16/10/2026
LIBRENG SERBISYONG LEGAL AT TALAKAYAN SA KOMUNIDAD TUNGKOL SA "BECYBERSMART AGAINST PHISHING, SCAMS, ONLINE SEXUAL ABUSE AND EXPLOITATION OF CHILDREN"
Bilang bahagi ng patuloy na paglilingkod sa komunidad, inaanyayahan ng Rene A.V. Saguisag Legal Aid Center (RAVSLAC), katuwang ang 'Shrine of the Five Wounds of Our Lord Jesus Christ', ang lahat na makiisa sa isang Libreng Serbisyong Legal at Talakayan sa Komunidad tungkol sa “Becybersmart against Phishing, Scams, Online Sexual Abuse and Exploitation of Children”
Layunin ng programang ito na magbigay ng libreng serbisyong legal at kaalaman sa komunidad tungkol sa iba’t ibang uri ng cybercrime, mga ipinagbabawal na gawain sa ilalim ng batas, mga karapatan at pananagutan ng mga gumagamit ng teknolohiya, at mga hakbang upang maprotektahan ang sarili laban sa mga krimeng nagaganap sa cyberspace.
Sa pamamagitan ng talakayang ito, hangad ng RAVSLAC na makatulong sa paghubog ng isang mas ligtas, mapanuri, at responsableng digital community sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kaalaman ng bawat isa tungkol sa kanilang mga karapatan at obligasyon sa ilalim ng batas.
📍 October 18, 2026
🕘 9:00 AM - 12:00 PM
📍Shrine of the Five Wounds of Our Lord Jesus Christ
365 C Leonardo 1st St, Las Piñas
Makibahagi at matuto — sama-sama nating palakasin ang kaalaman sa batas para sa isang ligtas at maayos na komunidad. ⚖️
Lex. Actum. Caritas