30/04/2026
Bingo sa Barangay: No PAGCOR Permit Needed! ⚖️🏠
Kinatigan ng Supreme Court ang karapatan ng mga barangay na magdaos ng "Bingo sa Barangay" bilang fundraising activity para sa kanilang mga proyekto nang hindi na nangangailangan ng permit mula sa PAGCOR o anumang ahensya ng gobyerno. Ayon sa SC, sa ilalim ng Local Government Code of 1991, ang mga barangay ay may awtonomiya at kapangyarihang mag-generate ng sariling pondo, basta't ang mga aktibidad na ito ay sumusunod sa national standards ng moralidad at kaligtasan. Binigyang-diin ng korte na ang pagkilala sa kapangyarihang ito ay pagbibigay-buhay sa utos ng Konstitusyon na patatagin ang lokal na awtonomiya ng mga barangay bilang basic political units ng bansa.
⚠️ DISCLAIMER: Ang post na ito ay summary lamang ng isang kaso mula sa Supreme Court para sa educational purposes at hindi legal advice.
゚viral