Bacsain Law Office

Bacsain Law Office A full-service law firm and Notary Public

07/01/2026

Mabuhay ang mga bagong Abogado ng Bayan!

Welcome to the legal profession! May you serve with integrity, courage, and compassion. ⚖️🇵🇭

5,594 passed out of 11,425 examinees, for a 48.96% passing rate.

Always good catching up with my fellow lawyer and kumpare, RTC Branch 106 Clerk of Court, Atty. Kim Arniño. Keep up the ...
15/12/2025

Always good catching up with my fellow lawyer and kumpare, RTC Branch 106 Clerk of Court, Atty. Kim Arniño. Keep up the excellent public service!

Humbled and grateful for the favorable resolutions in our client’s administrative and criminal cases. Always thankful fo...
12/12/2025

Humbled and grateful for the favorable resolutions in our client’s administrative and criminal cases. Always thankful for the opportunity to advocate justice ⚖️!

Providing practical and effective representation in labor matters, both in and out of the courtroom - Bacsain Law Office...
01/12/2025

Providing practical and effective representation in labor matters, both in and out of the courtroom - Bacsain Law Office. ⚖️

Client visit all the way from Quebec, Canada! 🇨🇦 Thank you for taking the time to visit our law office! ⚖️🇵🇭
13/10/2025

Client visit all the way from Quebec, Canada! 🇨🇦 Thank you for taking the time to visit our law office! ⚖️🇵🇭

Ano ang ibig sabihin at implikasyon ng utos na ito ng Korte Suprema. Simplehan natin:1. Ang mga isyung nakapaloob sa pet...
19/08/2025

Ano ang ibig sabihin at implikasyon ng utos na ito ng Korte Suprema. Simplehan natin:

1. Ang mga isyung nakapaloob sa petisyon ay seryoso at may ligal na merito kaya kinakailangang marining ang komento o panig ng mga respondente.

2. Sa utos ng Korte Suprema, kailangang sagutin ng mga respondente ang petisyon sa pamamagitan ng pag-sumite ng kanilang argumento, depensa, ligal na basehan at eksplenasyon sa loob ng sampung (10) araw.

Kapag natanggap na ng Korte Suprema ang komento maaring mangyari alin man dito:
- Hilingin nila na sumagot ang Petitioner(s).
- Magpatawag ng "Oral Argument"
- Magdesisyon kaagad (grant or deny the petition, issue TRO/ Status Quo Ante Order or dismiss)

Sa kabuuan hindi ibig sabihin na dahil pinag-komento ang mga respondente ay sigurado ng maipagkakaloob ang hiling na petisyon. Ito ay bahagi o paraan para lamang siguraduhing may "due process" bago ang Korte Suprema mag-desisyon.

The Supreme Court directs the Senate, House of Representatives, ES Bersamin, and Comelec to comment on the petition challenging the constitutionality of RA 12232, or the law setting the Barangay and SK Elections to November 2026.

Respondents are given 10 days to comment on the petition and prayer for TRO. | via Saleema Refran/GMA Integrated News

⚖️🇵🇭
12/08/2025

⚖️🇵🇭

04/08/2025

If you or someone you know is facing legal concerns or simply needs sound legal advice, don’t hesitate to reach out to Bacsain Law Office.

For appointments and inquiries:

📍193-A 29th Avenue, JP Rizal Extn. East Rembo, Taguig City
📧 [email protected]
💬 Bacsain Law Office (page)

27/07/2025

Sa sesyon nito ngayong araw, Hulyo 25, 2025, idineklara ng Korte Suprema ang Articles of Impeachment laban kay Bise Presidente Sara Z. Duterte na labag sa Saligang Batas dahil pinagbabawal ito ng one-year rule
sa ilalim ng Artikulo XI, Seksyon 3(5) ng Saligang Batas at nilalabag nito ang karapatan sa due process na nakasaad sa Bill of Rights. Kaya hindi makakakuha ng hurisdiksyon ang Senado sa impeachment proceeding.

Gayunpaman, sinabi ng Korte na hindi nito inaabswelto si Bise Presidente Duterte sa alinman sa mga paratang laban sa kanya. Ngunit ang anumang kasunod na impeachment complaint ay maaari lamang ihain simula Pebrero 6, 2026.

