25/11/2025
USAPANG KATARUNGANG PAMBARANGAY
1. Q: "Attorney, mayroon po bang form o template para sa KASUNDUAN sa barangay?"
A: "Sa ilalim po ng 'KATARUNGANG PAMBARANGAY: A HANDBOOK' na isang proyekto ng DILG, mayroong Katarungang Pambarangay Form No. 16 para sa AMICABLE SETTLEMENT. Kailangan ang ano mang mapagkasunduan sa barangay maayos na naka-dokumento at mayroong attestation o pagpapatunay ng Punong Barangay o Pangkat Chairman. Makikita po ito sa ika-31 na pahina."
2. Q: "Ano pong mangyayari kung ang KASUNDUAN po ay handwritten o nakasulat lamang at officer of the day lamang po ang naka-pirma?"
A: "Ito po ay maaring hindi tanggapin sa Korte bilang ebidensiya dahil sa hindi nito pag-ayon (non-compliance) sa nakasaad sa Katarungang Pambarangay Law na nakapaloob sa Local Government Code."
(Section 411 of the Local Government Code provides: "Form of settlement. - All amicable settlements shall be in writing, in a language or dialect known to the parties, signed by them, and attested to by the lupon chairman or the pangkat chairman, as the case may be. When the parties to the dispute do not use the same language or dialect, the settlement shall be written in the language known to them.") #