ARSD Law Office - Atty Rey Sto. Domingo Jr.

ARSD Law Office - Atty Rey Sto. Domingo Jr. Offers trusted legal and consulting services, combining experience, careful analysis, and a client-focused approach to every matter we handle.

Probationary employee ka man o regular employee — may rights ka pa rin. ⚖️Employers still need a lawful reason to termin...
21/05/2026

Probationary employee ka man o regular employee — may rights ka pa rin. ⚖️

Employers still need a lawful reason to terminate a probationary employee. Hindi sapat ang “ayaw lang namin.” ❌

For legal inquiries, consultations, and assistance, just send a message to the ARSD Law Office page. We are here to provide reliable and responsive legal support. ⚖🫶

Nagpasya ang   na maituturing na constructive dismissal ang pagpapatupad ng bawas na araw sa pagtatrabaho at sistema ng ...
20/05/2026

Nagpasya ang na maituturing na constructive dismissal ang pagpapatupad ng bawas na araw sa pagtatrabaho at sistema ng rotasyon kung walang pagpayag mula sa mga manggagawa.
Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier, sinabi En Banc ng Korte Suprema na may pananagutan ang Fiber Textile Manufacturing Corp. (FMC), isang kumpanya ng pagawaan ng tela, sa constructive dismissal ng pito nitong manggagawa sa produksiyon. Ito ay matapos bawasan ng kumpanya ang kanilang anim na araw na workweek tungo sa dalawa hanggang tatlong araw na lamang at magpatupad ng plano para sa rotasyon sa trabaho nang walang pahintulot ng mga manggagawa. Giit ng FMC, sumang-ayon ang mga manggagawa sa pansamantalang sistema na ito sa isang pagpupulong ukol sa kakulangan ng mga raw material o hilaw na materyales.
Naghain ng reklamo para sa constructive dismissal ang mga manggagawa at iginiit na mistula silang tinanggal sa trabaho nang sabihan silang huwag nang bumalik sa trabaho.
Nagpasya ang Labor Arbiter pabor sa mga manggagawa pero binaliktad ito ng National Labor Relations Commission (NLRC) at ng Court of Appeals (CA) na kinatigan ang mga naging hakbang ng FMC bilang wastong paggamit ng management prerogative.
Hindi sumang-ayon ang Korte Suprema. Binigyang-diin nito na bagamat maaaring magpatupad ang mga employer ng mga flexible work arrangement sa panahon ng kagipitang pang-ekonomiya o mga national emergency, dapat sumunod ang mga kaayusang ito sa mga itinakda sa Department Advisory No. 2, Series of 2009 ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Paliwanag ng Korte Suprema, dapat munang konsultahin ng mga employer ang mga apektadong empleyado at makuha ang kusang-loob na suporta ng mayorya ng mga manggagawa. Dapat din ipagbigay-alam ng mga employer sa DOLE bago ipatupad ang kaayusan, at patunayan na ang kumpanya ay nakararanas ng tunay o makatwirang nagbabadyang kagipitang pang-ekonomiya.
Sa kasong ito, sinabi ng Korte Suprema na nabigo ang FMC na patunayan na kusang-loob na sumang-ayon ang mga manggagawa sa bawas na mga araw ng pagtatrabaho at sa sistema ng rotasyon. Nagpasya ang Korte na hindi katumbas ng pagkuha sa kanilang pahintulot ang simpleng pagpapatalastas o pagbibigay-alam sa mga empleyado ukol sa kaayusan.
Nabigo rin ang FMC na mag-abiso sa DOLE bago ang pagpapatupad nito at nabigong patunayan na ito ay nakararanas ng tunay o nagbabadyang kagipitang pang-ekonomiya na magbibigay-katwiran sa pagbabawas ng mga araw ng pagtatrabaho.
Binigyang-diin din ng Korte na bagamat maaaring magpatupad ang mga employer ng mga flexible work arrangement para maiwasan ang pagkalugi ng negosyo, ang mga naturang hakbang ay dapat gawin nang may good faith o mabuting intensiyon at may wastong pagpapahalaga sa mga karapatan ng mga manggagawa.
Ang ilegal na pagbabawas ng FMC sa mga araw ng pagtatrabaho ay maituturing na constructive dismissal dahil nagresulta ito sa pagbaba ng suweldo na naging hindi makatwiran para sa mga manggagawa ang pananatili sa trabaho.
Sa kanyang Sumasang-ayon na Opinyon, binigyang-diin ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen na ang kinakailangang mutual consent o pahintulot sa parehong panig sa mga flexible work arrangement ay nag-uugat sa consensual nature ng mga kontrata sa trabaho kung kaya’t hindi maaaring baguhin ng mga employer nang mag-isa ang mga iskedyul sa paraang magbabawas sa suweldo ng mga empleyado.
Sa kanyang Sumasang-ayon at Hindi Sumasang-ayon na Opinyon, sumang-ayon si Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa na nananatiling may pananagutan ang FMC sa constructive dismissal dahil sa kabiguan nitong patunayan na kusang-loob na sumang-ayon ang mga manggagawa sa bawas na araw ng pagtatrabaho at plano ng rotasyon. Gayunpaman, binigyang-diin niya na walang materyales ang FMC na magagamit sa loob ng ilang buwan na lubhang nakaapekto sa operasyon ng produksiyon. Dahil dito, isinaad niya na hinarap ng FMC ang isang makatwirang nagbabadyang kagipitang pang-ekonomiya na maaaring magbigay-katwiran sa pansamantalang pagpapatupad ng mga flexible work arrangement.
Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=166287
Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=166264
Basahin ang Sumasang-ayon na Opinyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=166269
Basahin ang Sumasang-ayon at Hindi Sumasang-ayon na Opinyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=166274
Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