Nag-ugat ang kaso sa apat na reklamong impeachment laban kay Bise Presidente Duterte. Ang unang tatlo ay inihain sa Mababang Kapulungan ng mga pribadong indibidwal at iba't ibang grupo noong Disyembre 2, 4, at 19, 2024.

May ikaapat na reklamo na inihain sa pamamagitan ng isang resolusyon na inaprubahan ng higit sa one-third ng mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng 19th Congress noong Pebrero 5, 2025, na ipinadala bilang Articles of Impeachment sa Senado sa parehong araw. Sinundan ito ng dalawang petisyon na inihain sa Korte Suprema na kinwestiyon ang konstitusyonalidad nito.

Bumoto ang Korte Suprema ng 13-0-2, kung saan ang mga Justices na naroon ay sumang-ayon sa pagboto para pagbigyan ang mga petisyon na ipawalang-bisa ang Articles of Impeachment. Si Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa ay nag-inhibit, samantalang si Justice Maria Filomena D. Singh ay naka-leave.

Sa Desisyon na isinulat ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen, nagpasya ang Korte Suprema na ang lahat ng mga legal na isyu na kinasasangkutan ng mga paglilitis sa impeachment ay napapailalim sa pagsusuri ng hudisyal o judicial review, dahil sa likas na katangian ng mga tanggapan at mga institusyon na napapailalim sa impeachment, ang epekto nito sa kalayaan ng mga kagawaran at organo ng Konstitusyon, at ang kalikasan nito bilang isang proseso ng Konstitusyon.

Sa pagdedeklara na ang Articles of Impeachment ay pinagbawalan ng one-year rule, itinuring ng Desisyon na iba ang unang tatlong reklamo mula sa ikaapat na reklamo. Ang unang tatlo, aniya, ay isinampa sa ilalim ng Artikulo XI, Seksyon 3(2) ng Saligang Batas na nagpapahintulot sa sinumang mamamayan na magsampa ng beripikadong reklamo na inendorso ng sinumang miyembro ng Mababang Kapulungan. Ang pang-apat ay sa pamamagitan ng Artikulo XI, Seksyon 3(4) ng Konstitusyon sa pamamagitan ng beripikadong reklamo o resolusyon na inihain ng hindi bababa sa one-third ng mga miyembro ng Mababang Kapulungan.

Binigyang-pansin ng Korte Suprema na hindi kumilos ang Mababang Kapulungan sa 19th Congress sa unang tatlong inendorsong reklamo na itinuring na tinapos na o tinanggal na sa pagpapaliban nito.

Natukoy din ng Korte Suprema na mayroong mga naging paglabag ang Mababang Kapulungan sa due process sa paglilitis. Inilatag nito ang mga sumusunod na angkop na proseso sa mga paglilitis ng impeachment:

1. Ang Articles of Impeachment o resolusyon ay dapat maglalaman ng ebidensiya kapag ibinabahagi sa mga miyembro ng Kapulungan, lalo na sa mga nagbabalak na iendorso ito.

2. Sapat dapat ang ebidensiya para patunayan ang mga paratang sa Articles of Impeachment.

3. Ang Articles of Impeachment at ang mga nilalamang ebidensiya ay dapat pwedeng ibigay sa lahat ng miyembro ng Mababang Kapulungan, hindi lamang sa mga nagbabalak na mag-endorso nito.

4. Dapat sana ay nabigyan ng pagkakataon ang taong sinampahan na marinig ang kanyang panig hinggil sa Articles of Impeachment at ang mga nilalamang ebidensiya para patunayan ang mga paratang laban sa kanya bago ito ipadala sa Senado, gaano man karami ang mga nag-eendorsong miyembro ng Mababang Kapulungan.

5. Dapat bigyan ng makatwirang panahon ang Mababang Kapulungan na malayang makapagpasya kung ieendorso ba nila ang reklamong impeachment. Gayunpaman, may kapangyarihan ang Korte na suriin kung sapat ang panahong ito, ngunit ang nagpetisyon – na humihiling sa kapangyarihan ng Korte na magsuri – ay dapat patunayang nabigo ang mga opisyal na gampanan nang maayos ang kanilang mga tungkulin.

