Sebastinian Office of Legal Aid - SOLA

Sebastinian Office of Legal Aid - SOLA Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sebastinian Office of Legal Aid - SOLA, Lawyer & Law Firm, Manila.

The Sebastinian Office of Legal Aid (SOLA) provides free, accessible, ethical and quality legal representation, assistance and advice to indigent persons in selected criminal, civil, labor and administrative cases within Metro Manila only.

 Nilinaw ng Korte Suprema: hindi lahat ng acts of lasciviousness laban sa menor de edad ay sakop ng RA 7610.Kung may “co...
07/04/2026



Nilinaw ng Korte Suprema: hindi lahat ng acts of lasciviousness laban sa menor de edad ay sakop ng RA 7610.

Kung may “consent” dahil sa impluwensiya o pamimilit (depektibong pahintulot), RA 7610 ang kaso. Pero kung walang malay o pinilit ang biktima, papasok ito sa Revised Penal Code.

Sa desisyon, isang akusado ang nanatiling guilty sa RA 7610, habang ang isa ay ibinaba sa RPC dahil natutulog ang biktima.

Naglatag din ng malinaw na guidelines ang Korte at nanawagan ng mas matibay na batas para protektahan ang mga bata.

Nilinaw ng ang pagtatangi sa aplikasyon ng acts of lasciviousness sa ilalim ng Republic Act (RA) Blg. 7610, o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, at acts of lasciviousness sa ilalim ng Revised Penal Code (RPC).

Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, pinagtibay ng En Banc ng Korte Suprema ang hatol na guilty kay Jeffrey L. Gramatica (Gramatica) para sa acts of lasciviousness sa ilalim ng Seksyon 5(b) ng RA 7610, pero binago ang hatol sa isa pang akusado, si ###2660399, at inilapat ang acts of lasciviousness sa ilalim ng Artikulo 366 ng Revised Penal Code (RPC).

Sa mga pinagsamang kasong ito na kinasasangkutan ng mga menor de edad na sina AAA, BBB, at CCC, naglatag ang Korte Suprema ng mga patnubay para matiyak ang wastong pagsasakdal ng mga kaso sa ilalim ng dalawang magkaibang batas na ito.

Kinasuhan si Gramatica ng acts of lasciviousness sa ilalim ng Seksyon 5(b) ng RA 7610 dahil sa pakikipagtalik kina AAA at BBB, na kapwa nalulong sa shabu.

Samantala, kinasuhan naman si ###266039 ng kaparehong kaso dahil sa panghihipo sa maseselang bahagi ng katawan ng kanyang apo na si CCC habang ito’y natutulog.

Depensa ni Gramatica, niligawan niya si BBB at nagkaroon sila ng sekswal na pagsasama pero hindi niya alam na isa itong menor de edad. Itinanggi naman ni ###266039 ang mga akusasyon at sinabing ginising lang niya si CCC para humingi ng tulong sa paglagay ng gamot sa mata.

Kapwa nagdesisyon ang Regional Trial Court at Court of Appeals na parehong nagkasala sina Gramatica at ###266039 ng acts of lasciviousness sa ilalim ng Seksyon 5(b) ng RA 7610 laban kina BBB at CCC.

Ang isang menor de edad ay sinasabing ginawan ng iba pang pang-aabusong sekswal kapag sila ay naging biktima ng acts of lasciviousness nang may kasamang pamimilit o impluwensiya ng nakatatanda. Sa kasong ito, 14 lang si BBB at 17 si CCC noong nangyari ang insidente. Si Gramatica ay 23, samantalang si ###266039 ay 62.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang hatol kay Gramatica sa ilalim ng RA 7610, ngunit binago ang hatol ni ###266039 sa acts of lasciviousness sa ilalim ng Revised Penal Code (RPC). Ayon sa Korte, hindi angkop ang RA 7610 kung ang menor de edad ay ganap na walang kamalayan, pinilit lang, o walang kamalay-malay, dahil sa ganitong sitwasyon, hindi maituturing na sumang-ayon ang biktima sa pakikipagtalik.