19/05/2026

When you are serving the government, your full faithful service to the people is expected.
Whatever your position is, you are expected not to use it and will be used for the interest of your business, profession or position in private corporate.
People deserve the best! That's why in fulfilling one's duty, there should be no stain of "Conflict of Interest. ”
You can also read in this link the relevant Supreme Court decision on how the word “Conflict of Interest” was used:
https://elibrary.judiciary.gov.ph/theboo.../showdocs/1/67059

Nagpasya ang   na ang mga pananakot na di-berbal (non-verbal threatening gestures) ay maaaring ituring na grave threats ...
18/05/2026

Nagpasya ang na ang mga pananakot na di-berbal (non-verbal threatening gestures) ay maaaring ituring na grave threats sa ilalim ng Revised Penal Code (RPC) kung malinaw na may criminal intent o layuning gumawa ng krimen.
Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa, pinawalang-sala ng Ikatlong Dibisyon ng Korte si Gregory Israel sa kasong grave threats matapos mapag-alamang wala siyang layuning gumawa ng krimen sa kanyang pagkukunwaring babarilin at pupugutan ng ulo ang dalawang indibidwal.
Gayunman, nilinaw ng Korte na maaaring maisagawa ang krimeng grave threats sa pamamagitan ng di-berbal na kilos, at hindi lamang sa pamamagitan ng pasalita o nakasulat na pananakot.
Si Israel na nagpakilala bilang Belgian architect na pinahintulutang magsanay ng kanyang propesyon sa Pilipinas, ay kinuha ng mga Belgian business partner na sina Christine Helena Amanda Navez at Olivier Edmund Denonville para sa pagpapatayo ng kanilang gusali. Matapos tumanggi si Israel na ayusin ang mga depekto sa nasabing gusali, nagpasya ang mag-business partner na sina Navez at Denonville na ihabla siya para masingil sa danyos.
Bandang 2017, habang pauwi mula sa paliparan sina Navez at Denonville, ay muntik nilang makabanggaan ang motorsiklo ni Israel. Kalaunan, sinasabing gumawa si Israel ng dalawang malinaw na kilos ng pananakot: itinutok ang kanyang mga daliri sa ulo ni Navez na parang nagpapaputok ng baril, at iginalaw ang mga daliri sa kanyang leeg na tila nagbabanta ng pagpupugot sa kanyang ulo.
Nahatulan si Israel ng grave threats. Nang pagtibayin ng Court of Appeals ang kanyang hatol, umapela siya sa Korte Suprema at iginiit na wala siyang layuning kriminal nang gawin niya ang mga kilos, at hindi saklaw ng Article 282 ng Revised Penal Code (RPC) ang mga kilos na di-berbal (pure non-verbal gestures).
Pinawalang-sala ng Korte si Israel dahil hindi napatunayan ang layuning kriminal. Gayunman, hindi ito sumang-ayon sa kanyang isa pang argumento, at iginiit na ang mga di-berbal na kilos ay maaari ring ituring na grave threats.
Para maparusahan ang isang tao sa kasong grave threats, dalawang elemento ang hinihingi ng RPC: ang aktwal na pagbigkas o pagpapahayag ng banta, at ang layuning manakot o magdulot ng takot.
Pinagtibay ng Korte na ang Article 282 ng RPC ay hindi nagtatangi sa mga banta na ipinapahayag sa salita at sa mga ipinapakita sa pamamagitan ng di-berbal na mga kilos. Ang mahalaga ay ang paghahatid ng banta na may layuning manakot.
Bagaman binabanggit sa ikalawang talata ng probisyon na ang mga banta ay maaaring ihatid nang pasalita o sa pamamagitan ng sulat, hindi nito isinasantabi ang mga banta na ipinapahayag sa pamamagitan ng di-berbal na mga paraan. Kaya, ang mga banta ay maaaring berbal o di-berbal.
Basahin ang buong press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-non-verbal-gestures-may.../
Basahin ang buong Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/265736-gregory-israel-vs.../
Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/