6. Ang batayan ng anumang reklamo ay para dapat sa mga impeachable na pagkakasala o pagkukulang na ginawa kaugnay sa kanilang tungkulin at sa kasalukuyang termino ng impeachable na opisyal. Para sa Presidente at Bise Presidente, ang mga ginawa ay dapat kasimbigat ng mga katumbas na krimeng nakasaad sa Artikulo XI, Seksyon 3 (1) o isang pagtataksil sa tiwala ng publiko (betrayal of public trust) na ibinigay ng karamihan ng mga botante.

Para sa iba pang mga impeachable na opisyal, kailangang mabigat ang kanilang ginawa na talagang nakasisira sa respetong dapat ay taglay nila bilang mga tagapagtaguyod ng Konstitusyon;

7. Para matiyak na narinig ang panig ng taong sinampahan ng impeachment, ang Mababang Kapulungan ay kinakailangan na:

(a) Magbigay ng kopya ng Articles of Impeachment at mga nilalamang ebidensiya sa taong sinampahan para magkaroon siya ng pagkakataong tumugon sa loob ng makatwirang panahon na itatakda ng mga alituntunin ng Mababang Kapulungan. Ang hinihingi lamang ng Saligang Batas ay ang pagkakataong mapakinggan. Nasa taong sinampahan kung kusa niyang tatalikuran ang pangunahing karapatang ito at piliing iharap ang kanyang ebidensiya sa paglilitis ng Senado; at

(b) Gawing available sa lahat ng miyembro ng Mababang Kapulungan ang Articles of Impeachment, kasama ang nilalamang ebidensiya at komento ng taong sinampahan. Ang Mababang Kapulungan—hindi ang one-third ng Mababang Kapulungan—ang may tanging karapatan na magpasimula ng mga reklamong impeachment. Kaya naman, dapat magkaroon ng kaunting deliberasyon upang mapakinggan ang bawat miyembro na kumakatawan sa kanilang mga nasasakupan at sa gayon ay makumbinsi ang iba sa kanilang posisyon. Ang transmittal gayunman ay magaganap lamang kung may kalipikadong boto ng one-third ng Kapulungan.

Basahin ang press release sa https://tinyurl.com/596r7cde.

Basahin ang buong Desisyon sa https://tinyurl.com/xukhchaf.

Basahin ang Hiwalay na Sumasang-ayon na Opinyon ni Justice Ramon Paul L. Hernando sa https://tinyurl.com/3cjtcpjv.

Basahin ang Hiwalay na Sumasang-ayon na Opinyon ni Justice Henri Jean Paul B. Inting sa https://tinyurl.com/3wdhk52w.

Basahin ang Hiwalay na Sumasang-ayon na Opinyon ni Justice Rodil V. Zalameda sa https://tinyurl.com/mr47p9ux.

Basahin ang Hiwalay na Sumasang-ayon na Opinyon ni Justice Jhosep Y. Lopez sa https://tinyurl.com/mr22rane.

Basahin ang Hiwalay na Sumasang-ayon na Opinyon ni Justice Samuel H. Gaerlan sa https://tinyurl.com/u9um2h54.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


Hiding Homosexuality is Fraud, Ground for Annulment of Marriage.
15/07/2025

Hiding Homosexuality is Fraud, Ground for Annulment of Marriage.

The (SC) has reiterated that hiding one’s homosexuality from a spouse can be considered fraud and may be used as a ground to annul a marriage.

In a Decision written by Associate Justice Antonio T. Kho, Jr., the SC’s Second Division annulled the marriage of a woman whose husband concealed his homosexuality before they got married.

The couple met on social media. On their first date, the woman noticed that the man seemed distant. The man also avoided sitting beside her. When asked about this, the man said he was just shy and lacked confidence.

The two kept a long-distance relationship as the man worked overseas. Notwithstanding this, they got married two years later.

But the man continued to avoid intimacy and often started arguments to avoid his wife. Just two months after the wedding, he returned overseas and stopped communicating with her.

Later, the woman found magazines with half-naked and naked male models among her husband’s things. When she confronted him, he admitted that he was homosexual. The woman then filed for annulment of their marriage.

