20/06/2025
PAGTANGGAP NG BANGKO NG PAYROLL, HINDI PAGHAHANDA LANG NG PAYROLL, ANG MABISANG EBIDENSYA NG PAGBABAYAD NG SAHOD O BENEPISYO NG MGA EMPLEYADO AYON SA KORTE SUPREMA
ATTORNEY, NAGKASO PO AKO SA “LABOR” SA DATI KO’NG KUMPANYA DAHIL HINDI PO NILA AKO BINABAYARAN NG SAPAT NA SAHOD NANG NAAAYON SA BATAS. ANG SABI PO NILA AY KAILANGAN KO RAW PATUNAYAN ANG ALEGASYON KO NA HINDI PO NILA AKO BINABAYARAN. TAMA PO BA ITO?
SAGOT: Hindi po. Tayo ay pinaalalahanan ng Korte Suprema sa isang bagong kaso na ang kailangan magbigay- proweba ng pagbabayad ng mga sahod at benepisyo, tulad ng overtime, differentials, service incentive leave at sahod, ay ang kumpanya. Ito ay dahil ang mga personnel files, payrolls, records, remittances at iba pa’ng kaugnay na dokumento ay hindi naman hawak ng empleyado kung hindi ng kumpanya.
TANONG: PAANO PO KADALASANG NAPAPATUNAYAN NG KUMPANYA ANG PAGBABAYAD NG SAHOD O MGA BENEPISYO PO, ATTORNEY?
SAGOT: Kadalasan ay ang ebidensya ng pagbabayad ng benepisyo at sahod ay mula sa mga payroll sheets o vouchers. Ayun nga lang, upang maging matibay na ebidensya ng pagbabayad ng sahod o benepisyo na nakalaan sa empleyado, dapat ay ang payroll sheets o vouchers ay:
1. Nakalagay na ang empleyado ay AKTWAL NA NATANGGAP ang hindi sahod o benepisyo; at
2. Nakalagay din ang mga petsa na sinasaklaw ang mga panahong hindi raw nabayaran ang sahod o benepisyo.
TANONG: PAANO ATTORNEY KUNG ANG PAGBABAYAD NG SAHOD O BENEPISYO AY SA PAMAMAGITAN NG “AUTOMATIC CREDIT ARRANGEMENTS” KUNG SAAN ANG BANGKO AY AWTOMATIKO NA IBINABAYAD ANG SAHOD SA PAMAMAGITAN NG PAG- “CREDIT” NG SAHOD SA BANK ACCOUNT NG EMPLEYADO?
SAGOT: Ayon sa bagong kaso na nabanggit, maraming “stages” ang “AUTOMATIC CREDIT ARRANGEMENTS:
1. Una ang PAGHAHANDA ng kumpanya ng “payroll;”
2. PAGSUSUMITE sa bangko ng payroll o abiso ng paglalabas ng pera sa bank account ng empleyado; at
3. Pag- “CREDIT” ng halaga sa bank account ng empleyado ayon sa naisumiteng “payroll.”
TANONG: BASE PO RITO SA NABANGGIT NIYO ATTORNEY, PAANO PO PATUTUNAYAN NG KUMPANYA NA NABAYARAN NA NILA ANG SAHOD O BENEPISYO NG KANILANG MGA EMPLEYADO?
SAGOT: Ang mabisang proweba ng pagbabayad ng sahod o benepisyo na maaaring gawing ebidensya ng kumpanya ay ang PAGSUSUMITE sa bangko ng payroll o abiso ng paglalabas ng pera sa bank account ng empleyado o “acknowledgment” ng bangko ng pagtanggap ng payroll o abiso. Ito ang tinatawag ng Korte Suprema na “minimum requirement” upang patunayan ang pagbabayad ng benepisyo o sahod ng kumpanya. Ito ay dahil maaari itong gamiting proweba ng isang makatuwirang tao upang masabi na nabayaran nga ang benepisyo o sahod ng empleyado. Kapag ito ay naipakita ng kumpanya, ang kailangan gawin ng empleyado ay dapat na tuligsain ang ebidensya na ito, sa pamamagitan ng pagpapakita ng ebidensya naman na hindi na- “credit” ang mga halaga ng benepisyo o sahod noong mga panahong dapat na itong ibigay [“respective bank accounts were not credited with any amounts during the applicable periods”].
Dagdag pa ng Korte Suprema, ang mga tala sa “payroll” ay maaari’ng masabing regular, ngunit ebidensya lang ito ng paghahanda ng isang “payroll” at hindi ng pagbabayad mismo sa mga empleyado ng benepisyo o sahod.
- Ang talakayang ito ay hango sa kasong PAL, Inc. v. Ahmee, atbp., Pangkalahatang Tala Bilang 221065 & 221164, 07 Abril 2025
MARAMING SALAMAT SA PATULOY AT WALANG HUMPAY NA PAGTANGKILIK SA AMING PAGE! NAWA’Y MAKATULONG ANG PAG- INTINDI NG KASO’NG ITO SA ATING MGA KABABAYAN! PLEASE LIKE AND SHARE OUR PAGE’S CONTENTS!
PHOTO CREDIT:
www.google.com/search?sca_esv=f189ccc98951b8a3&sxsrf=AE3TifOBxR9HNdX8MzcUi7-tG_OhetaHwA:1750405255929&q=payroll&udm=2&fbs=AIIjpHxU7SXXniUZfeShr2fp4giZ1Y6MJ25_tmWITc7uy4KIetBXe9Do9DAuamxeB-puw_YsNKwkQmpdBnXmV_Wcu-Aa6tSphtaa0Ii6-dV_VFDbcaQwygNIqWUHPcnbM0-SOPe6qDBc4lbleFM0Ef8p5vSiaDvKzgyK3d7UUzE1jet64Avu0bGTMGc3rSGg4s3kA_EtbsoTRqxqT2GQb5ufMw1rPr3C5w&sa=X&ved=2ahUKEwiCovjbv_-NAxULbmwGHYBKIPMQtKgLegQIEhAB&biw=1912&bih=954&dpr=1 =GOWksDYmTIHH8M&vssid=mosaic