Roloma & Flores Law Offices

Directions

Roloma & Flores Law Offices Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Roloma & Flores Law Offices, Notary public, Door 3, EdCon Building, Anselmo Balatero Street, Barangay 1, Misamis Occidental, Tangub City.

02/10/2026

The has voided a couple’s marriage after finding that they falsely claimed five years of cohabitation to avoid obtaining a marriage license.

In a Decision written by Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, the SC’s Third Division denied the petition of the Republic of the Philippines which sought to declare a couple’s marriage valid despite the absence of a marriage license.

The couple had lived together as husband and wife since December 2003. In 2006, the husband left for Israel to work and returned in 2009 to marry his wife. To facilitate their marriage without the required license, the couple executed an 𝘈𝘧𝘧𝘪𝘥𝘢𝘷𝘪𝘵 𝘰𝘧 𝘊𝘰𝘩𝘢𝘣𝘪𝘵𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯, claiming they had lived together for six years and were thus exempt from the marriage license requirement under the 𝘍𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺 𝘊𝘰𝘥𝘦.

In 2013, the husband filed a petition to declare the marriage void, arguing the 𝘈𝘧𝘧𝘪𝘥𝘢𝘷𝘪𝘵 𝘰𝘧 𝘊𝘰𝘩𝘢𝘣𝘪𝘵𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 they executed was false because he was in Israel for most of the period it covered.

The SC explained that while Article 3(2) of the 𝘍𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺 𝘊𝘰𝘥𝘦 provides that one of the formal requisites of a marriage is a valid marriage license, Article 34 of the same provides an exception to this requirement for couples who have lived together as husband and wife for at least five years and have no legal impediment to marry each other.

Citing the 2000 case of 𝘕𝘪ñ𝘢𝘭 𝘷. 𝘉𝘢𝘺𝘢𝘥𝘰𝘨, the SC stressed that the five-year cohabitation period is counted back from the marriage date. The couple must have lived together continuously and exclusively, without interruption or a third party.

In this case, the SC said that the testimony of the husband showed the couple had not lived together continuously for five years, making their 𝘈𝘧𝘧𝘪𝘥𝘢𝘷𝘪𝘵 𝘰𝘧 𝘊𝘰𝘩𝘢𝘣𝘪𝘵𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 to the solemnizing officer false. His testimony also supported the finding that they failed to meet the five-year requirement.

The SC found that from 2001 to 2004, before the husband left for Israel, they lived separately and only occasionally shared a rented room with relatives. From 2005 to 2009, while the husband was in Israel, there was no evidence that they presented themselves as spouses or that he intended to return to the Philippines to live with his wife.

The SC thus ruled that there was not enough evidence to prove that the couple continuously and exclusively cohabited as husband and wife for a period of five years immediately preceding the celebration of their marriage.

Read the full text of the Press Release at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=174170.

Read the full text of the Decision at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=168047.

Copying of this content is subject to the SC PIO’s Credit Attribution Policy: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

30/09/2026

Nagpasya ang na ang pagsuko sa karapatan sa minanang ari-arian ay maaaring ituring na isang donasyon kung nagpapakita ito ng layuning magbigay ng donasyon at natutugunan ang mga legal na kinakailangan.

Sa isang Desisyong isinulat ni Associate Justice Jhosep Y. Lopez, isinantabi ng Ikalawang Dibisyon ng Korte Suprema ang pinagsamang mga petisyon ni Felix G. Cruz at pinagtibay nito ang mga desisyon ng Court of Appeals (CA) na kumikilala sa bisa ng paglilipat ng dalawang minanang ari-arian nina Luis at Rosita Cruz sa kanilang mga anak na sina Robin at Osias.

Nag-ugat ang kaso sa dalawang lupang naiwan ni Judy Cruz na namatay na dalaga at walang iniwang testamento. Naiwan niya ang kanyang mga magulang na sina Luis at Rosita at limang kapatid, kabilang sina Felix, Robin, at Osias.

Matapos mamatay si Judy, magkahiwalay na pumirma sina Luis at Rosita sa notarized na Waivers of Rights kung saan isinuko nila ang kanilang mga karapatan sa mga ari-arian pabor kina Robin at Osias.

