18/06/2026
FREE Legal Services mula sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) Rizal-RSM Chapter para sa mga Marikenyo!
Thru the program "Katarungang Abot-kamay ng Bawat Marikeño - A Unified Legal Aid Service Program In The City Of Marikina" magkakaroon na nang libreng legal service para sa mga mahihirap nating kababayan dito sa ating lungsod.
Ito ay programa ng Office of the Vice Mayor Del De Guzman and in partnership with the Integrated Bar Of The Philippines National Center For Legal Aid IBP Rizal-RSM Chapter sa pangunguna ng kanilang Chapter President, Atty. Eric Paul I. Fetalino kasama ang kanilang Vice President, Atty. Dan Joseph Cruz at ang Deputy Director for Local Government Affairs, Atty. Vin R. Ching.
Nilagdaan ang kasunduan sa isang signing ceremony nitong June 18, 2026, na ginanap sa Marikina Legislative Building.
⭐ PAANO MAG AVAIL ng Free Legal services?
Batay sa Live video the FB page ni Vice Mayor Del during the agreement signing ceremony, ang mga nais na mag avail ng mga legal services ay:
1. dapat magpunta sa Office of the Vice Mayor at magdala ng ID na may address dito sa Marikina.
2. Magkakaroon ng interview at screening upang malaman kung qualified na mag avail ng Free Legal Services.
3. Kapag pasok sa qualification, bibigyan kayo ng appointment date upang makausap ang abugado from IBP Rizal-RSM.
QUALIFICATIONS:
1. Naninirahan sa Marikina
2. "The total family income should not be more than twice of the minimum wage"
Ang minimum wage dito sa NCR ay ₱658 to ₱695 per day.
Sabihin na nating ₱695 x 24 days = ₱16,680 (per month) x 2 = ₱33,360 x 12 months = ₱400,320 per year) (wala pang deductions ito).
So ang makakapag avail ng serbisyo na ito ay ang mga taga Marikina na ang total na kinikita ng BUONG PAMILYA ay hindi tataas sa P33k per month or ₱400k per year.
Salamat IBP Rizal-RSM Chapter sa inyong pagtulong sa mga Taga Marikina!
° ° ° ° ° ° ° °
Like and follow
We are on FB | IG | TikTok | YouTube