Pinoy Legal Minds

Pinoy Legal Minds Matuto at alamin ang iyong karapatan sa batas, dito sa programang Pinoy Legal Minds ng SMNI.
(1)

26/08/2026

LIVE: SPECIAL COVERAGE | DAY 19 - Impeachment Trial of VP Sara Duterte | August 26, 2026

Courtesy: Senate of the Philippines

25/08/2026

UMUTANG KA AT NANGAKO, PERO NANLOKO, ANONG KASO?

Umutang ka, nangako kang magbabayad, pero kalaunan ay nanloko o gumamit ng panlilinlang—automatic bang estafa na ito? Alamin kung kailan ang isang simpleng utang ay nananatiling civil obligation at kung kailan naman maaaring magkaroon ng criminal liability dahil sa panloloko o fraud. Mahalaga ang mga pangyayari, paraan ng pagkuha ng pera, at intensiyon ng nangutang sa pagtukoy kung may kasong maaaring pumasok.

Follow and subscribe to our YouTube channel: youtube.com/





25/08/2026

NILOKO KA AT NAWALAN NG PERA—ESTAFA BA ’YAN?

Nalinlang ka ba at nawalan ng pera dahil sa panloloko? Automatic bang estafa na ang nangyari? Alamin kung ano ang mga kailangang mapatunayan para masabing may estafa, anu-ano ang mga uri nito, at kailan maaaring magkaroon ng criminal liability ang isang taong nanloko o kumuha ng pera sa pamamagitan ng panlilinlang.

Follow and subscribe to our YouTube channel: youtube.com/




25/08/2026

PUBLIC INTEREST O PRIVATE INFO? HANGGANG SAAN ANG GOV’T DISCLOSURE?

May impormasyon tungkol sa government transactions, dokumento, at mga gawain ng mga opisyal na may kinalaman sa public interest. Pero ibig bang sabihin nito ay puwedeng ilabas o i-publish ang lahat ng impormasyon sa publiko?

Follow and subscribe to our YouTube channel: youtube.com/






25/08/2026

"WE WILL TRY TO BEHAVE"

Ito ang naging tugon ng panig ng prosekusyon sa paalala ng impeachment court na panatilihin ang kaayusan sa pagdinig.

Pinangunahan ni private prosecutor Atty. Mae Divinagracia ang direct examination laban kay OVP Assistant Chief of Staff Lemuel Ortonio.

25/08/2026

LIVE: SPECIAL COVERAGE | DAY 18 - Impeachment Trial of VP Sara Duterte | August 25, 2026

Courtesy: Senate of the Philippines

Nagpasya ang   na hindi maaaring singilin ng bangko ang isang depositor sa perang na-withdraw nito kung ang pagkawala ng...
24/08/2026

Nagpasya ang na hindi maaaring singilin ng bangko ang isang depositor sa perang na-withdraw nito kung ang pagkawala ng pera ay dulot ng mismong gross negligence o matinding kapabayaan ng bangko.

Sa isang Desisyong isinulat ni Associate Justice Japar B. Dimaampao, isinantabi ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema ang petisyon na inihain ng BDO Unibank, Inc. (BDO) at sinabi na maituturing na matinding kapabayaan ang hindi pagsunod ng bangko sa sarili nitong patakaran.

Nag-ugat ang kaso sa pagdeposito ni Cristina Barcellano (Barcellano) ng isang regional check na nagkakahalaga ng PHP 151,200 mula sa sangay ng Landbank sa Albay sa kanyang savings account sa sangay ng BDO sa Lucena City.

Nagkamali ang teller ng BDO sa pag-validate ng tseke bilang local check sa halip na regional check. Dahil dito, na-credit ang halaga makalipas lamang ng tatlong banking days sa halip na pitong araw.

Sa paniniwalang maaari nang gamitin ang pera, nag-withdraw si Barcellano ng PHP 76,000. Di nagtagal, nakatanggap ang BDO ng stop payment order para sa tseke at hiniling kay Barcellano na isauli ang pera. Bagama’t pumayag siya, hindi niya naibalik ang nasabing halaga. Kalaunan, tumanggi ang BDO na ilabas ang natitirang balanse at nagsampa ng reklamong kriminal para sa estafa.