Sa ilalim ng Seksyon 5 ng RA 7610, ang mga batang biktima ay sumailalim sa iba pang anyo ng sekswal na pang-aabuso bilang nakikilahok sa pakikipagtalik o malisyosong gawaing sekswal dahil sa pamimilit o impluwensiya ng isang nakatatanda.

Para malinaw ang saklaw ng acts of lasciviousness sa ilalim ng RA 7610 at sa ibang kaugnay na krimen sa ilalim ng RPC, naglatag ang Korte Suprema ng mga patnubay at isinasaalang-alang din ang RA 11648 na nagtaas ng edad ng sexual consent sa 16 taong gulang.

Una, angkop ang Seksyon 5(b) sa mga batang may edad 16 hanggang mas mababa sa 18 na sumasailalim sa sekswal na pang-aabuso.

Ikalawa, saklaw nito ang mga sitwasyon kung saan may depektibong pahintulot. Maaaring tila sumasang-ayon ang menor de edad, ngunit hindi ito bunga ng malayang kalooban kundi dahil sa pamimilit o impluwensiya ng isang nakatatanda. Kaya’t isang krimen ang pakikipagtalik sa batang pinagsamantalahan sa prostitusyon o sumailalim sa sekswal na pang-aabuso, kahit pa tila may pahintulot.

Ikatlo, hindi ito naaangkop kung ang akto ay may kasamang puwersa, pananakot, panlilinlang, pag-alis ng katinuan, kawalan ng malay, o matinding pang-aabuso ng awtoridad. Sa ganitong mga kaso, ang krimen ay papasok sa acts of lasciviousness sa ilalim ng RPC.

Ikaapat, kung ang biktima ay wala pang 12 o wala pang 16 taong gulang, at hindi saklaw ng Seksyon 5(b), ang krimen ay r**e o acts of lasciviousness sa ilalim ng RPC.

Sa kasong ito, si BBB ay isang batang pinagsamantalahan sa prostitusyon o iba pang sekswal na pang-aabuso dahil nakipagtalik siya kay Gramatica kapalit ng isang konsiderasyon, ang shabu, kaya may kriminal na pananagutan si Gramatica sa ilalim ng Seksyon 5(b) ng RA 7610.

Samantala, hindi naaangkop ang Seksyon 5(b) ng RA 7610 kay ###266039. Nilinaw ng Korte Suprema na hindi saklaw ng RA 7610 ang lahat ng acts of lasciviousness laban sa mga menor de edad na may edad 12 hanggang mas mababa sa 18. Ang batas ay naaangkop lamang kapag ang mga menor de edad ay nagbigay ng depektibong pahintulot sa gawaing sekswal.

Sa kasong ito, hindi sumang-ayon si CCC sa acts of lasciviousness dahil natutulog siya at wala siyang malay. Hindi ginamit ni ###266039 ang pamimilit o impluwensiya, kundi umasa sa kanyang moral na awtoridad bilang lolo niya, na itinuturing bilang pananakot. Dahil dito, pananagutan ni ###266039 ang acts of lasciviousness sa ilalim ng Artikulo 336 ng RPC, sa halip na RA 7610.

Para sa acts of lasciviousness sa ilalim ng Seksyon 5(b) na kinasasangkutan si BBB, hinatulan si Gramatica ng maximum na 17 taon, apat na buwan, at isang araw na pagkakakulong at iniutos na magbayad kay BBB ng PHP 150,000 bilang kabayaran at danyos, pati na rin ng multa na PHP 15,000.

Para sa acts of lasciviousness sa ilalim ng Artikulo 336 ng RPC, hinatulan si ###266039 ng maximum na anim na taon na pagkakakulong at iniutos na magbayad kay CCC ng PHP 450,000 bilang kabayaran at danyos na may karampatang interes.

