Alas-as Law Office

Alas-as Law Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Alas-as Law Office, Legal, M Building Rizal Street Barangay Poblacion San Juan Batangas, San Juan.

ALASโ€‘AS Law Office offers inโ€‘person and online consultations, courtroom and mediation representation, corporate and labor counsel, contract drafting and review, retainership, and notarization.

TANDAAN!Ang post na ito ay general information lamang tungkol sa Annulment at Legal Separation hindi ito kumpleto at lal...
21/01/2026

TANDAAN!

Ang post na ito ay general information lamang tungkol sa Annulment at Legal Separation hindi ito kumpleto at lalot higit ay hindi maaring maging agarang batayan o sagot sa iyong legal concern. Mas mabuti pa rin ang pag sangguni sa iyong abogado o di kaya ay sa mga ahensya ng ating gobyerno na sumasaklaw sa ganitong uri ng paksa.

Office Advisory | ALAS-AS Law OfficeHappy New Year! ๐ŸŽ‰Please be advised that our office will be closed from January 1 to ...
02/01/2026

Office Advisory | ALAS-AS Law Office

Happy New Year! ๐ŸŽ‰

Please be advised that our office will be closed from January 1 to 7, 2026.
Regular office operations will resume on January 8, 2026.

Thank you for your understanding, and we wish everyone a blessed and prosperous New Year! โœจโš–๏ธ

03/11/2025
โš–๏ธ Long Weekend Advisory โš–๏ธPlease be guided by our office schedule for the upcoming holidays:๐Ÿ—“ Oct 31 (Fri) โ€“ OPEN (Regu...
30/10/2025

โš–๏ธ Long Weekend Advisory โš–๏ธ

Please be guided by our office schedule for the upcoming holidays:
๐Ÿ—“ Oct 31 (Fri) โ€“ OPEN (Regular Office Hours)
๐Ÿ•Š Nov 1 (Sat) โ€“ CLOSED (All Saintsโ€™ Day)
๐Ÿ•ฏ Nov 2 (Sun) โ€“ CLOSED (All Soulsโ€™ Day)
๐Ÿ› Nov 3 (Mon) โ€“ OPEN (Regular Office Hours)

Have a meaningful and safe observance of the holidays. โ€” From your ALAS-AS Law Office family ๐Ÿค

๐ŸŽ‰ Happy Birthday, Atty. Tina! ๐ŸŽ‰From all of us at Alas-As Law Office, weโ€™re sending our warmest wishes on your special da...
15/09/2025

๐ŸŽ‰ Happy Birthday, Atty. Tina! ๐ŸŽ‰

From all of us at Alas-As Law Office, weโ€™re sending our warmest wishes on your special day! ๐Ÿฅณ

Your dedication, integrity, and passion for justice inspire us every day. May this year bring you even greater success, happiness, and blessings both inside and outside the courtroom. โš–๏ธ๐Ÿ’ผ

๐Ÿ’›Your ALO Family

โš–๏ธ Office Advisory โš–๏ธPlease be informed that the Alas-As Law Office will be closed on the following dates:๐Ÿ“Œ AUG 22 โ€“ Clo...
22/08/2025

โš–๏ธ Office Advisory โš–๏ธ

Please be informed that the Alas-As Law Office will be closed on the following dates:

๐Ÿ“Œ AUG 22 โ€“ Closed (Official Business)
๐Ÿ“Œ AUG 23 โ€“ Closed (Weekend Dayoff)
๐Ÿ“Œ AUG 24 โ€“ Closed (Weekend Dayoff)
๐Ÿ“Œ AUG 25 โ€“ Closed (Holiday)

Weโ€™ll be back to serve you on Tuesday, AUG 26, 2025.
Thank you for your kind understanding. Wishing everyone a restful and meaningful long weekend. ๐ŸŒฟ

TANDAAN!Ang post na ito ay general information lamang tungkol sa VAWC, hindi ito kumpleto at lalot higit ay hindi maarin...
24/07/2025

TANDAAN!

Ang post na ito ay general information lamang tungkol sa VAWC, hindi ito kumpleto at lalot higit ay hindi maaring maging agarang batayan ng iyong legal concern. Mas mabuti pa rin ang pag sangguni sa iyong abogado o di kaya ay sa mga ahensya ng ating gobyerno na sumasaklaw sa ganitong uri ng paksa gaya ng DSWD o sa Womens Desk ng ating barangay o kapulisan.

