RMC Law Office

RMC Law Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from RMC Law Office, Lawyer & Law Firm, 45 Regidor Street, San Diego, Zone 3, Tayabas.

It has come to our attention that documents are being sent to individuals that falsely claim to be notarized by our offi...
15/02/2026

It has come to our attention that documents are being sent to individuals that falsely claim to be notarized by our office. The signatures and details in these documents are false and unauthorized.

Please be reminded that this page is the only page of our office. We do not maintain or authorize any other page, account, or online platform for transactions. Any other page or individual using the name of our office is unauthorized and not connected with us.

The public is advised to communicate and transact only through this page for legitimate information and services.

24/09/2025

The (SC) has reiterated that preventing employees from entering company premises and doing their jobs, without a valid reason, is considered illegal dismissal.

In a Decision written by Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen, the SC’s Second Division upheld the labor arbiters’ ruling that 12 workers from Constant Packaging Corporation (Constant Packaging), a company that prints packaging materials, were illegally dismissed.

Constant Packaging hired the workers as sorters and packers on a 𝘱𝘢𝘬𝘺𝘢𝘸 basis (paid per output).

The workers later raised concerns about their below-minimum wage earnings, 12-hour work day, 7-day work week, non-remittance of their SSS, PhilHealth, and PAG-IBIG contributions, and delay in the release of their salaries. Constant Packaging responded by telling them to leave if they were unhappy with their working conditions.

The workers filed a complaint with the Department of Labor and Employment. Soon after, the company security guard prevented them from entering the company premises, leading the workers to file a complaint for illegal dismissal.

Ruling in favor of the workers, the SC clarified that an employee who is able and willing to work is considered illegally dismissed if they are prevented from entering the workplace without a valid or lawful reason.

In this case, the company’s security guard blocked the workers from entering the company premises without any valid reason. This action amounts to dismissal.

Moreover, as the workers were suddenly dismissed without following the required procedures, their dismissal was unlawful.

The SC thus ordered Constant Packaging to pay the workers separation pay, back wages, service incentive leave, and holiday pay.

However, since the workers were hired on a 𝘱𝘢𝘬𝘺𝘢𝘸 basis, the SC ruled that they are not entitled to 13th month pay.

Read the full text of the Press Release at https://sc.judiciary.gov.ph/sc-preventing-employees-from-reporting-to-work-without-valid-reason-is-illegal-dismissal/.

Read the full text of the Decision at https://sc.judiciary.gov.ph?p=152126.

Copying of this content is subject to the SC PIO’s Credit Attribution Policy: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

15/08/2025

Naglabas ang ng mga inamyendahang alituntunin sa wastong paggamit ng mga terminong “qualified r**e” at “statutory r**e” sa mga kaso na kinasasangkutan ng mga batang biktima. Pinapalawak ng desisyon ang saklaw ng terminong "qualified r**e of a minor" at pinapataas ang pinakamababang danyos na maaaring igawad sa mga biktima.

Inilabas ng En Banc ng Korte Suprema ang mga alintuntunin sa isang Resolusyon na isinulat ng noo’y Associate Justice Mario V. Lopez, na tinanggihan ang motion for reconsideration na inihain ng isang lalaking hinatulan ng panggagahasa sa kanyang walong taong gulang na anak na babae.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang nauna nitong Desisyon na hinatulan ang akusadong lalaki na nagkasala ng qualified r**e of a minor. Paglilinaw ng Korte Suprema, angkop ang pagtatalagang ito kapag naroroon ang alinman sa sampung special qualifying aggravating circumstances na nakalista sa ilalim ng Article 266-B ng Revised Penal Code (RPC).

Naunang hinatulan ng Regional Trial Court ang lalaki ng qualified r**e batay sa edad ng biktima at relasyon sa akusado. Pinagtibay ng Court of Appeals ang hatol pero binago ang pagtatalaga ng krimen sa qualified statutory r**e.

Itinama ito ng Korte Suprema na nagdesisyon na ang tamang termino ay qualified r**e of a minor. Pinagkasundo nito ang mga hindi pagkakapare-pareho sa mga nakaraang desisyon.

Naglabas din ito ng mga alituntunin na nagsasaad na kapag mayroong mga elemento ng parehong statutory r**e at qualified r**e, qualified r**e of a minor ang tamang termino.

