09/12/2025
Sa batas, walang general prohibition laban sa pag-video ng mga taong nag aaway o nag-i-eskandalo sa public area ng mall. Ang ganitong video ay maaari pang gamiting ebidensiya sa kaso, halimbawa sa assault, oral defamation, damages, basta may kinalaman sa isyu at maipakitang totoo at hindi peke. Dahil ang common areas ng mall ay bukas sa publiko, mababa ang reasonable expectation of privacy doon, kaya’t mahirap umangal na nalabag ang privacy mo kung ikaw mismo ang nakikipag eskandalo sa harap ng maraming tao.
Pero tandaan na ang mall ay private property; puwede itong magtakda ng house rules gaya ng “bawal mag video,” at puwedeng sitahin o paalisin ang ayaw sumunod (exercise ng right to exclude ng may ari). Hindi ito awtomatikong krimen, pero contractual/civil consequence ito sa pagitan ng mall at customer. Hindi rin puwedeng pilit agawin o burahin ng guard ang video sa cellphone.
Para mas maliwanangan, komunsulta sa abogado.