In observance of the celebration of Mabini Day, our office will be closed today (July 23 2025) See you on Thursday! Stay...
23/07/2025

In observance of the celebration of Mabini Day, our office will be closed today (July 23 2025)

See you on Thursday! Stay dry!

Magandang Araw! Narito ang ilan sa dapat mong malaman kung nangangailangan ka o nais magpagawa ng Affidavit of Loss. Tan...
18/07/2025

Magandang Araw!

Narito ang ilan sa dapat mong malaman kung nangangailangan ka o nais magpagawa ng Affidavit of Loss. Tandaan! Ang mga ito ay payo lamang, mas mainam pa din na bumisita at magtanong sa iyong notaryo publiko o sa ahensya o opisina kung saan gagamitin ang iyong Affidavit of Loss.

03/07/2025

Nagpasya ang na ang isang kasunduan sa pagbebenta ng lupa ay may bisa kahit hindi nakasulat kung ito ay bahagya o ganap nang naipatupad.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Samuel H. Gaerlan, kinatigan ng Third Division ng Korte ang berbal na pagbebenta ng lupa sa pagitan nina Marcos Batara (Batara) at ng kanyang pamangkin na si Benedicto Ocampo (Ocampo). Bagamat walang nakasulat na kontrata, sinabi ng Korte na may bisa ang pagbebenta dahil natanggap na ni Ocampo ang titulo ng lupa, nakalipat na siya sa ari-arian, at nagtanim ng mga pananim dito.

Nakarehistro ang lupa sa pangalan ni Batara na namatay noong 1974. Nalaman lang ng kanyang mga anak na sina Noblesa at Ernesto ang tungkol sa ari-arian noong 2007. Nakatanggap sila ng notice na magbayad ng hindi pa nababayarang buwis sa real estate at nalaman din na doon nakatira ang kanilang pinsan na si Ocampo.

Sina Noblesa at Ernesto ay nagsampa ng kaso para bawiin ang lupain mula kay Ocampo at sinabing sila ang mga nararapat na tagapagmana.

Sinabi ni Ocampo na binili niya ang lupa kay Batara noong buhay pa siya. Nang namatay si Batara, patuloy na nagbabayad si Ocampo ng hulugan kay Marcelo, kapatid ni Batara at tagapag-alaga ni Noblesa.

Inamin ni Ocampo na ang pagbebenta ay hindi napatunayan ng anumang nakasulat na dokumento dahil namatay si Batara bago pa nila maisagawa ang mga kinakailangan. Pero iprinisenta ni Ocampo ang kopya ng titulo ng lupa ng may-ari bilang patunay na sinasabing ibinigay ito ni Batara sa kanya pagkatapos ng unang pagbabayad noong 1972.

Nagdesisyon pabor kina Noblesa at Ernesto ang Regional Trial Court (RTC) at Court of Appeals (CA) na nagsabing mas may karapatan sila sa ari-arian dahil nakarehistro ito sa pangalan ng kanilang ama. Dagdag pa rito, walang sapat na patunay ng pagbebenta maliban sa mga pahayag ni Ocampo.

Binaliktad ng Korte Suprema ang desisyon ng RTC at CA.

Sa ilalim ng Civil Code, ang pagbebenta ng lupa ay dapat na nakasulat para maipatupad ito sa korte. Ang nakasulat na dokumentong ito ay nagsisilbing patunay na ang magkabilang partido ay sumang-ayon sa pagbebenta. Pero ang pagbebenta ay itinuturing na may bisa pa rin kahit na walang nakasulat na kontrata kung ito ay ganap na o bahagyang naisakatuparan na. Sa ganitong mga kaso, ang isang berbal na kasunduan ay maaari pa ring magkaroon ng legal na bisa, at ang mga saksi ay maaaring payagang tumestigo upang patunayan na nangyari ang bentahan.

Dagdag pa ng Korte, ang pag-aari ng lupa at pagpapagawa ng mga pagbabago ay matibay na senyales na nagkaroon na ng verbal sale. Kaya ang mga mamimili na nakatira na sa ari-arian ay maaaring gamitin ang kasunduang berbal bilang legal na batayan sa kanilang pagmamay-ari kahit na walang nakasulat na kontrata.

