25/05/2025
Legit pa rin si baby—kahit walang forever si mommy at daddy.
Sa bagong desisyon ng Korte Suprema, pinagtibay na ang mga anak ay nananatiling lehitimo kahit na napawalang-bisa ang kasal ng mga magulang dahil sa psychological incapacity.
Sa mga ganitong usapin, mahalagang may abogadong handang umalalay—maingat sa batas, maayos kausap.
Our commitment at Lantin Law— Legal help that’s clear, compassionate, and always on your side.
Contact us for legal consultation (0962) 927 5318 | (044) 815 2400 or email at [email protected]
Muling iginiit ng na nananatiling lehitimo ang mga anak kahit na ang kasal ng kanilang mga magulang ay idineklarang walang bisa dahil sa psychological incapacity.
Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Jhosep Y. Lopez, binago ng Second Division ng Korte ang desisyon ng Regional Trial Court na nagdeklarang illegitimate ang isang anak kasunod ng pagpapawalang-bisa ng kasal ng kanyang mga magulang.
Ipinanganak ang bata ilang buwan bago ikinasal ang mag-asawa. Sa panahon ng kasal, ang asawang babae ay nakaranas ng pisikal, emosyonal, at berbal na pang-aabuso mula sa kanyang asawa. Ang asawang lalaki ay may isyu din ng pagkalulong sa alak, pagsusugal, at pagtataksil.
Sa petisyon na isinampa ng babae para mapawalang-bisa ang kanilang kasal, nagprisinta siya ng mga ebidensya ng pang-aabuso at isang sikolohikal na ulat na nag-diagnose sa kanyang asawa na may narcissistic personality disorder.
Pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon ng Regional Trial Court na walang bisa ang kasal pero nagpasya din ito na ang bata ay nananatiling lehitimo. Sa pangkalahatan, kapag ang isang kasal ay pinawalang-bisa, ang anak ay itinuturing na hindi lehitimo mula sa oras na sila ay ipinaglihi. Gayunpaman, may exception sa Family Code tulad ng kapag ang kasal ay pinawalang-bisa dahil sa psychological incapacity. Nalalapat ito kung ang bata ay ipinanganak bago o habang kasal.
Dagdag pa ng Korte, ang nawawalang anotasyon sa birth certificate ay hindi nakakaapekto sa legal na kalagayan ng anak.
Kapag naging lehitimo ang isang anak sa ilalim ng Family Code, walang legal na basehan para baguhin ang kanilang status pabalik sa illegitimate. Ang pagpayag dito ay labag sa layunin ng batas na protektahan ang best interest ng anak.
Basahin ang buong teksto ng press release sa https://tinyurl.com/4yrkc82r.
Basahin ang buong teksto ng Desisyon sa https://tinyurl.com/c673ywxs.
Basahin ang Concurring Opinion ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen sa https://tinyurl.com/mrx3swc7.