15/06/2026
Pwede naman daw PERO may mahigpit na kondisyon.
Ayon sa NPC Advisory Opinion No. 2022-009, puwedeng i-post ng employer ang pangalan ng dating empleyado at ang fact na hindi na sila konektado sa kumpanya, kung may legitimate reason ito, halimbawa, para maiwasan ang fraud o maling pagpapanggap sa clients.
PERO dapat sundin ang data minimization:
• Limitado lang sa kailangan (pangalan + “hindi na empleyado”)
• Walang dagdag na detalye
• Hindi dapat magmukhang pagkapahiya o “public shaming”
Kailangan din maipakita ng kumpanya na:
• May totoong at malinaw na dahilan ang pag-post
• Talagang kailangan itong i-public post (hindi sapat ang internal email o direct notice kung pwede naman iyon)
• Mas mahalaga ang interes ng kumpanya kaysa sa privacy ng dating empleyado
Kung may mas private na paraan para ma-achieve ang parehong goal (halimbawa, direct message sa clients), iyon ang dapat piliin.
Kapag sobra ang nilagay na impormasyon o naging defamatory ang dating, maaaring mag-file ng reklamo sa National Privacy Commission para ma-review kung may paglabag sa Data Privacy Act.
Source of pubmat and caption: National Privacy Commission page.