Divine healer Ng Nueva ecija

Divine healer Ng Nueva ecija Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Divine healer Ng Nueva ecija, Legal, Santa Rosa Nueva ecija, Santa Rosa.

28/11/2024

Chapter 12 Past memories

After ng duty ko ay nag punta muna ako sa supermarket sabi kasi ng taga luto ko wala na daw ako stock ng s**a toyo at iba pa si ethan mismo nag sulat nag mga bibilihin ko at sa dami nito hindi ko alam ano lulutoin niya magaling ako sa trabaho ko pero wala ako alam sa kusina alam ko lang prito ng hotdog at mag stock ng mga ready to eat pero now may cook ako multo medyo na less na pag kain ko sa ganun madalas kasi naka luto na si ethan at mas masarap pa sa mga kinakain ko before nah cr muna ako bago ako dumarecho sa bilihan ng bigla nag patay sindi naman un ilaw " mukang may multo" yan lang nasabi ko sa sarili ko at pag bukas ng pinto tama nga hula ko may isang babae bugbog sarado wala siya panibaba mukang ni r**e yun multo at ang kinamatay niya ay un tama niya sa ulo hinampas siya ng martilio at 10 lalake ang gumahasa sa kanya at un isang suspek dito nag tatrabaho..after un bigla nawala yun multo pero teka ano yun bakit nakita ko yun nannyari sa kanya

" sam ok ka lang"

" ethan un multo kanina ma r**e siya at huminge siya ng tulong dahil yun isa sa nanr**e sa kanya nandito sa mall"

" nakausap mo siya "

" hindi pero nakita ko ang nakraan niya ano kinamatay niya saka buhay niya noon kinamatay niya un hinampas siya ng martilio sa ulo"

" nakakakita ka ng past "

" ewan now lang to nanyari sa akin eh kaya pati ako nabigla meron pala ako hindi alam gawin"

" kaya dapat pag aralan mo maiigi ang sarili mo malay mo una kapa makaalala keysa makabalik ako sa katawan ko"

"pero ethan kilala ko yun lalake sinasabi niya "

" tara hanapin natin"

" need ko pa ba gawin un ethan "

" oo naman kaya nga sila lumalapit sayo kasi ikaw lang makakaunawa sa knila pero piliin mo parin un tutulongan mo dahil ang iba multo jan bibitagin ka lang nila"

" ok sige sige "

lumabas na ako ng cr habang nag lalakad ako tinitinginan ko bawat tao baka kasi nandito pa un suspek at nakita ko un babae multo malapit sa casher at tinuro niya un isa sa mga lalake humalay sa kanya nag try ako kausapin un multo sa isipan ko at laki gulat ko na nagawa ko siya kausapin sinabi niya sa akin buong name niya saka name ng lalake suspek agad ako tumawag ng pulis at sinabi ang nalalaman ko mya mya bigla hinarang un lalake nakita at dinampot na siya ng mga pulis un babae nakita ko dugoan at halos hind makilala bigla siya nag palit anyo un itchura niya un nabubuhay pa siya at sabay un pag sama niya sa liwanag.. namanhanga ako sa nakita ko pero nagulat ako sa ginagawa ni ethan

" abang multo to gingawa mo jan"

" kelan kaya ako makakainom ng alak"

" nako naman pag nagising kana mag wawala ka hangat kaya mo"

" gusto kuna sila tikman"

" halika na nga sa loob nyemas na multo akala mo bata eh"

" alakkkkkkkk!!!!!!"

kumuha na ako ng push cart at nag start na mag hanap ng mga bibilihin namin naka simangot si ethan dahil sa alak parang siya bata hindi bingyan ng candy habang namimili kami ng may bigla ako nakita na mag ina may kasama siya baby siguro mga nasa 6months un bata karga niya to at pinatatahanan kaka iyak ng bigla kumirot ng ulo ko may bigla alala ako na alalala

---FLASHBACK MEMORIES 2.0----

" tahanan na angie shhhh kunti tiis nalang malapit na tayo bumababa makikita muna ang kapatid mo "

" anak gutom kaba ha kawawa naman ang baby ko"

" dios ko ano to bakit sumabog yun barko hindi pwd to ang anak ko ang anak ko "

" patawarin mo ako anak kung sa pag laki mo hindi muna ako kilala pero iiwan ko sayo ang magiging porteksyon mo anak pag laki mo sana maunawan mo lahat"

----- END OF FLASHBACK-----

teka ano un alala ko ba yun may barko sa panaginip ko angie tawag niya sa akin pero hindi ko makita ng buo ang muka niya hindi malinaw sa akin

" sam namutla ka oii ok ka lang ba sam "

" sam hoy !!! baka may makakita sayo iba tao ano isipin sam"

napatingin ako kay ethan na nanlalaki ang mga mata ano ba to alala na un pilit ko inisip para makita ko ang muka ng babae pero malabo talaga sino ba siya gusto kuna malala lahat naphinto ako sa pag iisip ng makita ang muka ni ethan na takot na takot bumalik ako sa wisto ko na halos nag alala na si ethan napaupo ako sa tabi ng bilihan ng sabon nanhina kasi mga tuhod ko at nanlambot buong katawan ko bakit bigla bigla na ako nakakalala saka ano pan yayari un may usok tapos parang nag tatakbohan mga tao..

