JFS Law Office and Notary Public

JFS Law Office and Notary Public The Law Office of Atty. Jason Felix Saluya
โš–๏ธ Notary Public ๐“‚ƒโœ๐Ÿ“ฑ09554796224

Open Monday to Sunday: 8am to 5:15pm. Please set appointment if beyond office hours.

Click here: ๐Ÿ‘‰ https://bit.ly/4bG5TNQ

25/07/2026

Nagpasya ang na nananatiling may bisa ang bentahan ng lupa na magkaibang numero ng lote ang nakasaad sa kasulatan ng bentahan o deed of sale kumpara sa tunay na nabenta, bastaโ€™t malinaw na maipapakita ang totoong pinagkasunduan ng mga partido. Dahil dito, maaaring itama ang kasulatan para tumugma sa aktuwal na napagkasunduan ng magkabilang panig.

Sa Desisyong isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, pinagtibay ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema ang bentahan ng isang 491 metro kuwadradong lupain sa Lungsod ng Cebu sa pagitan ng mga mamimiling sina Genara at Felipe Abay, Sr. (mga Abay) at ng mga nagbentang sina Crispin Caballes at mga tagapagmana ni Trinidad Caballes-Gallardo (mga Gallardo), sa kabila ng pagkakamali sa nakalagay na numero ng lote sa deed of sale.

Bahagi ang lupang ito ng ari-ariang naiwan ni Margarita Lopez na may siyam na anak, kabilang sina Crispin at Trinidad.

Binisita ng mga Abay ang lugar kasama si Crispin at si Tomas Gallardo, isa sa mga tagapagmana ni Trinidad, bago nila binili ang ari-arian. Sa kanilang pagbisita, ipinakita sa kanila ang mga hangganan ng lupa. Tumulong pa si Tomas sa mga Abay sa pagtatayo ng bakod sa paligid nito.

Tinirahan ng mga Abay ang ari-arian nang humigit-kumulang 20 taon. Naputol lang ang kanilang paninirahan nang pumasok dito ang mga manggagawa ng mag-asawang Jacinto at Chiok Ngo Lim Young (mga Young), sinara ang bakod, at nagtayo ng sarili nilang mga poste.

Nalaman ng mga Abay na isang titulo para sa ari-arian ang naisyu sa pangalan ng mga Young. Dahil dito, naghain sila ng reklamo sa Regional Trial Court (RTC) para maipakansela ang nasabing titulo.

Kinuwestiyon ito ng mga Gallardo at ikinatuwirang ang mga dokumentong iprinisenta ng mga Abay ay tumutukoy sa ibang lote, ang Lot No. 6036-B, at hindi sa loteng kanilang tinitirhan na Lot No. 7. Bagamaโ€™t parehong matatagpuan sa iisang lugar ang dalawang lote, hiwalay na ari-arian ang mga ito at hindi magkatabi. Sinuportahan ng mga Young ang panig ng mga Gallardo at pinanindigang sila ay mga mamimili na may mabuting intensyon.

Nagdesisyon ang RTC pabor sa mga Abay, pero binaliktad ang desisyong ng Court of Appeals (CA). Ayon sa CA, ang mga dokumentong iprinisenta ng mga Abay ay nagpapakitang Lot No. 6036-B ang kanilang nabili at hindi ang Lot No. 7 na inangkin at pinaghahawakan nila.

Hindi sumang-ayon ang Korte Suprema at iginiit nito ang ang mga naging desisyon nito sa mga naunang kaso na nagpapatibay ng bilihan. Pinahihintulutan nito ang pagtatama ng kasulatan para maipakita ang tunay na kasunduan ng mga panig sa mga pagkakataong nabigo ang deed of sale na tumpak na mailarawan ang lupang nilayon ng magkabilang panig.

Sa ilalim ng Civil Code, maaaring itama ang isang kasulatan nang kapag dahil sa isang pagkakamali hindi nito naipapakita ang tunay na pinagkasunduan ng mga panig.

Paliwanag ng Korte Suprema, ang isang kontrata ay maaaring baguhin o itama kung: (1) nagkasundo ang mga panig sa transaksyon; (2) hindi naipapahayag ng kasulatan ang kanilang tunay na kasunduan; at (3) ang kamalian ay sanhi ng pagkakamali o mistake, panlilinlang o fraud, aksidente, o unfair conduct.