Sa kasong ito, ang pagbebenta ay bahagyang naipatupad dahil bahagyang binayaran ni Ocampo ang lupa, lumipat siya rito, natanggap niya rin ang titulo ng lupa, at nagbayad din ng amilyar. May patunay na may bentahan base sa mga testimonya ni Ocampo at ng kanyang mga testigo.

Pero sinabi ng Korte na hindi si Marcelo ang awtorisadong tumanggap ng bayad sa ngalan ng mga tagapagmana ng kanyang kapatid. Kaya kahit nananatiling wasto at may bisa ang pagbebenta, kailangang bayaran ni Ocampo ang natitirang balanse ng presyo ng pagbili na may kasamang interes kina Noblesa at Ernesto.

Basahin ang press release sa https://tinyurl.com/yeapyzcd.

Basahin ang Desisyon sa https://tinyurl.com/msxr7hsd.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


03/07/2025

Nagpasya ang na sa ilalim ng lumang batas, hindi magiging mas mabigat ang parusa kapag ang isang bata ay ginahasa ng kamag-anak ng nag-ampon sa kanya.

Pero ang mga batas sa pag-aampon na ipinatupad pagkatapos nangyari ang krimen sa kasong ito ay kinikilala na ang relasyon sa pagitan ng isang adoptee at kanilang mga adoptive na kamag-anak at maaaring magpabigat sa parusa sa krimen.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Japar B. Dimaampao, napatunayan ng Third Division ng Korte na guilty ang isang lalaki sa panggagahasa sa 10-taong-gulang na kinupkop ng kanyang kapatid na babae. Sinabi ng Korte na ang akusado ay guilty sa statutory r**e sa halip na qualified r**e kaya hindi pwedeng patawan ng mas mabigat na parusa sa pamamagitan ng qualifying circumstance of relationship.

Noong Nobyembre 2012, natutulog ang biktima nang siya ay gisingin at pagsamantalahan ng kapatid na lalake ng babaeng umampon sa kanya. Naisumbong lang ng biktima ang ginawang panghahalay sa kanya makalipas ang isang taon. Kasama ng kanyang adoptive parents, sumailalim siya sa medical examination at ini-report sa pulisya ang insidente.

Hinatulan ng Regional Trial Court (RTC) ang akusado ng qualified r**e at isinasaalang-alang nito na menor de edad ang biktima at itinuring ang akusado na kamag-anak. Kinatigan ito ng Court of Appeals (CA).

Pinagtibay ng Korte Suprema ang hatol na guilty ng CA at RTC pero idineklara nito na ang akusado ay guilty sa statutory r**e at hindi qualified r**e.

Sa ilalim ng Revised Penal Code, ang statutory r**e ay ginagawa kapag ang isang lalaki ay nakipagtalik sa isang batang babae na wala pang 12 taong gulang (ngayon, wala pang 16 taong gulang), kahit na walang puwersa, pagbabanta, o pananakot. Sa kabilang banda, qualified ang kasong r**e o ang pinakamabigat na parusa ay ipinapataw, kapag ang biktima ay wala pang 18 taong gulang at ang nagkasala ay kamag-anak sa dugo o affinity within the third civil degree.

Nilinaw ng Korte na noong nangyari ang panggagahasa, hindi pa itinuturing na kamag-anak ng isang bata ang mga kamag-anak ng adoptive parents, ayon sa mga umiiral na batas sa pag-aampon.

Bagamat pinalawak ng Republic Act No. 11642 o Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act ang relasyon o ugnayan para isama ang mga magulang ng adopter, mga lehitimong kapatid at descendants, taong 2022 lang ito naisabatas at hindi mailalapat sa kasong ito dahil ang krimen ay nangyari noong 2012.

Para sabihing guilty ang akusado sa qualified r**e ay lalabag sa constitutional prohibition laban sa mga ex post facto law o mga batas na nagpapabigat ng parusa pagkatapos magawa ang krimen.

Sa halip, ang akusado ay pinatawan ng parusang pagkabilanggo ng maximum na 40 taon at inutusang bayaran ang biktima ng PHP 225,000 bilang danyos.

Basahin ang buong press release sa https://tinyurl.com/4hamb98v.

