Atty. Chris Ronnel C. Catubao, CPA

Atty. Chris Ronnel C. Catubao, CPA Certified Public Accountant,
Lawyer,
Notary Public,
Legal Consultant,
Part-Time Commercial Law Instructor

Parehas pala kami ng gustong pag-alayan ng tagumpay pero hanggang ngayon hindi pa ko pinapalad na makapasok sa PAO... Pa...
09/01/2026

Parehas pala kami ng gustong pag-alayan ng tagumpay pero hanggang ngayon hindi pa ko pinapalad na makapasok sa PAO... Pang 250+ siguro ako sa pila huhuhahahaπŸ˜…

07/01/2026

LAW STUDENTS BE LIKE
NOW: Super Inspired at Motivated Mag-aral
NEXT WEEK: Super Inspired at Motivated magscroll sa FB/Tiktok at manood sa Netflix 🀣

15/12/2024
β€œThe purpose of life is to be defeated by greater and greater things. Kung hindi ka natatalo, hindi ka na gumagalaw.  Do...
12/12/2024

β€œThe purpose of life is to be defeated by greater and greater things. Kung hindi ka natatalo, hindi ka na gumagalaw. Do you fight or do you quit?” - Justice Hernandez, Bar Boys 2017 movie
To those who chose to fight and planted seeds of sacrifice, tomorrow is the day of your harvest…!

Good luck future lawyers..!!!
27/11/2024

Good luck future lawyers..!!!

The Office of the Chairperson has issued a Notice announcing that the results of the 2024 Bar Examinations will be released on December 13, 2024 at the courtyard of the Supreme Court (SC) Main Building.

The results will be displayed on LED walls inside the SC courtyard and uploaded to the SC website and official social media pages (X/Twitter, Threads, Facebook, and Instagram). The YouTube and Facebook livestream links and QR codes of the results will also be shared through the SC's official communication channels.

READ the Notice in full at: https://sc.judiciary.gov.ph/2024-bar-examinations-result/




Chris Ronnel Cabrito CatubaoAlathea Rosario Catubao
30/09/2024

Chris Ronnel Cabrito Catubao
Alathea Rosario Catubao

PAO ADVISORY
September 30, 2024

Alinsunod sa Art. 7, par. 5, Chapter II ng 2021 Revised PAO Operations Manual, mahigpit na ipinagbabawal sa mga Public Attorneys at iba pang kawani ng PAO ang pagbibigay ng legal services sa mga politikong kandidato o sinumang indibidwal kaugnay ng mga usaping pang-eleksyon.

Dahil dito, HINDI maaaring i-notaryo ng isang PAO lawyer ang mga Certificates of Candidacy (COC) ng mga kandidato, mga authorization letter, o Special Power of Attorney (SPA) para sa paghahain ng COC, at iba pang dokumentong may kaugnayan sa darating na
2025 National and Local Elections (NLE).

Ang paghahain ng COC para sa 2025 midterm elections ay itinakda ng Comelec mula October 1 hanggang October 8, 2024.

Ang PAO ay isang non-political at non-partisan na ahensya ng pamahalaan. # # #


πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ¦œπŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­πŸŒŸπŸŒˆπŸ¦‹πŸ¦œ
'sOffice





πŸ₯°πŸ¦œπŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­πŸ¦‹πŸ˜‡πŸ™

27/09/2024

SC: Pang-iinsulto at Masamang Pakikitungo sa Empleyado Maaring Ituring na Constructive Dismissal

Maaaring ituring na constructive illegal dismissal ang pagbitiw ng isang empleyado dahil sa demotion o pagbaba sa ranggo, pang-iinsulto, masamang pakikitungo, at kawalan ng malasakit ng employer.

Ito ang naging Desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng isang empleyado na napilitang mag-resign dala ng hostile work environment.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier, sinabi ng Korte Suprema na ang mga kilos ng employer na nagpapakita ng labis na pagkayamot sa empleyado tulad ng demotion, nakakainsultong pananalita, at kawalan ng malasakit o pakialam ay maituturing na constructive illegal dismissal kapag hindi na nakayanan ng empleyado ang kanyang kalagayan at napilitang magbitiw sa pwesto.

Ang pamantayan para malaman kung merong constructive dismissal ay kung ang isang makatuwirang empleyado ay mapipilitang iwanan ang kanyang trabaho dahil sa kanyang kalagayan.

Bagamat sinabi ng Korte Suprema na hindi talaga maiiwasang may mga matitinding salita na maaaring bitawan sa trabaho dahil sa hindi pagkakaunawaan, hindi ito dapat nakasisira sa dignidad ng mga empleyado.