Kinilala ng Korte Suprema na sa ilalim ng kasalukuyang mga batas, si ###266039, na gumawa ng kasuklam-suklam at asal-hayop na gawain laban sa kanyang menor de edad na apo, ay nahaharap sa mas mababang parusa kumpara sa RA 7610. Hinimok nito ang lehislatura na amyendahan ang umiiral na mga batas upang mas maprotektahang mabuti ang mga bata.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=162863.

Basahin ang buong Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=162842.

Basahin ang Hiwalay na Sumasang-ayon na Opinyon ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen sa https://sc.judiciary.gov.ph/260233-266039-separate-concurring-opinion-senior-associate-justice-marvic-m-v-f-leonen/.

Basahin ang Sumasang-ayon na Opinyon ni Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa sa https://sc.judiciary.gov.ph/260233-266039-concurring-opinion-associate-justice-alfredo-benjamin-s-caguioa/.

Basahin ang Hiwalay na Sumasang-ayon na Opinyon ni Associate Justice Rodil V. Zalameda sa https://sc.judiciary.gov.ph/260233-266039-separate-concurring-opinion-associate-justice-rodil-v-zalameda/.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


Celebrating strength, dignity, and resilience this National Women’s Month at the Makati City Jail – Female Dormitory.A m...
30/03/2026

Celebrating strength, dignity, and resilience this National Women’s Month at the Makati City Jail – Female Dormitory.

A meaningful rights awareness session was held for Women Persons Deprived of Liberty (PDLs), reminding everyone that every woman, regardless of circumstance, deserves respect, protection, and equal access to justice.

This initiative was made possible through the Legal Management Society students of SSC-R, Manila, under the supervision of Ms. Nace Sue Sawadjaan, Program Chair, in coordination with the San Sebastinian Office of Legal Aid (SOLA) led by Atty. Edgardo Alexander Gayos, Director for SOLA, together with the SSC-R Manila College of Law students, under the guidance of Atty. Ryan Lopez and Atty. Ryan Romano, and with the support of College of Law Associate Dean, Atty. Aristotle Dumlao.

Together, we continue to uphold the rights of women and amplify their voices—because empowerment knows no boundaries.

 Klaro ang Korte Suprema: kahit kusang isinuko ang bata, kailangan pa rin ang sertipikasyon mula sa DSWD na nagsasabing ...
25/03/2026



Klaro ang Korte Suprema: kahit kusang isinuko ang bata, kailangan pa rin ang sertipikasyon mula sa DSWD na nagsasabing maaari itong ipaampon. Sa kasong Robiso v. Hon. Ibay, pinagtibay ng Korte Suprema na mahalaga ang prosesong ito upang matiyak ang proteksyon at kapakanan ng bata, at ang pagsunod sa tamang legal na hakbang sa pag-aampon.

Nagpasya ang na kinakailangan pa rin ang sertipikasyon na nagsasabing legal na maaaring ampunin ang isang bata kahit pa ito ay kusang isinuko ng ina.

Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Japar B. Dimaampao, pinagtibay ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema ang pagbasura ng Regional Trial Court (RTC) sa petisyon para sa pag-aampon dahil wala itong kalakip na sertipikasyon mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nagsimula ang kaso nang iniwan ng isang ina, matapos manganak, ang kanyang sanggol sa pangangalaga nina Eleazar Robiso (Robiso) at ng kanyang mga magulang. Makalipas ang isang taon, naghain si Robiso ng petisyon para sa pag-aampon ng bata sa RTC.

Para suportahan ang kanyang petisyon, nagsumite si Robiso ng isang Affidavit of Consent to Adoption and Grant of Custody of Child na pinirmahan ng ina. Sa nasabing affidavit, sinabi ng ina na hindi niya kayang magbigay ng suportang pinansiyal sa kanyang anak at ipinagkatiwala niya kay Robiso ang bata at ang kanyang parental authority o karapatan bilang magulang.

Nang tinanggihan ng RTC at ng Court of Appeals ang petisyon dahil sa kawalan ng sertipikasyon mula ng DSWD na nagpapatunay na ang bata ay legal na maaaring ipaampon, alinsunod sa RA 9253, naghain si Robiso ng petisyon sa Korte Suprema. Iginiit niya na kinakailangan lamang ang naturang sertipikasyon para sa mga batang inabandona, napabayaan o kusang-loob na ipinaubaya (voluntarily committed children).

