Atty. Dino Singson de Leon

Atty. Dino Singson de Leon Public Interest and Human Rights Lawyer. Entrepreneur. Happy husband. Proud Filipino.

Practicing lawyer and Partner at Dargon Law, a full-service law firm and one of Quezon City’s largest Firms (www.dargonlawfirm.com).

27/09/2026

Live na po tayo sa With Due Respect!

Maraming salamat sa Gerry Roxas Leadership Awardees, Inc. -GRLA, Inc. sa isang makabuluhang Gabi ng Pagkilala at Pagdiri...
26/09/2026

Maraming salamat sa Gerry Roxas Leadership Awardees, Inc. -GRLA, Inc. sa isang makabuluhang Gabi ng Pagkilala at Pagdiriwang.

Mula noong matanggap ko ang Gerry Roxas Leadership Award noong 2005, dala ko pa rin hanggang ngayon ang parehong paniniwala: ang tunay na leadership ay nasusukat sa paglilingkod, paninindigan, at paggamit ng ating kakayahan para sa kapakanan ng iba lalo na ng ating bansa.

Karangalan kong makasama ang kapwa awardees, scholars, partners, at supporters na patuloy na nagsusulong ng leadership with purpose and service with integrity.

Maraming salamat sa pagkilala, tiwala, at inspirasyon. 🇵🇭

24/09/2026

Senator Camille Villar, your audacity to ask for respect para sa mga kasamahan mong senador na may kinakaharap na kaso, dapat ganoon din kaseryoso ang respeto sa mga ordinaryong Pilipinong matagal nang nagrereklamo tungkol sa maruming tubig, water interruptions, at serbisyo ng PrimeWater.

Let’s not be hypocrites when we are asking for respect. Did your family respect the Filipino People in the conduct of your business affairs?

Respect your colleagues, yes. But respect the Filipino people, too.

Bilang senador, unang obligasyon ang sambayanan lalo na ang mga Pilipinong humihingi lamang ng isang basic necessity: malinis at maaasahang tubig, at honesty ng declaration ng pamilya nyo sa stock market.

24/09/2026

Malinaw ang Article VII, Section 13: ang Vice President ay hindi maaaring direktang makilahok sa negosyo habang nasa puwesto at dapat mahigpit na umiwas sa conflict of interest. Sa ilalim din ng RA 6713, may divestment requirement kapag may conflict of interest.

Sa impeachment trial, SEC records showed that Sara Duterte remained listed as a stockholder and board director of Metro City Chow Foods Corp. from 2022 to 2025, habang Vice President na siya. Ang depensa naman ay binigyang-diin na walang SEC records na nagpapatunay na personal siyang dumalo o bumoto sa board meetings.

Ano yun, trip lang niya kung bakit nya dineklara sa sarili nyang SALN na nagmamay-ari sya ng mga shares ng kumpanya?

23/09/2026

Sa botong 13–1, nagpasya ang Senate Impeachment Court na hindi awtomatikong 16 votes ang kailangan para ma-convict si VP Sara Duterte.

Mananatili ang constitutional requirement na two-thirds, pero ang pagbabasehan ay ang mga senador na legally at factually capable of participating sa oras ng final judgment.

Kung 20 senator-judges lamang ang maituturing na capable of voting, 14 votes ang kakailanganin para sa conviction.

Ultimately, the verdict must rest on the evidence and the Constitution.

23/09/2026

B**g Go, sana ay lumapit na ang araw ng reunion niyo sa ICC ni Tatay Digong, at madadalhan mo na rin siya ng pizza.

Everyone remembers na hindi ka lang basta “close aide.”

Hindi namin nakakalimutan na isa ka sa mga Chief Implementors at main financier ng madugong War on Drugs. Kay Col. Garma na mismo nanggaling na ikaw ang source ng mga rewards.

Sana sa lalong madaling panahon ay magkasama na kayo ni Tatay Digong sa ICC.

**gGo

23/09/2026

RODRIGO DUTERTE, NASAAN ANG TAPANG MO SA ICC?

Sa loob ng maraming taon, matapang kang nagsalita patungkol sa ICC. Hinahamon, iniinsulto at pinagmumura mo pa sila.

Ngayong nasa harap ka na ng ICC, nasaan na ang tapang mo?

Sige nga, sabihin mo ulit sa harap ng mga hukom ang mga pinagsasabi mo noon tungkol sa ICC? Aminin mo rin at sabihin mo ulit na proud ka sa malawakang patayan na ipinag-utos at ipinatupad mo nilang Pangulo.

Ginoong Duterte, I challenge you.

22/09/2026

VILLAR FAMILY, GINAWANG “FAMILY AFFAIR” ANG GOBYERNO!

Sabay na nakaupo ngayon sa Senado ang magkapatid na Mark Villar at Camille Villar. Bago sila, nagsilbi rin sa Senado ang kanilang ina na si Cynthia Villar at ama na si former Senate President Manny Villar.

The Constitution condemns political dynasties, pero they are not even embarrassed for treating the Senate as a family affair, often using their political influence to advance their selfish commercial interests. Sobra na, panagutin itong mga abusado na Ito.

22/09/2026

Sino ba talaga ang dapat bilangin sa “two-thirds of all the Members of the Senate”?

Sa pagdinig ng Senate Impeachment Court, tatlo sa apat na amici curiae—retired Chief Justices Hilario Davide Jr., Artemio Panganiban, at Reynato Puno ang nagsabing hindi awtomatikong fixed sa 16 ang votes needed for conviction at maaaring depende sa kung sinu-sinong senador ang legally qualified at aktuwal na nakikilahok sa paglilitis.

Noon pa man, I have already articulated my opinion on the matter. The Constitution is a living and breathing document. It cannot be interpreted in such a way that will frustrate accountability.

21/09/2026

Gen Z is watching. Hindi lang porke nag FB live sya, okay na. Hindi yun ang trabaho nya.

Ang hinahanap, honesty and integrity in public service.

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Atty. Dino Singson de Leon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share