa mga nangyayaring sakuna bukod sa paghahatid ng iba’t ibang social services sa ating mamamayan. Kaya’t mabuhay ang ating CSWD!

Sa kabilang banda ay ipinakilala naman natin ang Mandaluyong Karatedo Team na humakot ng 17 gold, 7 silver, at 5 bronze medals at kinilalang overall champion sa Governor Ramon Guico 2025 Karatedo Games sa Lingayen, Pangasinan.

Nariyan din si Kyrsten Danielle Cabuñag mula sa Mandaluyong Fencing Club. Siya ay nakakuha ng 2 gintong medalya sa Under 12 Women’s Epee at Under 14 Women’s Epee sa katatapos lang na Philippine Fencing Association (PFA) MINIME Tournament na ginanap naman sa Ormoc, Leyte. Kasalukuyan niyang hawak ang Philippine-National Rank 1 sa parehong kategorya.

Mabuhay ang ating mga atletang Mandaleño!

Sa pagdiwang ng Father's Day ngayong araw ay aking binabati ang lahat ng mga tatay na matagumpay na naitaguyod ang kanil...
15/06/2025

Sa pagdiwang ng Father's Day ngayong araw ay aking binabati ang lahat ng mga tatay na matagumpay na naitaguyod ang kanilang mga pamilya, naging mabuting asawa, at ehemplo sa kanilang mga anak.

Happy Father's Day!

Sa ating paggunita sa ika-127 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng ating bansa ay ating balikan ang kasaysayan nito para p...
12/06/2025

Sa ating paggunita sa ika-127 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng ating bansa ay ating balikan ang kasaysayan nito para patuloy nating mapangalagaan ang kalayaang tinatamasa ngayon para sa kinabukasan ng darating na henerasyon!

Mabuhay ang bawat Pilipino saang dako man sa mundo! Mabuhay ang Pilipinas!🇵🇭

Address

Office Of The Mayor, 4th Floor, Executive Bldg. , Maysilo Circle, Brgy. Plainview, Mandaluyong City
Mandaluyong
1550

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ben Abalos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Ben Abalos:

Share