Hindi sumang-ayon ang Korte Suprema at tinanggihan ang petisyon ni Robiso.

Sa mga kaso ng pag-aampon, kailangan sa ilalim ng RA 9253 ang sertipikasyon ng DSWD na nagdedeklara na maaaring ipaampon ang isang bata. Nilinaw ng implementing rules ng batas na nalalapat ang requirement sa mga isinuko, inabandona, napabayaan, at mga batang umaasa sa suporta.

Bagama’t hindi binibigyang-kahulugan ng batas ang isang batang isinuko (surrendered child), tinutukoy naman nito ang batang kusang-loob na ipinaubaya (voluntarily committed children) bilang isang bata na ang mga magulang o legal na tagapag-alaga ay may kaalaman at kusang-loob na isinusuko ang kanilang kapangyarihan bilang magulang sa DSWD o sa isang akreditadong child-placement o child-caring agency. Ang mga patakaran sa pagpapatupad ng batas ay gumagamit din ng parehong depinisyon para sa isang batang isinuko.

Dagdag pa ng Korte Suprema na dapat basahin ang batas kasabay ng Article 154 ng Presidential Decree No. 603 o ang Child and Youth Welfare Code na itinuturing ang isang batang isinuko (surrendered child) sa isang indibidwal bilang isang batang kusang-loob na ipinaubaya (voluntarily committed child).

Paliwanag nito, kapag ang isang magulang, karaniwan ay isang ina na kumikilos sa ilalim ng mahihirap na kalagayan gaya sa kasong ito, ay ipinagkakatiwala ang kanyang anak sa pangangalaga ng iba, ang bata ay itinuturing sa batas bilang kusang-loob na isinuko. Para sa layunin ng pag-aampon, kinakailangan samakatuwid na unang makuha ng inaasahang mag-aampon ang kinakailangang sertipikasyon mula sa DSWD.

Gayunman, nilinaw ng Korte Suprema na maaari pa ring ituloy ni Robiso ang angkop na remedyo, kabilang ang pinasimpleng prosesong administratibo ng pag-aampon sa ilalim ng RA 11642, o ang Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act, na nagkabisa noong 2022.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=162472.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=162466.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


 Muling iginiit ng Korte Suprema sa kasong People vs Bautista ang patungkol sa bisa ng warrantless search kaugnay ng leg...
26/02/2026



Muling iginiit ng Korte Suprema sa kasong People vs Bautista ang patungkol sa bisa ng warrantless search kaugnay ng legal na pag-aresto. Anumang ebidensiyang makuha mula sa mga bagay na nasa agarang kontrol ng akusado ay maaaring tanggapin at may bisa bilang ebidensya sa hukuman, kahit hindi ito lantad sa paningin ng mga umarestong pulis.

Muling iginiit ng na ang paghahalughog matapos ang isang legal na pag-aresto ay maaring sumakop sa mga bagay na nasa agarang kontrol ng akusado. Maaaring tanggapin ng hukuman ang anumang mga ebidensiyang makukuha sa paghahalughog kahit hindi ito lantad sa paningin ng mga umarestong pulis.

Sa isang Desisyong isinulat ni Associate Justice Ricardo R. Rosario, pinagtibay ng Unang Dibisyon ng Korte Suprema ang hatol na pagkakasala kay Jeryl Bautista dahil sa illegal possession of dangerous drugs under Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, as amended.

Naaresto sa isang buy-bust operation si Bautista. Matapos mahuli, kinapkapan siya ng mga pulis at nakuhanan siya ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu na nakatago sa loob ng isang cellphone charger.

