30/04/2026
Matanda na ang lola, pasensya ka na kung makulit na ako apo…
Minsan paulit-ulit, minsan mabagal na kumilos, pero ang totoo, gusto lang kitang makasama at makausap.
Hindi na katulad ng dati ang lakas ko, pero ang pagmamahal ko sa’yo, ganun pa rin—hindi kumukupas.
Sana kahit ganito na ako, may konting pasensya ka pa ring ibigay.
Yung simpleng pakikinig mo, pag-alalay mo, at pagrespeto… malaking bagay na sa akin.
Balang araw, pag ako’y wala na, sana maalala mo na minsan may lola kang sobrang nagmahal sa’yo, kahit sa simpleng paraan lang. 💛
-Lola Sario