24/05/2026
📌 Follow this page for regular legal updates and discussions. https://www.facebook.com/share/1JWopbFHWC/?mibextid=wwXIfr
⚖️ LEGAL TIP: Reconstitution vs Reissuance ng Title. Ano ang Pagkakaiba at ano ang Tamang Remedy?
Since sa last post natin ay madaming mga tanong at hindi mawari ng iba kung ano ang tamang remedyo patungkol sa titulo ng lupa nila. Pag-usapan natin ngayon.
Madalas napagpapalit ang reconstitution at reissuance ng title. Pareho silang may kinalaman sa nawawala o nasirang titulo pero magkaiba ang nawawala o nasira at magkaiba rin ang proseso.
1. Reissuance of Title
Ginagawa ito kapag:
- nawawala ang OWNER’S DUPLICATE COPY ng title.
- pero existing pa ang original copy sa Registry of Deeds.
Ibig sabihin, may record pa sa gobyerno, pero nawala ang kopya ng owner.
Kaya ang hinihingi sa korte ay issuance ng bagong Owner’s Duplicate Copy in lieu of the lost one.
Example:
Nawala ang title dahil:
* nasunog
* nabaha
* nailipat
* hindi na mahanap
Pero pag-check sa Registry of Deeds, existing pa ang original title record.
2. Reconstitution of Title
Mas seryoso ito.
Ginagawa ito kapag:
- nawawala o nasira ang ORIGINAL COPY NG TITLE SA REGISTRY OF DEEDS.
- at minsan pati owner’s duplicate copy ay affected.
Ibig sabihin, ang mismong government record ang nawala o destroyed.
Mga karaniwang dahilan ay:
* sunog sa Registry of Deeds
* baha
* calamity
* destruction of records
Kaya ang goal ay maibalik o marecreate ang official government record ng title.
Simpleng Difference
Reissuance
➡ Nawawala ang copy ng owner.
➡ Government record still exists.
Reconstitution
➡ Nawawala ang government record mismo.
➡ Kailangang ibalik ang official title records.
Bakit Importanteng Malaman Ito?
Dahil magkaiba ang:
- requirements
- court process
- evidence needed
- legal effect
At maling remedy = possible delay sa property transactions.
Kaya before filing any case involving lost titles, importanteng malaman muna kung ano ba talaga ang nawawala, owner’s copy o government record?
📌 Follow this page for regular legal updates and discussions. https://www.facebook.com/share/1JWopbFHWC/?mibextid=wwXIfr