Depensa ni Bautista, hindi dapat tanggapin bilang ebidensiya ang mga karagdagang sachet dahil hindi ito lantad sa paningin ng mga pulis nang kumpiskahin ito noong siya’y naaresto.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang hatol na pagkakasala ng Regional Trial Court at Court of Appeals at isinantabi ang kanyang argumento. Paliwanag nito, hindi lamang ang plain view doctrine ang batayan para maging wasto ang isang warrantless search dahil maaari ring magsagawa ng paghahalughog sa isang taong naaresto nang naaayon sa batas.

Sa pangkalahatan, kinakailangan ang warrant sa paghahalughog at pagsamsam ng anumang ebidensiya. Kapag nagsagawa ang pulisya ng paghahalughog o pagsamsam nang walang wastong warrant, hindi maaaring gamitin sa hukuman ang mga ebidensiyang makukuha. Gayunman, may mga kinikilalang exception o pagpapaliban sa patakarang ito.

Isa sa mga ito ang plain view doctrine na nagpapahintulot sa pagsamsam ng ebidensiyang lantad sa paningin kung: (1) may legal na dahilan ang pulis na naroroon sa lugar kung saan nakita ang bagay; (2) hindi planado ang pagkakadiskubre nito; at (3) agad na malinaw na ang bagay ay may kaugnayan sa krimen o labag sa batas.

Isa pang kinikilalang exception ang warrantless search na kaugnay ng isang legal na pag-aresto. Para maging wasto, kinakailangang: (1) legal ang pag-aresto sa akusado; (2) isinagawa ang paghahalughog nang walang warrant matapos ang pag-aresto; (3) limitado ang paghahalughog sa katawan ng akusado at sa mga bagay na nasa kanyang agarang kontrol; at (4) isinagawa ito sa lugar ng pag-aresto.

Sa kasong ito, inaresto si Bautista sa isang buy-bust operation at siniyasat bilang bahagi ng pagkakaaresto sa kanya. Bagaman hindi lantad sa paningin ng mga pulis ang mga sachet na nakatago sa loob ng cellphone charger, sinabi ng Korte Suprema na wasto pa rin ang paghahalughog dahil isinagawa ito bilang bahagi ng isang legal na pag-aresto at sumasaklaw sa mga bagay na nasa agarang kontrol ng akusado sa oras ng pag-aresto.

Dahil napatunayan ng prosekusyon na: (1) may droga sa kanyang pag-iingat; (2) walang pahintulot ng batas ang naturang pag-iingat; at (3) ginawa ito nang may kaalaman at kusang-loob, hinatulan ng Korte si Bautista ng pagkakakulong ng hanggang 16 na taon at pinagmulta ng PHP 300,000.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=161226.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=161221.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


Supreme Court of the Philippines Clarifies Guidelines on Voluntary Surrender as a Mitigating CircumstanceVoluntary surre...
19/02/2026

Supreme Court of the Philippines Clarifies Guidelines on Voluntary Surrender as a Mitigating Circumstance

Voluntary surrender is judged by intent, not technicalities.

The Supreme Court of the Philippines clarifies that what matters is the accused’s true willingness to submit to authorities, assessed through the totality of circumstances—not merely the timing of an arrest warrant.

Read the full Decision and press release from the .

The (SC) 𝘌𝘯 𝘉𝘢𝘯𝘤 has issued guidelines in appreciating the mitigating circumstance of voluntary surrender, clarifying that it must be evaluated based on the person’s true intent and the totality of the circumstances.

In a Decision written by Associate Justice Samuel H. Gaerlan, the SC granted the accused’s petition and reduced his sentence, recognizing his surrender as voluntary even if he surrendered after learning of the issuance of arrest warrant against him.

The accused went to the National Bureau of Investigation (NBI) to apply for clearance. During processing, his name registered a “hit”, indicating he had a pending case. He admitted this to the NBI officer.

He was instructed to return after one week while the records were being verified. When he came back, the NBI officer confirmed he had a pending bigamy case and an outstanding warrant for his arrest issued 13 years earlier. He then told the officer, “masuko na lang ako” (I will surrender) and asked help in posting bail. The arrest warrant was then served on him.