" sam please are ok "

" amm ettthhhan immmmm ok"

" anyari ba may masakit ba sayo everything tell me"

" wala may bumalik lang sa alala ko"

" tara na umuwi na tayo baka ano pa isipin ng mga tao sayo "

Nag bayad na kami ng pinamili namin at agad ako nag book ng grab medyo nanhina ako at hindi ko prin mapaliwanag un nararamdaman ko parang ako takot na takot na hindi ko malaman saan ako na tatakot pag baba ko ng kotse ay agad ako nag punta sa condo unit ko pero laki gulat ko ng makita ko sa loob si kuya oscar

" than ok ka lang bakit bigla ka na mutla "

" ahh wala to kuya ok lang ako nahilo lang ako mainit kasi sa labas eh "

" ahh ganun ba kamusta kana sorry un bigla ako umalis ha may importante kasi ako text yun eh"

" ok lang kuya kumain kanaba teka mag luto lang ako"

" oo tapos na than teka may tanung ako sayo may kasama kaba dito ha?"

bigla naman ako kinabahan baka maramdaman niya si ethan ayaw ko may manyari kay ethan gusto ko pa siya mabuhay..

" ammm wala kuya ako lang nanndito"

" ahh ok medyo kasi nag iba ang aura ng bahay mo eh "

OSCAR POV ( HETO UN BEFORE UMUWI SI SAM SA BAHAY NIYA)

Nasaan kaya than at bakit wala siya pag pasok ko ng bahay niya iba aura naramdaman ko parang may nakabantay dito agad ako nag punta sa room niya para icheck un cross pero wala doon buti lagi na niya yun dala punta na sana ako sa kabinet niya ng bigla ako nakaraning ng pag bukas ng pintoan at nakita ko si sam namumutla tinanung ko siya kung bakit pero sabi niya mainit lang sa labas pakiramdam ko may tinatago siya sa akin hindi talaga magnda ang pakiramdam ko habang nag aayus siya ng pinamili niya agad ako nag punta sa sala niya umupo at pinag mamasdan siya gumamit ako ng dasal para makita ang katauhan niya kung may nalalaman na siya ng bigla tumunog ang phone niya ng lumabas siya para kausapin may naramdaman ako multo sa bahay niya na pakiradam ko may kasama si sam pero ayaw niya sabihin sa akin kung sino to kumuha ako ng kandila at orasyon ako pero pag dilat ko wala ako nakita nangagalaiti ako kung sino man yan pinag lalaroan niya ang katulad ko makita lang kita ikukulong kita hanggang mammatay ka!!!!!

-----END OSCAR POV----

" Im sorry kuya ha may call eh"

" hindi ok lang o siya hindi muna ako mag tatagal dito"

" aalis ka ulit kain ka muna"

" next time na sam bawi si kuya sayo ha"

" ok kuya iingat ka palagi"

" un cross ha tama yan lagi mo dala ha huwag mo hihiwalay yan sayo ok"

" yes kuya"

pero ang totoo hindi ko dala palagi un sinasabi ni kuya sa akin na dapat lagi ko un dala pero ilan araw kuna hindi ko nilalagay un sa unan ko napaka dami alala kuna nalala..

" hay sawakas wala na un baliw"

" hoy ethan makasalita ka ng baliw ha"

" muntik na ako kanina sam naramdaman niya ako buti nalang un batang lalake dumikit sa akin kanina kaya hindi niya ako naramdaman"

" bakit ano ginawa ni kuya"

" nag oorasyon siya ng dasal tinitingin niya kung may kasama ka multo dito or ano makapag paalala sayo"

" so may alam si kuya bakit wala ako alala"

" oo sam at sa palagay ko un cross na bigay niya un ang nag kontrol para makalala ka kaya tama lang ilayo mo un sayo"

" buti nalang wala idea si kuya nasa box lang un at hindi ko lagi dala"

" kaya dapat ka mag ingat tama lang na tayo lang dalawa nakakalam sa mga alala mo "

" mas lalo tuloy gusto ko malaman ano ako dahil sa mga nanyayari"









"Note: This content may contain mature themes. Parental guidance recommended."