Kalaunan, lumagda sina Robin at Osias sa isang Extrajudicial Partition and Settlement of Estate at ipinarehistro sa kanilang mga pangalan ang mga ari-arian.

Pumirma rin sina Felix at dalawa pa nilang kapatid na sina Doris at Henry sa mga waiver kung saan isinuko nila ang anumang interes nila sa mga ari-arian. Si Felix, na abogado ng pamilya, ang naghanda ng mga dokumentong ito.

Matapos mamatay ang kanilang nanay, hiniling ni Felix na ipawalang-bisa ang paglilipat ng mga ari-arian at kanselahin ang mga titulo na nakapangalan kina Robin at Osias. Iginiit ni Felix na walang bisa ang paglilipat at dapat ay nanatiling bahagi ng ari-arian ng ina nilang si Rosita ang mga lupa kung saan may karapatan siyang manahin bilang isa sa mga tagapagmana.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang mga desisyon ng trial court at Court of Appeals na nagsantabi sa reklamo ni Felix at kumikilala sa Waivers of Rights na pinirmahan nina Luis at Rosita bilang mga mabisang donasyon pabor kina Robin at Osias.

Ipinaliwanag nito na nang mamatay si Judy, awtomatikong napunta sa kanyang mga magulang bilang mga legal na tagapagmana ang pagmamay-ari ng kanyang mga ari-arian.

Bagama’t tinawag na Waivers of Rights ang mga dokumentong nilagdaan nila, napag-alaman ng Korte Suprema na ang tunay na layunin nina Luis at Rosita ay i-donate ang mga ari-arian kina Robin at Osias.

Sa ilalim ng Article 749 ng Civil Code, kinakailangan ang mga sumusunod para maging mabisa ang donasyon ng real property: (1) mababawasan ang ari-arian ng donor; (2) magkakaroon ng katumbas na pagtaas sa ari-arian ng donee; (3) may layuning mag-donate; (4) maisagawa ang donasyon sa isang pampublikong dokumento; at (5) tanggapin ito ng donee. Kung nakasaad ang pagtanggap sa isang hiwalay na dokumento, dapat itong ipaalam sa donor.

Natugunan ang mga kinakailangang ito sa kasong ito. Isinuko nina Luis at Rosita ang kanilang pagmamay-ari sa mga ari-arian pabor kina Robin at Osias sa pamamagitan ng mga notarized na dokumentong hayagang nagbibigay ng pahintulot para sa paglilipat ng mga ito.

Samantala, tinanggap nina Robin at Osias ang donasyon nang isagawa nila ang Extrajudicial Partition and Settlement at ipinarehistro sa kanilang mga pangalan ang mga ari-arian. Ipinaalam nila kina Luis at Rosita ang kanilang pagtanggap sa pamamagitan ng mga hakbang na ito.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=174097.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=168026.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


28/08/2026

Nilinaw ng ang mga tuntunin sa paghahatid ng notice of dishonor sa mga kasong may kinalaman sa Batas Pambansa Blg. 22 (BP 22) o Anti-Bouncing Check Law. Pormal na kinilala ng Korte ang elektronikong paghahatid bilang isang legal na paraan ng paghahatid ng notice of dishonor, habang nagtakda ng mga pananggalang para matiyak na maaasahang mapatutunayan sa korte ang naturang paghahatid.

Sa isang Desisyong isinulat ni Associate Justice Samuel H. Gaerlan, pinagtibay ng En Banc ng Korte Suprema ang hatol na nagkasala ang mag-asawang Arnel at Marivic Carlos sa anim na bilang ng paglabag sa BP 22.

Nag-ugat ang kaso nang mag-isyu ang mag-asawa ng anim na tseke para sa Tire Star bilang bayad sa mga gulong ng sasakyan. Kalaunan, hindi binayaran ng bangko ang lahat ng anim na tseke dahil sarado na ang account na pinagkuhanan ng mga ito.

Nagharap ang prosekusyon ng mga ebidensiyang nagpapakitang personal na nagtungo ang messenger ng Tire Star sa opisina ng mag-asawa para ihatid ang notice of dishonor. Tumanggi ang mag-asawa na tanggapin ito at sa halip ay inutusan ang isang empleyado na pumirma para rito.