The NBI later issued a certificate stating that he voluntarily surrendered to their office. However, the return of the warrant and order of release described him as having been “arrested.”

During arraignment, the accused first pleaded not guilty but later entered into a plea bargain, asking the court to consider his voluntary surrender and guilty plea.

The Regional Trial Court (RTC) convicted him of bigamy and considered his plea of guilt, but ruled that he did not voluntarily surrender. It relied on the warrant’s return and release order, which stated that he was “arrested,” and noted that the case had been pending for 13 years because he could not be located. The Court of Appeals affirmed this, finding that he went to the NBI not to surrender but to apply for clearance, and that when he said he would surrender, he had no choice because he was already inside the NBI office.

The SC disagreed.

Under Article 13(7) of the 𝘙𝘦𝘷𝘪𝘴𝘦𝘥 𝘗𝘦𝘯𝘢𝘭 𝘊𝘰𝘥𝘦, voluntary surrender requires that the offender had not been arrested; they surrendered themselves to a person in authority or its agent; and the surrender was voluntary.

In this case, the accused returned to the NBI and said he would surrender before the arrest warrant was actually served on him. He had not yet been arrested. He also surrendered to an NBI officer, a person in authority.

The SC ruled that voluntary surrender must be viewed with a “more considerate and broad-minded approach” once guilt has been established. It stressed that voluntary surrender must be assessed through the totality of circumstances, laying down the following guiding principles:

1. The voluntariness and spontaneity of the surrender must show that offender either admits their guilt or wish to spare authorities the trouble of searching for and arresting them.

2. The circumstances of the voluntary surrender is independent of the fact of the issuance of the arrest warrant. The mere fact of the arrest warrant’s prior issuance should not be taken against the accused’s claim of voluntary surrender when other circumstances point to the fulfillment of all requirements, including voluntariness. However, knowledge of the accused of the existence of an arrest warrant against them and their continued evasion of justice can negate voluntariness and spontaneity.

3. The lapse of time an accused used to evade the law could be a criterion in negating spontaneity.

4. Voluntariness is not negated by the fact that there is likelihood that the accused may be arrested anytime before they surrendered. Imminence of arrest should be coupled with an indication that the accused fled or could further escape and evade, before it could deny voluntariness.

5. The intention of the accused at the time of surrender must be considered with other circumstances in determining entitlement to mitigating circumstance. The offender is not required to surrender at the first opportunity.

6. If the records do not clearly show that the offender voluntarily surrendered, that doubt cannot be resolved in their favor.

As to the voluntariness of his surrender, the SC emphasized that if he intended to evade arrest, he would not have returned to the NBI. While his first visit was to secure a clearance, his decision to return despite knowing there might be an active case shows his willingness to cooperate with the authorities.

The SC also clarified that while he knew about the pending case, there was no proof that he knew a warrant for his arrest had already been issued. It also noted the absence of any attempt to flee, his open use of his real name, and the fact that he returned to the NBI on his own.

The SC also reminded judges to avoid making quick or premature conclusions, emphasizing:

“What the Court asks and expects of magistrates on the frontlines of justice is to adjudge each case wholly, fully, and fairly as discerning persons learned in the law and literate in life experience, and not as cold-hearted automatons or soulless supercomputers, for even a single judge’s role in the administration of our penal laws can indeed have far-reaching consequences for the parties and for human society as a whole… The law may be harsh, but it need not be harsher.”

The accused’s sentence was reduced from a maximum of six years to a maximum of four years in prison.

Read the full text of the press release at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=160857

Read the full text of the Decision https://sc.judiciary.gov.ph/?p=160836

Read the Concurring Opinion of Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa at https://sc.judiciary.gov.ph/258592-formerly-udk-no-17170-concurring-opinion-justice-alfredo-benjamin-s-caguioa/

SOLA in Action:Philippine law guarantees employees security of tenure—no worker may be dismissed without due process of ...
16/02/2026

SOLA in Action:

Philippine law guarantees employees security of tenure—no worker may be dismissed without due process of law. Awareness of these rights empowers employees to stand against unlawful termination.