Nalalapat lang ang mga alituntuning ito sa panggagahasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik at hindi sa panggagahasa sa pamamagitan ng sexual assault.

Basahin ang mga alituntunin at press release sa https://tinyurl.com/4t3k2pud.

Basahin ang buong Resolusyon sa https://tinyurl.com/bdedkdr6.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


26/07/2025

Sa sesyon nito ngayong araw, Hulyo 25, 2025, idineklara ng Korte Suprema ang Articles of Impeachment laban kay Bise Presidente Sara Z. Duterte na labag sa Saligang Batas dahil pinagbabawal ito ng one-year rule
sa ilalim ng Artikulo XI, Seksyon 3(5) ng Saligang Batas at nilalabag nito ang karapatan sa due process na nakasaad sa Bill of Rights. Kaya hindi makakakuha ng hurisdiksyon ang Senado sa impeachment proceeding.

Gayunpaman, sinabi ng Korte na hindi nito inaabswelto si Bise Presidente Duterte sa alinman sa mga paratang laban sa kanya. Ngunit ang anumang kasunod na impeachment complaint ay maaari lamang ihain simula Pebrero 6, 2026.

Nag-ugat ang kaso sa apat na reklamong impeachment laban kay Bise Presidente Duterte. Ang unang tatlo ay inihain sa Mababang Kapulungan ng mga pribadong indibidwal at iba't ibang grupo noong Disyembre 2, 4, at 19, 2024.

May ikaapat na reklamo na inihain sa pamamagitan ng isang resolusyon na inaprubahan ng higit sa one-third ng mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng 19th Congress noong Pebrero 5, 2025, na ipinadala bilang Articles of Impeachment sa Senado sa parehong araw. Sinundan ito ng dalawang petisyon na inihain sa Korte Suprema na kinwestiyon ang konstitusyonalidad nito.

Bumoto ang Korte Suprema ng 13-0-2, kung saan ang mga Justices na naroon ay sumang-ayon sa pagboto para pagbigyan ang mga petisyon na ipawalang-bisa ang Articles of Impeachment. Si Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa ay nag-inhibit, samantalang si Justice Maria Filomena D. Singh ay naka-leave.

Sa Desisyon na isinulat ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen, nagpasya ang Korte Suprema na ang lahat ng mga legal na isyu na kinasasangkutan ng mga paglilitis sa impeachment ay napapailalim sa pagsusuri ng hudisyal o judicial review, dahil sa likas na katangian ng mga tanggapan at mga institusyon na napapailalim sa impeachment, ang epekto nito sa kalayaan ng mga kagawaran at organo ng Konstitusyon, at ang kalikasan nito bilang isang proseso ng Konstitusyon.

Sa pagdedeklara na ang Articles of Impeachment ay pinagbawalan ng one-year rule, itinuring ng Desisyon na iba ang unang tatlong reklamo mula sa ikaapat na reklamo. Ang unang tatlo, aniya, ay isinampa sa ilalim ng Artikulo XI, Seksyon 3(2) ng Saligang Batas na nagpapahintulot sa sinumang mamamayan na magsampa ng beripikadong reklamo na inendorso ng sinumang miyembro ng Mababang Kapulungan. Ang pang-apat ay sa pamamagitan ng Artikulo XI, Seksyon 3(4) ng Konstitusyon sa pamamagitan ng beripikadong reklamo o resolusyon na inihain ng hindi bababa sa one-third ng mga miyembro ng Mababang Kapulungan.

Binigyang-pansin ng Korte Suprema na hindi kumilos ang Mababang Kapulungan sa 19th Congress sa unang tatlong inendorsong reklamo na itinuring na tinapos na o tinanggal na sa pagpapaliban nito.

Natukoy din ng Korte Suprema na mayroong mga naging paglabag ang Mababang Kapulungan sa due process sa paglilitis. Inilatag nito ang mga sumusunod na angkop na proseso sa mga paglilitis ng impeachment:

1. Ang Articles of Impeachment o resolusyon ay dapat maglalaman ng ebidensiya kapag ibinabahagi sa mga miyembro ng Kapulungan, lalo na sa mga nagbabalak na iendorso ito.

2. Sapat dapat ang ebidensiya para patunayan ang mga paratang sa Articles of Impeachment.

3. Ang Articles of Impeachment at ang mga nilalamang ebidensiya ay dapat pwedeng ibigay sa lahat ng miyembro ng Mababang Kapulungan, hindi lamang sa mga nagbabalak na mag-endorso nito.