Basahin ang buong press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-non-verbal-gestures-may-be-considered-grave-threats-under-rpc/

Basahin ang buong Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/265736-gregory-israel-vs-people-of-the-philippines/

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/

The   issued a Decision in Filipino, which aims to make justice closer to the citizens, more understanding and more focu...
15/05/2026

The issued a Decision in Filipino, which aims to make justice closer to the citizens, more understanding and more focused on public needs.
In the Decision on Velarde and Macasaet v. case Honorable Court of Appeals on Taxes written by Associate Justice Maria Filomena D. Singh, the Third Division Court has decided to set aside the petition filed by Mel V. Velarde and Angeline L. It's hard because it's already moot or the topic doesn't make sense.
The petition questioned the Court of Tax Appeals (CTA) hearings in connection with a criminal tax evasion case allegedly rooted in the deliberate declaration of a lower value of a property-related transaction (undervaluation of a property transaction).
The case became a moot when the Court of Tax Appeals granted petitioners a motion for reconsideration for denying it to their demurrer to evidence. That means, the criminal case has been completely set aside. Therefore, the Supreme Court ruled that there is no remaining actual controversy to be resolved and it is not one of the exceptions to the doctrine of mootness.
Using the Filipino language, the Supreme Court makes the citizens understand the reasoning of its decisions better. Easier understood by the public if it is written in Filipino, as one of the official languages of the country and widely understood language.
When the law is expressed in the language citizens use, it helps build public trust and make them feel part of the system. Above all, it fulfills the promise of the Constitutional Court that justice should be easily accessible and benefited by all.
Read the full press release at https://sc.judiciary.gov.ph/supreme-court-uses-filipino.../
Read the full Decision at https://sc.judiciary.gov.ph/210480-mel-v-velarde-at.../
Compliance with SC PIO's Credit Attribution Policy: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

Naglabas ang ng isang Desisyon sa wikang Filipino, na layong gawing mas malapit sa mga mamamayan, mas nauunawaan at mas nakatuon sa mga pangangailangan ng publiko ang katarungan.

Sa Desisyon sa kasong Velarde at Macasaet v. Kagagalang-Galang na Hukuman ng Pag-aapela sa Buwis na isinulat ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh, nagpasya ang Ikatlong Dibisyon ng Korte na isantabi ang petisyong inihain nina Mel V. Velarde at Angeline L. Macasaet dahil naging 𝘮𝘰𝘰𝘵 na o wala nang saysay ang usapin.

