EYELaw Notary

Call Directions Website Contact the practice

EYELaw Notary Notary Public, Law Firm, Online Notary The firm's lawyers practice before all first level and appellate courts and many administrative agencies.

We are a full-service law office right in the heart of bustling Filinvest Corporate City in Alabang, Muntinlupa City, Metro Manila, Philippines.

The Firm has considerable expertise in the areas of civil, criminal and administrative litigation, debt recovery and collection, debt restructuring, corporation law, taxation, and customs and tariff law. Likewise, the firm has been engaged in labor and immigration proceedings, investments and business law transactions, real estate (land titling, transfer, acquisitions, foreclosures, exemption and conversion), civil law (family relations and property laws) and banking laws,
telecommunications, intellectual property and e-commerce law.

The firm has designed and developed a thorough yet efficient and cost-effective delivery of legal services. Combining principles of professionalism with an aggressive, progressive approach to the practice of law, the firm pride itself on practical and creative problem solving for the benefit of its clients.

https://web.facebook.com/share/p/1Bgb4pD8ak/
04/11/2026

https://web.facebook.com/share/p/1Bgb4pD8ak/

Iginiit ng na maaari ring maging biktima ng seksuwal na karahasan ang mga lalaki. Binigyang-diin nito na dapat protektahan ng batas ang lahat ng biktima ng pang-aabuso anuman ang kanilang kasarian.

Sa Desisyon na isinulat ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen, napatunayang nagkasala ang isang babae ng acts of lasciviousness laban sa kanyang 11 taong gulang na pamangkin.

Nangyari ang insidente habang bumibisita ang bata sa bahay ng mga k**ag-anak ng kanyang ama. Habang natutulog ang bata, ginising siya ng babae, inutusang maghubad, at pinahiga sa kanyang k**a. Pagkatapos, nakipagtalik ang babae sa bata. Hindi agad tumutol ang bata dahil naging interesado siya sa nangyayari. Gayunman, matapos ang insidente, nakaramdam siya ng hiya at naisipang magpak**atay.

Napatunayan ng Regional Trial Court at Court of Appeals na nagkasala ang babae ng acts of lasciviousness kaugnay ng Section 5(b) ng Republic Act No. (RA) 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

Hindi sinang-ayunan ng Korte Suprema ang argumento ng babae na pumayag ang bata sa pangyayaring seksuwal. Paliwanag nito, ang age of consent noong 2018, kung kailan nangyari ang insidente, ay 12 taong gulang pataas. Dahil 11 taong gulang lang ang bata noon, itinuring siyang walang legal na kakayahang magbigay ng pahintulot.

Gayunman, nilinaw ng Korte na statutory acts of lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code (RPC), at hindi ang RA 7610, ang tamang kasong dapat ipataw laban sa babae.

Ipinaliwanag ng Korte na naaangkop ang RA 7610 kapag tila pumapayag ang isang menor de edad sa seksuwal na gawain dahil sa pamimilit o impluwensiya ng isang nakatatanda. Hindi ito naaangkop kapag lubusang walang k**alayan, walang malay, o walang legal na kakayahang magbigay ng pahintulot ang menor de edad gaya ng nangyari sa kasong ito.

Sinabi ng Korte na kinasuhan ang babae ng statutory acts of lasciviousness dahil hindi saklaw ng legal na depinisyon ng r**e sa ilalim ng Article 266-A ng RPC ang kanyang mga ginawa noong nangyari ang krimen. Nililimitahan ng batas dati ang depinisyon ng r**e sa pagpasok ng ari ng lalaki sa ari ng babae, gayundin sa pagpasok ng ari ng lalaki o anumang bagay sa ari ng ibang tao.

Gayunman, pinalawak ng Republic Act No. 11648, na naisabatas noong 2022, ang depinisyon ng r**e. Sa ilalim nito, maaari nang magkasala ng r**e ang sinumang tao na nakipagtalik sa ibang tao sa ilalim ng mga sitwasyong itinakda ng batas.

Ayon sa Korte Suprema, ang paggamit ng salitang “person” sa batas sa halip na tukuyin ang kasarian ng gumawa ng krimen ay nangangahulugang maaari ring magkasala ng r**e ang mga babae.

Napansin ng Korte na sa kabila ng pagbabagong ito, may ilang desisyon pa ring naglalarawan sa r**e bilang krimeng ginagawa ng mga lalaki laban sa mga babae. Iniugnay nito ang ganitong pananaw sa mga lumang batas tungkol sa r**e na nakaugat sa patriyarkal na paniniwala. Orihinal na idinisenyo ang mga batas na ito hindi para protektahan ang mga babae laban sa karahasan, kundi para parusahan ang mga lalaking kumukuha sa mga babae na itinuturing noon na pag-aari ng kanilang mga ama o asawa sa pamamagitan ng r**e.

Sinabi nito na hindi lang sexist o may pagkiling sa kasarian ang ganitong mga paniniwala tungkol sa r**e, kundi ibinubukod din ng mga ito ang mga lalaking biktimang dumaranas ng kaparehong trauma. Ang hindi pagkilala na maaari rin silang maging biktima ng r**e ay maaari ring magpahirap sa kanila na matanto na nilabag ang kanilang pagkatao.

Hinatulan ang babae ng pagkakakulong nang siyam hanggang 16 na taon at inatasang magbayad ng PHP 250,000 bilang civil indemnity at danyos.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=176034.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=175664.

Basahin ang Separate Concurring Opinion ni Associate Justice Jhosep Y. Lopez at: https://sc.judiciary.gov.ph/?p=175672.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


03/11/2026
Di na mahirap ang pagkilala ng Foreign Divorce sa mga korte natin. Salamat Supreme Court sa malawak na pag-iisip sa usap...
08/10/2026

Di na mahirap ang pagkilala ng Foreign Divorce sa mga korte natin. Salamat Supreme Court sa malawak na pag-iisip sa usaping diborsyo.

Address

Unit 908 Entrata Urban Tower I 2609 Civic Drive, Filinvest Corporate City Alabang
Muntinlupa City
1781

Opening Hours

Monday 9am - 4:30pm
Tuesday 9am - 4:30pm
Wednesday 9am - 4:30pm
Thursday 9am - 4:30pm
Friday 9am - 4:30pm

Telephone

+639773324736

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when EYELaw Notary posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to EYELaw Notary:

Shortcuts

Share

Category

Nearby law practices