4. Dapat sana ay nabigyan ng pagkakataon ang taong sinampahan na marinig ang kanyang panig hinggil sa Articles of Impeachment at ang mga nilalamang ebidensiya para patunayan ang mga paratang laban sa kanya bago ito ipadala sa Senado, gaano man karami ang mga nag-eendorsong miyembro ng Mababang Kapulungan.

5. Dapat bigyan ng makatwirang panahon ang Mababang Kapulungan na malayang makapagpasya kung ieendorso ba nila ang reklamong impeachment. Gayunpaman, may kapangyarihan ang Korte na suriin kung sapat ang panahong ito, ngunit ang nagpetisyon – na humihiling sa kapangyarihan ng Korte na magsuri – ay dapat patunayang nabigo ang mga opisyal na gampanan nang maayos ang kanilang mga tungkulin.

6. Ang batayan ng anumang reklamo ay para dapat sa mga impeachable na pagkakasala o pagkukulang na ginawa kaugnay sa kanilang tungkulin at sa kasalukuyang termino ng impeachable na opisyal. Para sa Presidente at Bise Presidente, ang mga ginawa ay dapat kasimbigat ng mga katumbas na krimeng nakasaad sa Artikulo XI, Seksyon 3 (1) o isang pagtataksil sa tiwala ng publiko (betrayal of public trust) na ibinigay ng karamihan ng mga botante.

Para sa iba pang mga impeachable na opisyal, kailangang mabigat ang kanilang ginawa na talagang nakasisira sa respetong dapat ay taglay nila bilang mga tagapagtaguyod ng Konstitusyon;

7. Para matiyak na narinig ang panig ng taong sinampahan ng impeachment, ang Mababang Kapulungan ay kinakailangan na:

(a) Magbigay ng kopya ng Articles of Impeachment at mga nilalamang ebidensiya sa taong sinampahan para magkaroon siya ng pagkakataong tumugon sa loob ng makatwirang panahon na itatakda ng mga alituntunin ng Mababang Kapulungan. Ang hinihingi lamang ng Saligang Batas ay ang pagkakataong mapakinggan. Nasa taong sinampahan kung kusa niyang tatalikuran ang pangunahing karapatang ito at piliing iharap ang kanyang ebidensiya sa paglilitis ng Senado; at

(b) Gawing available sa lahat ng miyembro ng Mababang Kapulungan ang Articles of Impeachment, kasama ang nilalamang ebidensiya at komento ng taong sinampahan. Ang Mababang Kapulungan—hindi ang one-third ng Mababang Kapulungan—ang may tanging karapatan na magpasimula ng mga reklamong impeachment. Kaya naman, dapat magkaroon ng kaunting deliberasyon upang mapakinggan ang bawat miyembro na kumakatawan sa kanilang mga nasasakupan at sa gayon ay makumbinsi ang iba sa kanilang posisyon. Ang transmittal gayunman ay magaganap lamang kung may kalipikadong boto ng one-third ng Kapulungan.

Basahin ang press release sa https://tinyurl.com/596r7cde.

Basahin ang buong Desisyon sa https://tinyurl.com/xukhchaf.

Basahin ang Hiwalay na Sumasang-ayon na Opinyon ni Justice Ramon Paul L. Hernando sa https://tinyurl.com/3cjtcpjv.

Basahin ang Hiwalay na Sumasang-ayon na Opinyon ni Justice Henri Jean Paul B. Inting sa https://tinyurl.com/3wdhk52w.

Basahin ang Hiwalay na Sumasang-ayon na Opinyon ni Justice Rodil V. Zalameda sa https://tinyurl.com/mr47p9ux.

Basahin ang Hiwalay na Sumasang-ayon na Opinyon ni Justice Jhosep Y. Lopez sa https://tinyurl.com/mr22rane.

Basahin ang Hiwalay na Sumasang-ayon na Opinyon ni Justice Samuel H. Gaerlan sa https://tinyurl.com/u9um2h54.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


06/07/2025

UNJUST VEXATION ❗❗❗

16/05/2025

Top party-list group Akbayan will prioritize filing bills that would end labor contractualization and political dynasties and help college students finish their studies.