Kinuwestiyon sa petisyon ang mga naging pagdinig ng Hukuman ng Pag-aapela sa Buwis o Court of Tax Appeals (CTA) kaugnay ng kasong kriminal na 𝘵𝘢𝘹 𝘦𝘷𝘢𝘴𝘪𝘰𝘯 na nag-ugat umano sa sadyang pagdeklara ng mas mababang halaga ng transaksiyong may kinalaman sa ari-arian (𝘶𝘯𝘥𝘦𝘳𝘷𝘢𝘭𝘶𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘰𝘧 𝘢 𝘱𝘳𝘰𝘱𝘦𝘳𝘵𝘺 𝘵𝘳𝘢𝘯𝘴𝘢𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯).

Naging 𝘮𝘰𝘰𝘵 ang kaso nang pagbigyan ng Court of Tax Appeals ang 𝘮𝘰𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘧𝘰𝘳 𝘳𝘦𝘤𝘰𝘯𝘴𝘪𝘥𝘦𝘳𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 ng mga petisyoner sa pagtanggi nito sa kanilang 𝘥𝘦𝘮𝘶𝘳𝘳𝘦𝘳 𝘵𝘰 𝘦𝘷𝘪𝘥𝘦𝘯𝘤𝘦. Ibig sabihin, tuluyan nang isinantabi ang kasong kriminal. Dahil dito, nagpasya ang Korte Suprema na wala nang natitirang aktuwal na kontobersiyang kailangang resolbahin at hindi rin ito isa sa mga eksepsiyon sa doktrina ng 𝘮𝘰𝘰𝘵𝘯𝘦𝘴𝘴.

Sa paggamit ng wikang Filipino, mas naipapaintindi ng Korte Suprema sa mga mamamayan ang pangangatwiran sa mga desisyon nito. Mas madali kasing maintindihan ng publiko kung nakasulat ito sa wikang Filipino, bilang isa sa mga opisyal na wika ng bansa at wikang malawak na nauunawaan ng nakararami.

Kapag ang batas ay naipahahayag sa wikang ginagamit ng mga mamamayan, nakatutulong itong patatagin ang tiwala ng publiko at iparamdam sa kanilang bahagi sila ng sistema. Higit sa lahat, natutugunan ang pangako ng Saligang Batas na ang katarungan ay dapat madaling maabot at mapakinabangan ng lahat.

Basahin ang buong press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/supreme-court-uses-filipino-decision-to-advance-access-to-justice/

Basahin ang buong Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/210480-mel-v-velarde-at-angeline-l-macasaet-vs-kagalang-galang-na-hukuman-ng-pag-aapela-sa-buwis-et-al/

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

𝗣𝗿𝗼𝗵𝗶𝗯𝗶𝘁𝗲𝗱 𝗺𝗮𝗿𝗿𝗶𝗮𝗴𝗲𝘀 𝗶𝗻 𝗙𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆 𝗖𝗼𝗱𝗲 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 As you can read from the linked articles below, the state of Flor...
14/05/2026

𝗣𝗿𝗼𝗵𝗶𝗯𝗶𝘁𝗲𝗱 𝗺𝗮𝗿𝗿𝗶𝗮𝗴𝗲𝘀 𝗶𝗻 𝗙𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆 𝗖𝗼𝗱𝗲 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀
As you can read from the linked articles below, the state of Florida in the USA failed to pass a bill that would prohibit marriage between first cousins.
Article 38 of the Family Code of the Philippines @ https://familymatters.netlify.app/.../fc%20title%20i... prohibits, among others, a marriage between first cousins.
𝗔𝗿𝘁. 𝟯𝟴. 𝗧𝗵𝗲 𝗳𝗼𝗹𝗹𝗼𝘄𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗿𝗿𝗶𝗮𝗴𝗲𝘀 𝘀𝗵𝗮𝗹𝗹 𝗯𝗲 𝘃𝗼𝗶𝗱 𝗳𝗿𝗼𝗺 𝘁𝗵𝗲 𝗯𝗲𝗴𝗶𝗻𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗳𝗼𝗿 𝗿𝗲𝗮𝘀𝗼𝗻𝘀 𝗼𝗳 𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗽𝗼𝗹𝗶𝗰𝘆:
(1) Between collateral blood relatives whether legitimate or illegitimate, up to the fourth civil degree;
(2) Between step-parents and step-children;
(3) Between parents-in-law and children-in-law;
(4) Between the adopting parent and the adopted child;
(5) Between the surviving spouse of the adopting parent and the adopted child;
(6) Between the surviving spouse of the adopted child and the adopter;
(7) Between an adopted child and a legitimate child of the adopter;
(😎 Between adopted children of the same adopter; and
(9) Between parties where one, with the intention to marry the other, killed that other person's spouse, or his or her own spouse.