Basahin ang buong press release: https://sc.judiciary.gov.ph/sc-employers-insulting-words-hostile-behavior-toward-an-employee-constitute-constructive-dismissal/

Basahin ang buong kaso: https://sc.judiciary.gov.ph/254465-jonathan-dy-chua-bartolome-vs-toyota-quezon-avenue-inc-lincoln-t-lim-esteban-dela-paz-jr-josefina-de-jesus-and-pauline-bacaling/



25/09/2024

SC: Maaaring kilalanin sa Pilipinas ang divorce kahit hindi dumaan sa korte sa ibang bansa

Hindi kinakailangang dumaan sa korte ang divorce sa ibang bansa para mabigyan ng bisa sa Pilipinas.

Ito ang naging Desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng isang Pilipina na nakakuha ng divorce sa Japan mula sa kanyang asawang Hapon sa pamamagitan ng isang kasunduan.

Para kilalanin sa Pilipinas ang kanyang divorce, naghain siya sa Regional Trial Court (RTC) ng petition for judicial recognition of foreign divorce na ipinagkaloob ng RTC. Kinwestiyon ito sa Korte Suprema ng Office of the Solicitor General.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Japar B. Dimaampao, maaaring kilalanin ang divorce sa ibang bansa basta ito ay tanggap sa batas ng bansang nagkaloob nito, maging ito man ay dumaan sa judicial o administrative proceeding, o sa pamamagitan ng kasunduan ng mag-asawa.

Sa ilalim ng Article 26(2) ng Family Code, ang mga Pilipinong dating kasal sa dayuhan ay maaaring humiling sa mga korte ng Pilipinas na kilalanin ang divorce na wasto nitong nakuha sa ibang bansa, para maiwasan ang sitwasyon na pwede na mag-asawa ang dayuhan sa ibang bansa pero bawal pa rin mag-asawang muli ang Pilipino sa Pilipinas.

Pero ibinalik ng Korte Suprema sa RTC ang kaso para mabigyan ng pagkakataon ang Pilipina na patunayan ang batas ng Japan.

Basahin ang buong press release: https://sc.judiciary.gov.ph/sc-recognition-of-divorce-not-limited-to-those-decreed-by-foreign-courts/

Basahin ang buong kaso: https://sc.judiciary.gov.ph/249238-republic-of-the-philippines-vs-ruby-cuevas-ng-a-k-a-ruby-ng-sono/



25/09/2024

SC: Bukod sa Lemon Law, Pwedeng Maghabla Sa Ilalim ng Ibang Batas ang mga Nakabili ng Depektibong Bagong Sasakyan

Hindi lamang Lemon Law ang pwedeng maging remedyo sa ilalim ng batas ng mga nakabili ng depektibong bagong sasakyan.

Ito ang naging Desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng isang konsyumer na humiling sa Toyota Balintawak, Inc. na palitan ang kanyang bagong biling sasakyan matapos madiskubre na may depekto ito. Ngunit tinanggihan sya ng Toyota dahil ayon sa Republic Act No. 10642 o ang Philippine Lemon Law (Lemon Law), maaaring ayusin muna ng Toyota nang hanggang apat na beses ang sasakyan bago ito palitan.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Antonio Kho, Jr., sinabi ng Korte Suprema na hindi limitado sa Lemon Law ang legal remedies ng mga mamimili ng bagong sasakyan.

Maaari ring gamitin ng mga konsyumer ang Consumer Act, na nagbibigay sa supplier ng 30 araw para maisaayos ang depektibong produkto.

Ang mga mamimili ng depektibong bagong sasakyan ay may karapatang ipatupad ang kanilang mga karapatan sa ilalim ng anumang umiiral na batas.

Basahin ang buong press release: https://sc.judiciary.gov.ph/sc-lemon-law-not-exclusive-remedy-for-defective-brand-new-vehicles/

Basahin ang buong kaso: https://sc.judiciary.gov.ph/254978-79-department-of-trade-and-industry-vs-toyota-balintawak-inc-and-toyota-motor-phils-corp/



14/09/2024

One more day. One more battle for our ESSU Barristers.

As you face this final challenge, know that we are with you every step of the way. Your strength and determination inspire us all.

Sirak, ESSU! πŸ¦…

Address

Sulse Street, Brgy. 5 Poblacion
Taft
6816

Opening Hours

Monday 5:30pm - 9pm
Tuesday 5:30pm - 9pm
Wednesday 5:30pm - 9:30pm
Thursday 5:30pm - 9pm
Friday 5:30pm - 9pm
Saturday 8am - 6pm
Sunday 8am - 6pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Atty. Chris Ronnel C. Catubao, CPA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category