Here's the directional guide to reach the RMC Law office.RMC Law Office (Atty. Rica Mae Carandang) is open from 8:30 AM ...
16/05/2025

Here's the directional guide to reach the RMC Law office.

RMC Law Office (Atty. Rica Mae Carandang) is open from 8:30 AM to 5:00 PM (Monday to Friday) and 8:30 AM to 12:30 PM (Saturday).

📍 Visit us at 45 Regidor Street, San Diego, Zone 3 , Tayabas, Quezon

Google Map: https://maps.app.goo.gl/4JP7H5oneNeT46mQA?g_st=com.google.maps.preview.copy

We offer the following services:
• Legal Consultation
• Notarial Services (Notaryo)
• Litigation
• Negotiation
• Document/Contract Drafting

Send us a direct message or contact us at:
📩 Facebook: (Direct Message)
📞 Phone: +63 994 408 8958
📧 Email: [email protected]

01/03/2025
28/02/2025

Hindi kailangan ng dokumentadong kasaysayan sa sakit sa pag-iisip para magamit ang legal insanity bilang depensa sa isang kasong kriminal.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa, pinawalang-sala ng Third Division ng ang isang akusado sa kasong homicide dahil sa pagkabaliw at ipinag-utos ang pagpasok sa kanya sa National Center for Mental Health para magpagamot.

Kinasuhan ang akusado matapos siyang matagpuan ng kanyang ama na hubo't hubad, puno ng dugo, at bumibigkas ng mga religious phrase sa ibabaw ng walang buhay na katawan ng kanyang matalik na kaibigan. Sinabi ng akusado na inatake niya ang kanyang kaibigan matapos niya itong nakitang magpalit-anyo bilang demonyo. Narinig din umano niya ang boses ng Birheng Maria na nag-uutos sa kanya na maglagay ng krus sa puso ng biktima.

Guilty ang hatol ng Regional Trial Court (RTC) at Court of Appeals (CA), na tinanggihan ang kanyang depensa ng pagkabaliw. Ayon sa RTC at CA, dapat nasuri ang kanyang mental na estado bago, habang, at pagkatapos ng krimen.

Sa pagbaliktad ng desisyon, sinabi ng Korte Suprema na ang akusado ay nagpakita ng sapat na ebidensya ng pagkabaliw sa panahong nangyari ang krimen. Nilinaw nito na ang pagpapatunay ng legal insanity ay nangangailangan lang ng ebidensya na ang akusado ay pinagkaitan ng katalinuhan bago, habang, o pagkatapos ng krimen.

Sa ilalim ng Article 12 ng Revised Penal Code, ang isang tao na nakagawa ng krimen at napatunayang legal na baliw ay exempted sa criminal liability. Dagdag pa ng Korte, mahirap patunayan ang pagkabaliw sa eksaktong sandali ng krimen, kaya maaaring isaalang-alang ng mga korte ang pag-uugali ng akusado bago o pagkatapos ng insidente.

Nilinaw ng Korte na bagama't maaaring may kaugnayan ang mga naunang medical record, hindi nila kailangang patunayan na ang kondisyong medikal ng akusado ang nagdulot sa krimen. Ang kawalan ng dokumentadong psychiatric history ay hindi dapat tingnan laban sa akusado na ginagamit ang legal na pagkabaliw bilang depensa.

Kinilala din ng Korte ang hindi pantay na pasanin para sa mga mahihirap na maaaring walang access sa psychiatric care. Binigyang-diin nito na ang mga legal na depensa ay dapat magagamit ng lahat.

Basahin ang buong teksto ng press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-past-psychiatric-records-not-required-to-prove-legal-insanity/.

Basahin ang buong teksto ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/244692-2/.


26/02/2025

Visit RMC Law Office (Atty. Rica Carandang) today!

We're open to assist you with your legal needs:
📅 Monday-Friday: 8:30 AM - 5:00 PM
📅 Saturday: 8:30 AM - 12:30 PM
📍 45 Regidor Street, San Diego, Zone 3, Tayabas, Quezon
📞 +63 994 408 8958
📧 [email protected]

Address

45 Regidor Street, San Diego, Zone 3
Tayabas
4327

Opening Hours

Monday 8:30am - 5pm
Tuesday 8:30am - 5pm
Wednesday 8:30am - 5pm
Thursday 8:30am - 5pm
Friday 8:30am - 5pm
Saturday 9am - 12:30pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RMC Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share