𝗣𝗿𝗼𝗵𝗶𝗯𝗶𝘁𝗲𝗱 𝗺𝗮𝗿𝗿𝗶𝗮𝗴𝗲𝘀 𝗶𝗻 𝗙𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆 𝗖𝗼𝗱𝗲 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀

As you can read from the linked articles below, the state of Florida in the USA failed to pass a bill that would prohibit marriage between first cousins.

Article 38 of the Family Code of the Philippines @ https://familymatters.netlify.app/family%20code/fc%20title%20i%20marriage prohibits, among others, a marriage between first cousins.

𝗔𝗿𝘁. 𝟯𝟴. 𝗧𝗵𝗲 𝗳𝗼𝗹𝗹𝗼𝘄𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗿𝗿𝗶𝗮𝗴𝗲𝘀 𝘀𝗵𝗮𝗹𝗹 𝗯𝗲 𝘃𝗼𝗶𝗱 𝗳𝗿𝗼𝗺 𝘁𝗵𝗲 𝗯𝗲𝗴𝗶𝗻𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗳𝗼𝗿 𝗿𝗲𝗮𝘀𝗼𝗻𝘀 𝗼𝗳 𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗽𝗼𝗹𝗶𝗰𝘆:

(1) Between collateral blood relatives whether legitimate or illegitimate, up to the fourth civil degree;

(2) Between step-parents and step-children;

(3) Between parents-in-law and children-in-law;

(4) Between the adopting parent and the adopted child;

(5) Between the surviving spouse of the adopting parent and the adopted child;

(6) Between the surviving spouse of the adopted child and the adopter;

(7) Between an adopted child and a legitimate child of the adopter;

(8) Between adopted children of the same adopter; and

(9) Between parties where one, with the intention to marry the other, killed that other person's spouse, or his or her own spouse.

𝗥𝗲𝗹𝗲𝘃𝗮𝗻𝘁 𝗮𝗿𝘁𝗶𝗰𝗹𝗲𝘀:

• "Florida lawmakers fail to pass ban on marrying cousins" @ https://www.clickorlando.com/news/florida/2026/03/19/florida-lawmakers-fail-to-ban-first-cousins-from-marrying/

• "First cousins can still marry in Florida after lawmakers fail to pass bill" @ https://cbs12.com/news/florida/florida-news-florida-legislature-florida-law-marriage-cousins-relatives-first-cousins-can-still-marry-in-florida-after-lawmakers-fail-to-pass-bill

• "Florida Fails to Pass Bill That Would Ban Cousin Marriage" @ https://people.com/florida-fails-to-pass-bill-ban-cousin-marriage-11929304

Nilinaw ng   na ang kawalan ng isang kontraktor ng mga kasangkapan, kagamitan, o makinarya ay hindi agad nangangahulugan...
13/05/2026