Law Student Practitioners (LSP) Jemir Dela Cruz, Kaylee Rabino, and Romina Samson — together with Supervising Lawyer Ryan Lopez assisted a client in filing a complaint for illegal dismissal, turning legal knowledge into service in defense of dignity and justice.

The Sebastinian Office of Legal Aid (SOLA): Where Theory Meets Practice.SOLA is where the foundational principles of a S...
21/01/2026

The Sebastinian Office of Legal Aid (SOLA): Where Theory Meets Practice.

SOLA is where the foundational principles of a Sebastinian legal education become professional practice. More than a classroom, it is a dynamic proving ground for the next generation of advocates. It is a dynamic hub where our interns engage directly with the heart of the law.

Here, our legal interns take center stage. Under the supervision of Attys. Gayos, Lopez and Romano, they step into the vital roles of the legal profession: interviewing clients, drafting pivotal documents, and formulating case strategy. This is the crucible where theoretical knowledge is forged into practical skill, professional judgment, and compassionate advocacy.

This is SOLA in action—transforming insight into impact, for our students and our community, one case at a time.

 ⚖️ Korte Suprema: Inuuna ang rehabilitasyon ng CICLPinagtibay ng Korte Suprema ang layunin ng RA 9344 sa pagsuspinde ng...
13/01/2026



⚖️ Korte Suprema: Inuuna ang rehabilitasyon ng CICL

Pinagtibay ng Korte Suprema ang layunin ng RA 9344 sa pagsuspinde ng sentensiya ng isang child in conflict with the law, bilang paggiit sa pinakamahusay na interes, rehabilitasyon, at reintegrasyon ng bata sa lipunan.

📖 Basahin ang buong desisyon at press release mula sa .

Sinuspinde o pinagpaliban muna ng ang hatol sa isang child in conflict with the law (CICL), bilang paggiit sa layunin ng Republic Act No. (RA) 9344, o ang Juvenile Justice and Welfare Act, na isulong ang pinakamahusay na interes at rehabilitasyon ng bata.

Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Mario V. Lopez bago siya magretiro, tinanggihan ng En Banc ng Korte Suprema ang apela ni ###265302 (akusado) na napatunayang nagkasala ng qualified r**e ng isang menor de edad. Napatawan siya ng parusang 12 taon hanggang 14 na taon, walong buwan at isang araw sa bilangguan.

Ibinalik ang kaso sa Regional Trial Court (RTC) para ipag-utos na madetine ang akusado sa isang agricultural camp o iba pang pasilidad ng pagsasanay sa ilalim ng Section 51 ng batas.

Kinasuhan ng panggagahasa sa kanyang limang taong gulang na kalaro ang akusado na 15 taong gulang nang mangyari ang krimen.

Labing-walong taong gulang na siya nang hatulan ng Regional Trial Court (RTC) na guilty sa statutory r**e. Ipinataw nito ang parusang pagkakakulong ng walong taon at isang araw hanggang 14 na taon, walong buwan at isang araw, ngunit sinuspinde ng RTC ang kanyang sentensiya.

Sa ilalim ng Section 38 ng RA 9344, may karapatan sa suspensiyon ng kanilang sentensiya ang isang akusado na menor de edad sa panahon ng pagkakasala.

Makalipas ang ilang buwan, naglabas ang RTC ng warrant of arrest, at siya ay ikinulong sa New Bilibid Prison. Tinanggihan ng Court of Appeals ang kanyang apela.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang kanyang hatol ngunit nilinaw na ang krimen ay qualified r**e at ipinag-utos ang suspensiyon ng kanyang sentensiya.

Nakasaad sa Section 40 ng RA 9344 na kapag nasa edad 18 ang CICL habang nasa ilalim ng nasuspinding sentensiya, maaari silang palayain ng korte, iutos na ipatupad ang kanilang sentensiya, o palawigin ang suspendidong sentensiya sa loob ng isang panahon o hanggang umabot sila sa maximum na edad na 21 taong gulang.