Sa kasong ito, napatunayang umiiral ang lahat ng mga kondisyong ito.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=169523

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164169

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


Notary Public Iriga - 09554796224Open even on Saturdays and Sundays! Open anytime as long as appointments is approved. C...
27/06/2026

Notary Public Iriga - 09554796224
Open even on Saturdays and Sundays!
Open anytime as long as appointments is approved.
Click Here to set your appointment: https://bit.ly/4bG5TNQ

20/06/2026

๐Ÿ€

      (Note: Iriga became a city in 1968)                               Lungsod ng Iriga  Saint Anthony of Padua Parish ...
13/06/2026









(Note: Iriga became a city in 1968)































































Lungsod ng Iriga Saint Anthony of Padua Parish and Shrine - Iriga City Jaze Felix Saluya

02/06/2026

Talaga ba Sharmaine?! ๐Ÿฅ‘๐Ÿ˜‚ IpaNOTARYO mo na yan dito sa JFS Law Office Iriga



๐Ÿ“œ ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐๐จ๐ญ๐š๐ซ๐ข๐ณ๐ž๐ ๐š๐ง๐  ๐ƒ๐ž๐ž๐ ๐จ๐Ÿ ๐’๐š๐ฅ๐ž ๐ฌ๐š ๐‹๐ฎ๐ฉ๐š โ€” ๐•๐š๐ฅ๐ข๐ ๐›๐š ๐ข๐ญ๐จ?Maraming nagtatanong nito โ€” at ang sagot ay hindi simple.Techn...
19/05/2026

๐Ÿ“œ ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐๐จ๐ญ๐š๐ซ๐ข๐ณ๐ž๐ ๐š๐ง๐  ๐ƒ๐ž๐ž๐ ๐จ๐Ÿ ๐’๐š๐ฅ๐ž ๐ฌ๐š ๐‹๐ฎ๐ฉ๐š โ€” ๐•๐š๐ฅ๐ข๐ ๐›๐š ๐ข๐ญ๐จ?
Maraming nagtatanong nito โ€” at ang sagot ay hindi simple.
Technically, valid pa rin ang isang unnotarized Deed of Sale (DOS) sa pagitan ng buyer at seller. Sa ilalim ng Civil Code, ang kontrata ay nabubuo sa pagkakaroon ng kasunduan (consent), malinaw na paksa (object), at bayad (consideration). Hindi kasama ang notarization sa mga ito.
Pero โ€” at malaking ๐๐„๐‘๐Ž ito โ€”
Ang pagmamay-ari mo ay hindi makikilala ng batas at ng publiko hanggang hindi registered ang property sa iyong pangalan.
Nang walang notarized na DOS, hindi mo magagawa ang:
๐Ÿ”ด Kumuha ng Certificate Authorizing Registration (CAR) mula sa BIR
๐Ÿ”ด I-transfer ang titulo sa Register of Deeds
๐Ÿ”ด Makakuha ng Transfer Certificate of Title (TCT) sa iyong pangalan
At ang ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ-๐—บ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฏ? Puwedeng ibenta ulit ng seller ang parehong property sa ibang tao. Kung siya ang makakapagparehisto ng titulo, siya ang mas protektado sa ilalim ng batas.
Ang tamang proseso:
1๏ธโƒฃ Magpagawa ng maayos na Deed of Sale
2๏ธโƒฃ IpaNotaryo ito sa isang tunay na abogado
3๏ธโƒฃ Bayaran ang Capital Gains Tax at Documentary Stamp Tax
4๏ธโƒฃ Kumuha ng CAR mula sa BIR
5๏ธโƒฃ I-register sa Register of Deeds โ†’ bagong TCT sa iyong pangalan
๐Ÿ’ก Hindi ang notarization ang finish line โ€” ang registration ang tunay na nagpoprotekta sa iyo.



Disclaimer: For educational purposes only. Content is AI-assisted and not infallible. This does not constitute legal advice or establish an attorney-client relationship.

"Thinking is difficult, that's why most people judge." - Carl JungPILIPINAS KONG MAHAL ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโค๏ธ
13/05/2026

"Thinking is difficult, that's why most people judge." - Carl Jung

PILIPINAS KONG MAHAL ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโค๏ธ

๐Œ๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐ฌ๐จ๐ค ๐ค๐š ๐›๐š ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง?eto ang ๐‡๐จ๐ฅ๐ข๐๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ซ๐ฎ๐ฅ๐ž๐ฌ na dapat sundin ng mga employers, paalala mula sa Department of Labor a...
01/05/2026

๐Œ๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐ฌ๐จ๐ค ๐ค๐š ๐›๐š ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง?
eto ang ๐‡๐จ๐ฅ๐ข๐๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ซ๐ฎ๐ฅ๐ž๐ฌ na dapat sundin ng mga employers, paalala mula sa Department of Labor and Employment - DOLE :)






Address

290 Crescini Street San Francisco
Iriga City
4431

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when JFS Law Office and Notary Public posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share