Nilinaw ng na ang kawalan ng isang kontraktor ng mga kasangkapan, kagamitan, o makinarya ay hindi agad nangangahulugan na sangkot ito sa ipinagbabawal na labor-only contracting kung hindi naman kailangan ang mga kagamitam sa mismong trabahong ipinakontrata.
Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, idineklara ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema na isang lehitimong job contractor ang MMA Competent Manpower & General Services, Inc. (MMA) at siyang tunay na employer nina Richard Delera at Dionel Quiling (mga nagpetisyon).
Isang domestic corporation ang MMA na nag-aalok ng human resource at support services sa mga kliyente, kabilang ang Philippine Foremost Milling Corp. (PFMC) kaugnay sa flour milling at Amigo Logistics Corp. (Amigo) na namamahala sa logistics tulad ng warehousing at trucking.
Itinalaga ng MMA ang mga nagpetisyon sa PFMC at Amigo bilang feed mill bagger at pollard stacker. Matapos silang maiulat dahil sa mga paglabag sa patakaran, isinailalim sila sa preventive suspension ng MMA ngunit napawalang-sala at napawalang-bisa ang mga paratang laban sa kanila.
Hiniling ng PFMC at Amigo ang reassignment ng mga nagpetisyon. Kinailangan silang ilagay ng MMA sa floating status noong una pero kalaunan ay inalok ng reassignment sa Cavite at Bataan, na kanilang tinanggihan. Nagsampa sila ng reklamo para sa iligal na dismissal. Sinabi nilang isang labor-only contractor ang MMA at mga regular na empleyado sila ng PFMC at Amigo.
Nagpasya ang Korte Suprema na isang lehitimong kontraktor ng paggawa ang MMA, na may malaking pondo na nagkakahalaga ng PHP 27 milyon, kahit na wala itong mga kasangkapan, kagamitan, o makinarya.
Kinilala ng Korte Suprema ang pagkakaiba ng legitimate labor contracting (lehitimong pangongontrata ng paggawa) at ng ipinagbabawal na labor-only contracting. Sa lehitimong pangongontrata, maaaring kumuha ang mga employer ng isang kontraktor para magsagawa ng mga partikular na trabaho, basta’t sapat ang pondo at mga kagamitan ng kontraktor. Sa ipinagbabawal na labor-only contracting, nagbibigay lamang ang kontraktor ng mga manggagawa nang walang sapat na pondo at kagamitan, at nagsasagawa ang mga manggagawa ng mga tungkuling direktang may kaugnayan sa pangunahing negosyo ng employer.
Sa kasong Conqueror Industrial Peace Management Cooperative v. Balingbing, na nagbibigay ng limitadong eksepsiyon kung saan ang trabaho ay pansuporta lamang at hindi nangangailangan ng mga kagamitan, sinabi ng Korte Suprema na nagsagawa ang mga nagpetisyon ng mga post-production na gawain katulad ng pagpapakete at pag-iimbak, na sumusuporta lamang sa operasyon ng PFMC at Amigo.
Dahil hindi nangangailangan ng espesyal na makinarya o teknikal na kadalubhasaan ang mga tungkuling ito, nagpasya ang Korte na maaari itong ipakontrata kahit walang malaking pamumuhunan sa mga kagamitan.
Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=165353.
Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164807.

Philippine adoption law also strengthened the adoptee’s legal family ties. Under RA 11642, the legitimate filiation crea...
12/05/2026

Philippine adoption law also strengthened the adoptee’s legal family ties. Under RA 11642, the legitimate filiation created by adoption extends to the adopter’s parents, legitimate siblings, and descendants, reinforcing the adoptee’s status as a true member of the family. 👨‍👩‍👧‍👦✨

However, as a general rule, once adoption becomes final, the legal ties between the adoptee and the biological parents are severed, except when the biological parent is the spouse of the adopter (such as in step-parent adoption). Thus, inheritance rights are generally transferred to the adoptive family line. 😊

LEGAL BASIS:
Republic Act No. 11642
Republic Act No. 8552
Civil Code of the Philippines
Family Code of the Philippines

For legal inquiries, consultations, and assistance, just send a message to the ARSD Law Office page. We are here to provide reliable and responsive legal support. ⚖🫶

Address

Unit 223, The Regalia Park Tower A, P. Tuazon, Brgy. Socorro, Cubao
Quezon City
1109

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ARSD Law Office - Atty Rey Sto. Domingo Jr. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share