Iginiit ng mag-asawa na dapat silang mapawalang-sala dahil hindi sa kanila naihatid nang wasto ang notice of dishonor.

Tinanggihan ng Korte Suprema ang argumento ng mag-asawa. Binigyang-diin na hindi maaaring takasan ng akusado ang pananagutan sa ilalim ng BP 22 sa pamamagitan lamang ng pagtanggi na natanggap niya ang notice o ng pagtangging tanggapin ito. Kung hindi, madaling makakaiwas sa pananagutan ang mga nag-iisyu ng tseke sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagtanggap ng notice.

Para maisulong ang pagkakapare-pareho sa pagpapatupad ng mga tuntunin, nilinaw ng Korte Suprema ang mga katanggap-tanggap na paraan ng paghahatid ng notice of dishonor.

Sinabi nito na nananatiling pangunahing paraan ang personal service. Maaaring direktang ibigay ang notice sa nag-isyu ng tseke o, kung isang negosyo ang sangkot, sa awtorisadong kinatawan nito. Kung hindi maihatid ang notice sa opisina ng nag-isyu, maaari itong iwan sa kanyang tirahan at ibigay sa isang nasa hustong gulang na residente sa pagitan ng 8:00 A.M. at 6:00 P.M.

Dapat gumawa ang taong naghahatid ng notice ng affidavit na nagsasaad kung kailan, saan, at paano isinagawa ang paghahatid. Kung praktikal, dapat idokumento ang paghahatid sa pamamagitan ng mga litrato o video recording, na sasailalim sa wastong pagpapatunay sa korte.

Kung hindi praktikal ang personal service, maaaring ipadala ang notice of dishonor sa pamamagitan ng registered mail, o kung walang serbisyong pangrehistro, sa pamamagitan ng ordinary mail. Ang taong naghahatid ng notice ay dapat ding gumawa ng affidavit na nagpapaliwanag kung bakit hindi naisagawa ang personal service at ilakip dito ang mga kaugnay na dokumento mula sa koreo.

Kinilala rin ng Korte Suprema ang elektronikong paghahatid. Pinasiyahan nito na maaari nang ihatid ang notice of dishonor sa pamamagitan ng email bilang pangunahing paraan ng paghahatid kung naibigay na ng nag-isyu ng tseke ang kanyang email address. Maaari ring gamitin ang mga plataporma gaya ng Viber, Facebook Messenger, o mga katulad na aplikasyon, basta’t mapatutunayang pagmamay-ari ng nag-isyu ang electronic account na ginamit.

Sa kanyang Concurring Opinion, sinang-ayunan ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen na hindi lamang dapat magsilbing alternatibong paraan ang elektronikong paghahatid kundi isang pangunahing paraan ng paghahatid na naaayon sa makabagong pamamaraan ng komunikasyon at sa patuloy na digital na reporma ng Hudikatura.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=172159.

Basahin ang Desisyon sa https://t.co/ieadvO69YM.

Basahin ang Concurring Opinion ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen sa https://t.co/S62XHKoh2g.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


27/08/2026
23/08/2026
30/07/2026
24/07/2026

Nagpasya ang na nananatiling may bisa ang bentahan ng lupa na magkaibang numero ng lote ang nakasaad sa kasulatan ng bentahan o deed of sale kumpara sa tunay na nabenta, basta’t malinaw na maipapakita ang totoong pinagkasunduan ng mga partido. Dahil dito, maaaring itama ang kasulatan para tumugma sa aktuwal na napagkasunduan ng magkabilang panig.

Sa Desisyong isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, pinagtibay ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema ang bentahan ng isang 491 metro kuwadradong lupain sa Lungsod ng Cebu sa pagitan ng mga mamimiling sina Genara at Felipe Abay, Sr. (mga Abay) at ng mga nagbentang sina Crispin Caballes at mga tagapagmana ni Trinidad Caballes-Gallardo (mga Gallardo), sa kabila ng pagkakamali sa nakalagay na numero ng lote sa deed of sale.

Bahagi ang lupang ito ng ari-ariang naiwan ni Margarita Lopez na may siyam na anak, kabilang sina Crispin at Trinidad.