Basahin ang buong Desisyon sa https://tinyurl.com/bdf27e5v.

Basahin ang Concurring Opinion ni Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa sa https://tinyurl.com/764n9pp5.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


03/07/2025

Nagpasya ang na ang isang acknowledgment receipt ay hindi maituturing na kontrata ng pagbebenta maliban kung malinaw na ipinapakita nito na may intensyon ang nagbebenta na ilipat ang pagmamay-ari ng ari-arian sa bumibili.

Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh, sinabi ng Third Division ng Korte na ang kasunduan sa pagitan nina Virgilio B. Chavez at iba pa (pamilya Chavez) at mag-asawang Joselito at Adriana Gopez (mag-asawang Gopez) ay isang kontrata para ibenta (contract to sell) at hindi isang kontrata ng pagbebenta (contract of sale).

Kasama sa kaso ang dalawang ari-arian na minana ng pamilya Chavez na napagkasunduan nilang ibenta sa mag-asawa sa halagang PHP 31.5 milyon. Kinailangang magbayad ang mag-asawa ng PHP 5 milyon bilang downpayment at ihanda ang mga kinakailangang dokumento, kabilang ang kontrata sa pagbebenta.

Unang nagbayad ang mag-asawang Gopez ng PHP 200,000 na may nakasulat sa acknowledgment receipt na mga katagang "earnest money." Ang resibo na ito ang tanging patunay ng kanilang kasunduan.

Nang maglaon, kinansela ng pamilya Chavez ang kasunduan dahil hindi nabayaran ng mag-asawang Gopez ang buong paunang bayad at naantala ang mga papeles. Sinabi rin nila na dahil malaki ang pagbabago sa draft contract to sell sa agreement terms at inalis ang PHP 5 milyon na downpayment, nanatili itong hindi napipirmahan.

Nagsampa ng kaso ang mag-asawa sa Regional Trial Court (RTC) para pilitin ang pamilya Chavez na ituloy ang pagbebenta dahil nakapagbayad na sila ng PHP 1.5 milyon at hindi nila kasalanan ang mga pagkaantala.

Ibinasura ng RTC ang kaso at sinabing ang mga partido ay pumasok sa isang contract to sell at hindi contract of sale. Dahil hindi buo ang downpayment, walang karapatan ang mag-asawang Gopez na hingin ang transfer of ownership.

Pero binaliktad ng Court of Appeals ang desisyon ng RTC at sinabing naglalaman ang acknowledgement receipt ng lahat ng elemento ng isang sale contract. Dagdag pa nito, hindi binanggit sa resibo na mananatili ang pagmamay-ari sa nagbebenta hanggang sa mabuo ang bayad.

Sinabi ng Korte Suprema na ang transaksyon ay isang contract to sell. Paliwanag ng Korte, hindi pa pumapayag ang nagbebenta na ilipat ang pagmamay-ari ng ari-arian sa pamamagitan ng nasabing kontrata. Nangangako lamang ang nagbebenta na tutuparin ang kanilang usapan na ibenta ang mga ari-arian at ilipat ang titulo sa bumibili pagkatapos mabuo ang bayad ng presyo ng pagbili. Kung hindi ito mangyayari, walang magiging obligasyon ang nagbenta at mapapanatili niya ang pagmamay-ari ng ari-arian.

Malinaw naman sa isang contract of sale na nagpapakita ng layunin ng nagbebenta na ilipat ang pagmamay-ari sa bumibili.

Sa kasong ito, hindi kasama sa acknowledgement receipt ang anumang pangako na ilipat ang pagmamay-ari. Ipinakita lamang nito na kailangan ng mag-asawa na matugunan ang mga kondisyon: ang pagbabayad ng presyo ng pagbili at paghahanda ng kontrata sa pagbebenta, deed of sale, at pag-areglo ng ari-arian.

Basahin ang press release sa https://tinyurl.com/3zfynpbc.

Basahin ang Desisyon sa https://tinyurl.com/4hvfm3ze.

Bashin ang Concurring Opinion ni Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa sa https://tinyurl.com/msysydyb.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


Address

M Building Rizal Street Barangay Poblacion San Juan Batangas
San Juan
4226

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 12pm

Telephone

+639567934116

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alas-as Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Alas-as Law Office:

Share