07/06/2026
๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐? ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐!
Sa kasong Avelino v. Cuenco (G.R. No. L-2821, March 4, 1949), kinilala ng Korte Suprema ang isang mahalagang prinsipyo sa pagtukoy ng quorum sa Senadoโang konsepto ng ๐๐๐๐๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ ๐ฆ๐๐ฆ๐๐๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ. Sa madaling salita, hindi palaging ang kabuuang bilang ng mga puwesto sa Senado ang ginagamit sa pagkukuwenta ng quorum. Sa ilang pagkakataon, isinasaalang-alang din kung ilan sa mga senador ang aktuwal na maaaring piliting dumalo at lumahok sa mga gawain ng Senado.
Noong naganap ang sigalot sa pagitan nina Senate President Jose Avelino at Mariano Jesus Cuenco, nominally ay mayroong 24 senador ang Senado. Gayunman, si Senador Tomas Confesor ay nasa ibang bansa noong mga panahong iyon. Dahil siya ay nasa labas ng hurisdiksiyon ng Senado at hindi maaaring piliting dumalo sa sesyon sa pamamagitan ng compulsory process ng Senado, itinuring ng Korte Suprema na hindi siya dapat isama sa pagkukuwenta ng quorum. Dahil dito, para sa layunin ng quorum, ang effective membership ng Senado ay itinuring na 23 senador lamang, at hindi 24.
Mula rito, madaling makita kung bakit itinuring ng Korte Suprema na may sapat na quorum. Kung 23 ang effective membership ng Senado, ang mayorya nito ay 12 senador. Nang umalis si Jose Avelino at ilan niyang kaalyado sa sesyon, nanatili pa rin ang 12 senador sa bulwagan. Dahil ang bilang na ito ay bumubuo ng mayorya ng 23-member effective Senate, kinilala ng Korte na may sapat na quorum upang magpatuloy ang sesyon at magsagawa ng opisyal na akto, kabilang ang pagpili kay Mariano Cuenco bilang Senate President pro tempore.
Mahalagang tandaan na ang desisyon ay hindi nakabatay lamang sa simpleng matematika. Nakabatay ito sa mas malalim na prinsipyong konstitusyonal na hindi maaaring gawing bihag ng isang minorya ang buong Senado sa pamamagitan ng pagliban o pag-alis sa sesyon. Kung ang mga natitirang senador ay bumubuo pa rin ng quorum batay sa effective membership ng Senado, may kapangyarihan silang ipagpatuloy ang gawain ng institusyon. Kung hindi ito kikilalanin, maaaring maparalisa ng iilang senador ang buong lehislatura sa pamamagitan lamang ng hindi pagdalo o pag-walkout.
Ito ang dahilan kung bakit mahalaga pa rin ang Avelino v. Cuenco sa kasalukuyang usapin sa Senado. Ang sentrong tanong ay hindi kung ilan ang lumiban o tumangging dumalo, kundi kung ilan ang bumubuo sa effective membership ng Senado at kung ang mga naroroon ay sapat upang makabuo ng quorum. Sa kasalukuyan, nagtatago si Senator Dela Rosa at naka-kulong naman dahil sa kasong non-bailable si Senator Estrada; hindi sila mapipilit, kahit pa ng compulsory process ng senado, na dumalo sa mga sesyon nito. Kung kaya, sa ngayon ay 22 lamang ang effective membership ng Senado kaugnay ng pagtukoy ng quorum, at ang 12 na senador ay bumubuo na ng majority.
Ang aral ng kaso ay malinaw: kapag may sapat na quorum batay sa effective membership ng Senado, ang institusyon ay may kapangyarihan at tungkuling ipagpatuloy ang trabaho nito. Ang Konstitusyon ay hindi nilikha upang pahintulutan ang pagkaparalisa ng Senado dahil lamang sa mga alitang pampulitika o sa pagliban ng ilang miyembro nito.
follower