01/10/2025
📌 NOTARY PUBLIC REMINDER📌
Madalas po kaming makatanggap ng mga ganitong katanungan:
▪️“Atty., pwede po ba magpanotaryo kahit wala yung isang party?”
▪️“Atty., pwede po ba ipanotaryo kahit nasa abroad yung pipirma?”
▪️“Atty., pwede bang iwan na lang ang dokumento para may tatak na pagbalik?”
▪️Magcchat po ng “Atty., pwede bang ipagawa na ngayon para pagbalik pipirma na lang?”
▪️“Atty, wala naman pong maghahabol. Baka puwede na hindi na umappear yung iba?”
▪️:“Eh Atty, patay na po yung isa. Pero buhay pa nung na-execute yung dokumento. Pwede bang ipanotaryo?”
👉🏼 Ang sagot po: HINDI pwede.
🔹 Ayon sa 2004 Rules on Notarial Practice (Rule IV, Sec. 2[b]), kinakailangan ang personal appearance ng mga taong pipirma sa dokumento.
Bakit po?
✅ Dahil iniinterview ng Notary Public ang kliyente upang malaman ang tunay na nilalaman at layunin ng dokumento.
Hindi po namin kayang mag-telepathy para malaman kung gusto niyo talaga ang laman ng dokumento. 😁
✅ Kinukumpirma na ang pirma ay kanila talaga.
Hindi po kami psychic para hulaan kung sa inyo nga yung pirma.😄
✅ Tinitiyak na ang pagpirma ay ginawa nang kusang-loob at may buong pag-unawa.
kailangan po naming siguraduhin na kusang-loob niyo itong pinirmahan at hindi po dahil na-challenge lang kayo sa “Sige, pirma ka kung matapang ka!” 🤭
Kung patay na po yung pumirma, RIP po… pero kahit po multo, hindi puwedeng mag-personal appearance. Sa notaryo, bawal ang ghost signing! ✌🏼
TANDAAN: Ang personal appearance ay hindi po simpleng requirement lamang. Ito ay proteksyon para sa inyo upang maging balido, legal, at ligtas ang inyong dokumento.