28/11/2024

𝐆𝐀𝐘𝐔𝐌𝐀
sa panulat ni Anna Marie B. Garcia
dibuho ni Geremie C. Dimaano

Kilala ang aming bayan sa diumano’y paggamit ng itim na mahika. Para sa iba ay isa lamang itong haka-haka. Maaari din namang ayaw lamang nilang maniwala. Ngunit bilang isang dalaga na ang pamilya ay tubo sa lugar na iyon ay alam ko ang totoo. Nakita ng aking dalawang mata ang katotohanan.

Malalaki ang mga bahay sa aming baryo. Parang mansyon, alam mong mayroong henerasyon ng yaman. Sa kabila ng ganda ay may bitbit na bigat ang presensya ng mga ito. Tuwing nadadaanan ko ito sa umaga ay sinusubukan kong silipin ang loob kung mayroong tao. Mga batang may kutis porselana na may nilalarong manika lamang ang aking nakikita; nang isang beses ay nginitian pa nila ako. Nakapagtataka dahil ni isang anino ng kanilang magulang ay wala.

Ngunit isang gabi ay nakita ko sila. Bago pa lamang lumubog ang araw ay halos wala na laging tao sa bawat daan. Nang minsang ginabi ako pauwi galing sa paaralan ay nakita ko ang mga naka-itim na lalaking papasok sa kanilang bahay; bawat isa ay may bitbit na itim na kahon. Sa loob ay puno ng mga puting kandilang may sindi na siyang nagbibigay-liwanag sa buong bahay. Sa isang mahabang lamesa ay nakita kong umupo silang lahat. Kumuha ang babae ng kutsilyo at bago ko pa makita ang mga susunod na pangyayari ay sabay-sabay silang lumingon sa gawi ko. Tumindig ang aking mga balahibo at napatakbo ako palayo.

Halos hindi ako makatulog ng gabing yaon. Naaalala ko ang kanilang mga matang wala ni kahit anong emosyon. Sa kabila ng mga kababalaghan ay napanatag ako sa ideyang hindi kasama ang pamilya ko sa ganoong tradisyon— normal na pamilya lamang kami.

Ngunit nagbago ang lahat, isang hatinggabi nang nagising ako mula sa pagkakatulog. Madilim ang buong bahay. Papunta pa lamang ako sa kusina upang kumuha ng maiinom nang makita ko ang aking ina na kakaiba ang ikinikilos. Napako ako sa aking kinatatayuan nang mapagtantong ang dala-dala niya ay tatlong itim na kahon. Bawat paghakbang niya ay marahan na para bang gusto niya itong isekreto.

‘Kabilang nga ba kami sa kanila’ o ‘isa lamang kami sa mga biktima?’ Sinundan ko siya kahit puno ng takot at tanong ang aking isipan. Tumungo siya sa kuwarto na sinabi niya noon na kahit anong mangyari ay huwag na huwag kong pupuntahan. Madilim sa loob. Nakita ko ang dalawang kandila sa mahabang lamesa; ipinatong niya roon ang tatlong kahon. Kumuha siya ng isang matulis na bagay. Nakita ko sa anino na bahagya niyang sinaksak ang mga kahon at inilabas ang maliliit na mga manika, maraming ngipin at may mga sungay.

Sinimulan niyang kausapin ang mga ito. Bago pa tuluyang matapos ang kung anumang orasyon ay agad akong lumapit sa kaniya.

Nakita ko ang tatlong kahon ng mga labubu. Nagayuma na nga yata ang aking ina.

likhang pubmat ni Renzo Magtibay



27/11/2024

KATAW4N NI MERCY SUNOT IUUWI NA SA PILIPINAS | AEGIS BAND EMOSYONAL, NAIYAK SILA?.....makita pa

27/11/2024

Sa MGA NAIS magpa gamot tawas basbas pm lang libre lang Po

27/11/2024

pa follow Po Ng aking fb page

27/11/2024

Napanood nyo na ba to? Kung hindi pa panoorin mo na!

Yung akala mo yun na hindi pa pala. Yung twist in every twist. Yung back story ng bawat character ay mi maaaliw ka. Nagustuhan ko at baka magustuhan mo din.

Movie Title: A Place Called Silence

24/08/2024

Pa follow po ako

24/08/2024

Kung kayo ay may Tanong bisitahin ang aking group or page na ito tungkol sa bibliya

Address

Santa Rosa Nueva Ecija
Santa Rosa

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Divine healer Ng Nueva ecija posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category