The SC ruled that the woman’s consent to the marriage was obtained through fraud, and that the marriage must be annulled on the ground of fraudulent concealment of sexuality, following Article 45(3) in relation to Article 46(4) of the 𝘍𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺 𝘊𝘰𝘥𝘦.

Article 45 of the 𝘍𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺 𝘊𝘰𝘥𝘦 states that a marriage can be annulled if one party’s consent was obtained through fraud, as long as the couple did not continue living together after discovering the fraud. Article 46 further specifies that hiding one’s homosexuality or lesbianism from a spouse is considered fraud.

The SC gave credence to the woman’s allegations, noting that the man’s admission and his unexplained silence when his sexuality was being questioned could not be ignored. It found that the husband intentionally hid his homosexuality to persuade the woman to stay and marry him.

Read the full text of the Press Release at https://tinyurl.com/ywadbxwp.

Read the full text of the Decision at https://tinyurl.com/yjn9a89f.

Copying of this content is subject to the SC PIO’s Credit Attribution Policy: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

⚖️
11/07/2025

⚖️

Nagpasya ang na ang 15-taong palugit sa pagsasampa ng kasong bigamy ay magsisimula lang kung kailan natuklasan ang bigamous marriage at hindi kung kailan ito ay nakarehistro sa gobyerno.

Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Samuel H. Gaerlan, hinatulan ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema na maysala sa kasong bigamy si Erwin Bonbon, matapos niyang pakasalan si Elizabeth Bonbon noong 1999 habang legal pa ring kasal sa ibang babae.

Makikita sa mga talaan na unang ikinasal si Erwin kay Gemma Cunada noong 1988. Gayunman, nagpakasal siya sa ibang babae noong 1994 at kay Elizabeth naman noong 1999 kahit may bisa pa ang pinakaunang kasal.

Taong 2020 nang malaman ng mga kapatid na babae ni Erwin ang tungkol sa ikatlong kasal nang humingi sila ng mga dokumento mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) para makuha ang benepisyo ng kanilang yumaong ina. Nagsampa sila ng kasong bigamy laban kina Erwin at Elizabeth noong 2021 o 22 taon pagkatapos ng kasal ni Erwin kay Elizabeth.

Nanindigan si Erwin na huli na ang pagsasampa ng kaso at iginiit nyang alam na ng kanyang mga kapatid na babae ang tungkol sa kasal noong 1999.

Kinatigan ng Korte Suprema ang mga desisyon ng Regional Trial Court at Court of Appeals na hinatulan si Erwin na maysala sa kasong bigamy. Sinentensiyahan siya ng pagkakakulong na aabot sa walong taon at isang araw.

Ipinaliwanag ng Korte Suprema na sa ilalim ng Revised Penal Code, ang bigamy ay nangyayari kapag ang isang taong legal pa rin ang kasal ay pumasok sa ibang kasal na tila may bisa. Ang isang kaso para sa bigamy ay dapat na isampa sa loob ng 15 taon mula nang matuklasan ang ikalawang kasal at hindi mula nang ito’y mairehistro. Dahil ang bigamous na pag-aasawa ay kadalasang inililihim, magiging halos imposible ang pag-uusig kapag ang petsa ng pagpaparehistro ang gagamiting simula ng takdang oras sa pagsampa ng kaso.

Nalaman ng mga kapatid na babae ni Erwin ang tungkol sa kasal noong 2020. Hindi niya mapatunayan na alam na nila ang tungkol dito mula pa noong 1999.

Inamin din ni Erwin na walang miyembro ng pamilya ang dumalo sa kasalang sibil na naganap sa ibang probinsiya. Ang kasong isinampa noong 2021 ay nanatiling nasa loob ng 15-taong legal na limitasyon kung kailan pwede pa magsampa ng kaso (prescriptive period).

Basahin ang press release sa https://tinyurl.com/ynu8t7jr.

Basahin ang Desisyon sa https://tinyurl.com/4u5bnvjy.

Basahin ang Hiwalay na Sumasang-ayon na Opinyon ni Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa sa https://tinyurl.com/5n7ksdk7.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


Address

193-A 29th Avenue, J. P Rizal. Extn. , East Rembo, Taguig City
Taguig

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bacsain Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share