Kapwa pinawalang-sala ng Regional Trial Court at ng Court of Appeals si Barcellano matapos mapag-alamang walang pandaraya, panlilinlang, o pang-aabuso sa tiwala sa kanyang panig, at ang sariling kapabayaan ng BDO ang naging sanhi ng insidente.

Sa Korte Suprema, hiniling ng BDO na repasuhin ang aspekto ng pananagutang sibil ng kaso. Iginiit nitong sa kabila ng pagpapawalang-sala kay Barcellano, dapat pa rin siyang atasan na isauli ang pera. Ayon sa BDO, ang pagtanggi niyang isauli ito ay nagresulta sa unjust enrichment o hindi makatarungang pagpapayaman. Dagdag nito, dahil nailabas ang pondo dahil sa pagkakamali nito sa pagproseso ng tseke, obligado si Barcellano na isauli ang pera batay sa prinsipyo ng solutio indebiti na nag-aatas sa pagsasauli ng perang natanggap dahil sa pagkakamali.

Hindi sumang-ayon ng Korte Suprema. Walang unjust enrichment dahil nabigo ang BDO na patunayang tinanggap nito ang isang benepisyo na hindi para sa kanya.

Sa kasong ito, hindi ipinaliwanag ng bangko kung bakit naglabas ng stop payment order o ipinakita na alam ni Barcellano na hindi mababayaran ang tseke. Sa halip, ipinakita ng mga ebidensiya na nag-withdraw siya ng pera nang may mabuting loob matapos mismong gawing available ng BDO ang pondo sa kanyang account.

Dagdag pa nito, ang mismong gross negligence ng BDO ang naging sanhi ng pagkalugi nito. Napag-alaman na na-credit ng bangko ang tseke bago ito maayos na na-clear, napagkamalan nitong local check ang regional check, at hindi nito natukoy ang pagkakamali hanggang sa matanggap nito ang stop payment order. Ipinakita ng mga pagkukulang na ito na hindi nasunod ng bangko ang mga pangunahing pag-iingat na nilalayong protektahan ito laban sa mga panganib na dulot ng mga tsekeng hindi wasto o hindi mababayaran.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=171657.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/261264-bdo-unibank-inc-vs.../.

Originally published by the Supreme Court Public Information Office.

https://www.facebook.com/share/p/14kgNw9KjBF/

24/08/2026

HEALTH CONDITION NG PRESIDENTE, PRIVATE BA O PUBLIC INFORMATION?

Maaari bang ilathala o ibahagi sa publiko ang health condition ng Pangulo ng Pilipinas? Kailan nagiging usapin ng public interest ang kalagayan ng isang public official, at kailan naman dapat protektahan ang kanyang privacy at personal health information? Alamin kung paano tinitimbang ng batas ang karapatan ng publiko na malaman at ang karapatan sa privacy pagdating sa sensitibong impormasyon tungkol sa kalusugan.

Follow and subscribe to our YouTube channel: youtube.com/





24/08/2026

NAG-VIRAL ANG MAPANIRANG POST—MAS MABIGAT BA ANG PARUSA?

Nag-post ka ng mapanirang pahayag at biglang nag-viral—mas mabigat ba ang maaaring maging pananagutan dahil mas maraming tao ang nakakita? Alamin kung ang lawak ng publication, dami ng nakakita, at naging epekto ng post ay may papel sa pagtukoy ng legal na pananagutan sa mga kasong gaya ng libel, cyberlibel, o unlawful publication.

Follow and subscribe to our YouTube channel: youtube.com/






24/08/2026

UNLAWFUL PUBLICATION: MAGKANO ANG MULTA AT ANO ANG PARUSA?

Ano ang maaaring maging parusa kapag napatunayang guilty sa unlawful publication? May multa ba, pagkakakulong, o parehong parusa? Alamin kung ano ang itinakda ng batas para sa unlawful publication at kung anu-ano ang mga salik na maaaring makaapekto sa pananagutan ng isang akusado.

Follow and subscribe to our YouTube channel: youtube.com/




Address

ACQ Tower, Sta. Rita Street, Guadalupe Nuevo
Makati
1212

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pinoy Legal Minds posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category