Binisita ng mga Abay ang lugar kasama si Crispin at si Tomas Gallardo, isa sa mga tagapagmana ni Trinidad, bago nila binili ang ari-arian. Sa kanilang pagbisita, ipinakita sa kanila ang mga hangganan ng lupa. Tumulong pa si Tomas sa mga Abay sa pagtatayo ng bakod sa paligid nito.

Tinirahan ng mga Abay ang ari-arian nang humigit-kumulang 20 taon. Naputol lang ang kanilang paninirahan nang pumasok dito ang mga manggagawa ng mag-asawang Jacinto at Chiok Ngo Lim Young (mga Young), sinara ang bakod, at nagtayo ng sarili nilang mga poste.

Nalaman ng mga Abay na isang titulo para sa ari-arian ang naisyu sa pangalan ng mga Young. Dahil dito, naghain sila ng reklamo sa Regional Trial Court (RTC) para maipakansela ang nasabing titulo.

Kinuwestiyon ito ng mga Gallardo at ikinatuwirang ang mga dokumentong iprinisenta ng mga Abay ay tumutukoy sa ibang lote, ang Lot No. 6036-B, at hindi sa loteng kanilang tinitirhan na Lot No. 7. Bagama’t parehong matatagpuan sa iisang lugar ang dalawang lote, hiwalay na ari-arian ang mga ito at hindi magkatabi. Sinuportahan ng mga Young ang panig ng mga Gallardo at pinanindigang sila ay mga mamimili na may mabuting intensyon.

Nagdesisyon ang RTC pabor sa mga Abay, pero binaliktad ang desisyong ng Court of Appeals (CA). Ayon sa CA, ang mga dokumentong iprinisenta ng mga Abay ay nagpapakitang Lot No. 6036-B ang kanilang nabili at hindi ang Lot No. 7 na inangkin at pinaghahawakan nila.

Hindi sumang-ayon ang Korte Suprema at iginiit nito ang ang mga naging desisyon nito sa mga naunang kaso na nagpapatibay ng bilihan. Pinahihintulutan nito ang pagtatama ng kasulatan para maipakita ang tunay na kasunduan ng mga panig sa mga pagkakataong nabigo ang deed of sale na tumpak na mailarawan ang lupang nilayon ng magkabilang panig.

Sa ilalim ng Civil Code, maaaring itama ang isang kasulatan nang kapag dahil sa isang pagkakamali hindi nito naipapakita ang tunay na pinagkasunduan ng mga panig.

Paliwanag ng Korte Suprema, ang isang kontrata ay maaaring baguhin o itama kung: (1) nagkasundo ang mga panig sa transaksyon; (2) hindi naipapahayag ng kasulatan ang kanilang tunay na kasunduan; at (3) ang kamalian ay sanhi ng pagkakamali o mistake, panlilinlang o fraud, aksidente, o unfair conduct.

Sa kasong ito, napatunayang umiiral ang lahat ng mga kondisyong ito.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=169523

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164169

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


14/07/2026

ADVISORY

Roloma & Flores Law Offices will be TEMPORARILY CLOSED from
JULY 16, 2026 to JULY 20, 2026.

Office operations will RESUME on JULY 21, 2026, TUESDAY.

For urgent concerns and inquiries, kindly message any of the following:
09624006085 | 09159657392
[email protected]
Roloma & Flores Law Offices page

Thank you!

31/03/2026

HOLY WEEK ADVISORY

Roloma & Flores Law Offices will be CLOSED from APRIL 1 - 5, 2026.

For SPECIAL APPOINTMENT, URGENT NOTARIZATION AND OTHER CONCERNS, you may message us here on Facebook or any of these:

📱 09624006085 | 09159657392
📧 [email protected]

Regular office operations will RESUME on Monday, April 6, 2026.

Thank you. May you have a blessed and meaningful week!

Address

Door 3, EdCon Building, Anselmo Balatero Street, Barangay 1, Misamis Occidental
Tangub City
7214

Opening Hours

Monday 8:30am - 5:30pm
Tuesday 8:30am - 5:30pm
Wednesday 8:30am - 5:30pm
Thursday 8:30am - 5:30pm
Friday 8:30am - 5:30pm
Saturday 9am - 2pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Roloma & Flores Law Offices posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share