VDR Law Office

VDR Law Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from VDR Law Office, Lawyer & Law Firm, Parañaque.

08/06/2026
Judges must act properly and with patience in and out of the Court.
16/05/2026

Judges must act properly and with patience in and out of the Court.

05/05/2026

A Law a day, keeps the troubles away. Good day everyone!

Finally this matter will be tackled in open court. ⚖️
01/04/2026

Finally this matter will be tackled in open court. ⚖️

Bagong kaalaman. ⚖️https://www.facebook.com/share/1GHgonUJWu/
01/04/2026

Bagong kaalaman. ⚖️

https://www.facebook.com/share/1GHgonUJWu/

Nilinaw ng na maaari lang isantabi ang isang reklamo o petisyon dahil sa failure to state a cause of action sa pamamagitan ng pagsuri sa mismong reklamo o impormasyon, kasama ang mga kalakip nito, at hindi dapat kasama ang mga pleading na isinumite ng ibang partido. Binigyang-linaw ng Korte ang magkakasalungat na mga desisyon ukol sa isyung ito.

Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh, nagpasya ang Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema na nagkamali ang mababang hukuman sa pagtanggi sa isang petisyon para sa quieting of title dahil umano sa kabiguang magbanggit o failure to state a cause of action. Mali rin ang pagturing dito bilang “dismissal for lack of cause of action.”

Tumutukoy ang cause of action sa isang kilos o pagkukulang na lumalabag sa karapatan ng iba. Mayroon itong tatlong elemento:

1. isang karapatan na pabor sa naghahabla, anuman ang pinagmulan o batas na lumikha nito;

2. isang obligasyon sa panig ng hinahabla na igalang o huwag labagin ang naturang karapatan; at

3. isang kilos o pagkukulang ng hinahabla na lumalabag sa karapatan ng naghahabla o bumubuo ng paglabag sa obligasyon nito, na maaaring pagbatayan ng paghahabol ng danyos.

Nag-ugat ang kaso sa isang alitan sa lupa sa pagitan ng grupo nina Inocencio Taganile at Filomena Delos Santos Dolar.

Sinabi ng grupo ni Taganile na matagal na nilang inookupa ang isang bahagi ng lupa sa kahabaan ng Dr. Sixto Antonio Avenue sa Rosario, Pasig City mula pa noong 1970. Nang kanilang malaman na ang lupa ay nakarehistro sa pangalan ng grupo ni Dolar, naghain sila ng petisyon sa Regional Trial Court (RTC) para kuwestiyunin ang titulo.

Sa kabilang banda, sinabi ng grupo ni Dolar na nangungupahan lang ang grupo ni Taganile. Naghain sila ng motion to dismiss at iginiit na bigong magbanggit ng cause of action ang petisyon dahil kulang ito sa mga sumusuportang dokumento.

Isinantabi ng RTC ang petisyon matapos isaalang-alang ang parehong petisyon at ang mga ebidensiyang iniharap ng grupo ni Dolar. Nagpasya ito na nabigo ang petisyon na maglahad ng cause of action dahil wala itong kalakip na patunay ng pag-aangkin ng grupo ni Taganile sa lupa. Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang pasyang ito.

Hindi sumang-ayon ang Korte Suprema (SC). Nilinaw nito ang pagkakaiba ng failure to state a cause of action at lack of cause of action.

Umiiral ang cause of action kapag may nalabag na legal na karapatan. Hindi maaaring dinggin ng hukuman ang isang kasong sibil kung walang cause of action. Maaaring isantabi ang isang kaso kung walang nakasaad na cause of action sa reklamo, o kung kalaunan ay nabigong patunayan ito sa pamamagitan ng ebidensiya. Magkaibang batayan ang mga ito.

Para matukoy kung ang isang reklamo ay nabigong maglahad ng cause of action, tinitingnan lamang ng hukuman ang nakasaad sa reklamo at ipinapalagay na totoo ang mga alegasyon. Kung kahit ipagpalagay na totoo ang mga ito ay hindi pa rin maipagkakaloob ng hukuman ang hinihinging lunas, maaari nitong isantabi ang reklamo sa batayang ito.

Sa kabilang banda, para matukoy kung may lack of cause of action, sinusuri ng hukuman ang mga ebidensiyang iniharap.

Binigyang-pansin ng Korte Suprema na nagkaroon ng kalituhan dahil sa mga naunang desisyon na sa ilang pagkakataon ay pinahintulutan ang mga hukuman na tumingin lampas sa reklamo, lalo na kung ang mga alegasyon ay tila imposibleng mangyari o walang sapat na batayan. Dahil dito, nagkaroon ng kalituhan sa pagkakaiba ng failure to state a cause of action at lack of cause of action.

Para linawin ang isyu, nagpasya ang Korte Suprema na ang mga hukuman ay maaari lamang isantabi ang reklamo dahil sa failure to state a cause of action sa pamamagitan ng pagsusuri sa reklamo at mga kalakip nito—wala nang iba. Hindi dapat isaalang-alang ang iba pang mga pleading na isinumite sa yugtong ito.

Paliwanag ng Korte Suprema, kapag isinasaalang-alang ng hukuman ang iba pang pleadings na inihain ng mga partido o ang ebidensiyang tinanggap sa pagdinig, hindi na nito tinutukoy kung may failure to state a cause of action, kundi ang mismong pagkakaroon nito. Sa ganitong sitwasyon, ang batayan ng pagsantabi ng reklamo o petisyon ay hindi na failure to state a cause of action kundi lack of cause of action.

Sa paglalapat ng panuntunang ito, nagpasya ang Korte Suprema na hindi wasto ang pagbase ng RTC at CA sa mga isinumite at ebidensiya ng grupo ni Dolar. Agad nilang hinusgahan ang pag-iral ng cause of action nang hindi binibigyan ng pagkakataon ang grupo ni Taganile na magharap ng ebidensiya.

Sinabi rin ng Korte Suprema na batay lamang sa mga alegasyon, sapat ang petisyon para magtatag ng kaso para sa quieting of title, lalo na’t binanggit ang matagal nang pag-okupa at ang pagkakatayo ng mga bahay sa lupa mula pa noong dekada 1970.

Inatasan ng Korte Suprema na ibalik ang kaso sa RTC para ipagpatuloy ang mga pagdinig at tanggapin ang mga ebidensiya ng mga panig.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=162612.

Basahin ang buong teksto ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=162606.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


BEWARE: This person is not connected to us. Any transaction entered by him will not be honored. We already reported his ...
04/03/2025

BEWARE: This person is not connected to us. Any transaction entered by him will not be honored. We already reported his malicious claim to the authorities.

27/06/2024

Good day everyone!

17/10/2022

Address

Parañaque
1700

Telephone

+63288295097

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when VDR Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share