Sa kasong ito, 25 taong gulang na ngayon ang akusado na inilipat sa Davao Prison and Penal Farm.

Gayunpaman, pinahaba ng Korte Suprema ang pagsuspinde sa kanyang sentensiya para matupad ang layunin ng batas na inuuna ang pagpapanumbalik, rehabilitasyon, at reintegrasyon ng mga batang nagkasala sa komunidad.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=159175.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=159085.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


Hindi alila, kundi manggagawa. ✊Sa ilalim ng Kasambahay Law, may karapatan ang mga household helpers sa tamang sahod, be...
27/11/2025

Hindi alila, kundi manggagawa. ✊

Sa ilalim ng Kasambahay Law, may karapatan ang mga household helpers sa tamang sahod, benepisyo, at proteksyon laban sa pang-aabuso. Alamin at ipaglaban ang iyong karapatan, dahil bawat tahanan ay mas magaan kapag may hustisya at respeto.

Wrapping up a successful and insightful seminar held last November 21 by the Sebastinian Office of Legal Aid. ⚖️✨Guided ...
24/11/2025

Wrapping up a successful and insightful seminar held last November 21 by the Sebastinian Office of Legal Aid. ⚖️✨

Guided by our SOLA Director and Supervising Lawyers, the event brought together discussions on the Revised IRR of R.A. No. 10592 or the Good Conduct Time Allowance Law, R.A. No. 7309 or the Victims Compensation Program, the rights of protected sectors, and women’s and children’s rights.

Thank you to our speakers and participants for fostering legal awareness, compassion, and service-oriented learning. Together, we continue to strengthen our commitment to responsible legal practice. 🙌✨

 A law that protects workers against discrimination based on age, Republic Act No. 10911, also known as the “Anti-Age Di...
18/11/2025



A law that protects workers against discrimination based on age, Republic Act No. 10911, also known as the “Anti-Age Discrimination in Employment Act,” ensures that every Filipino is given equal opportunity in work regardless of age. In many instances, employers tend to set specific age limits (such as “18–30 years old only”) and reject applicants who are either younger or older, even if they are qualified. This law aims to correct such unfair practices and emphasizes that employment decisions must be based on merit, competence, and qualifications—not age.
RA 10911 prohibits the following acts:
– Stating age preferences in job advertisements or postings;
– Refusing to hire or promote an applicant solely because of age;
– Denying equal pay, benefits, or training opportunities based on age;
– Terminating or suspending an employee due to age.
However, the law allows age as a valid qualification only when it is a bona fide occupational requirement (such as for pilots, athletes, or models), when another law prescribes a specific retirement age, or when it forms part of a legitimate retirement or seniority plan without intent to discriminate.
In passing this law, the State upholds the right of every worker to fair employment and equal opportunity, fostering a labor environment where ability and integrity—not age—determine one’s success.

CTTO

 Ang RA No. 11642 o Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act ay nagnanais na magbigay ng mas mada...
10/11/2025



Ang RA No. 11642 o Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act ay nagnanais na magbigay ng mas madaling proseso ng pag-ampon. Ang dating panghukumang proseso (Pagpapasa ng petisyon sa korte na malimit ay nangangailangan ng pagkuha ng abogado), ngayon ay administratibong proseso (pagpapasa ng petisyong administratibo sa Regional Alternative Child Care Office o RACCO, na hindi nangangailangan ng abogado).

Maaring bisitahin ang link na ito para sa mas komprehensibong impormasyon tungkol sa batas: ⁦https://bit.ly/4nELNGo⁩
Para sa mga katanugan tungkol sa batas, legal na proseso, at iyong mga karapatan, i-PM ang aming Facebook account, mag-email, o mag-text sa aming mga hotline:

sa social media
[email protected] sa email
0966-213-6661 para sa Globe
0969-025-2811 para sa Smart


Address

Manila
1001

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639662136661

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sebastinian Office of Legal Aid - SOLA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Sebastinian Office of Legal Aid - SOLA:

Share