31/01/2026
Kape’t Katarungan ☕ ⚖️
Kasama ang Lupon Tagapamayapa
January 31, 2026 | 8:00 A.M
Lugar: Maloles Compound – Bistekville
Bilang pagkilala sa Kape’t Katarungan Lupon Tagapamayapa mula sa Barangay Bagbag, tinalakay ang Katarungang Pambarangay at iba pang kaugnay na mga paksa. Kabilang dito ang mga usapin tungkol sa upa sa bahay, mga kaso sa Small Claims Court, at mga ordinansa ng lungsod. Natalakay rin ang mga usapin hinggil sa Karahasan Laban sa Kababaihan at Kanilang mga Anak (VAWC).
Mga Dumalo:
Ang mga kasapi ng Lupon Tagapamayapa na pinangunahan ng Team Leader na si Modesto Abello, kasama ang mga residenteng Bagbagueño sa nasabing lugar, pati ang mga Purok Leader at Area President na tumulong mula simula hanggang sa pagtatapos ng aktibidad. Dumalo rin si VAWC Head Emy Moya Blanquisco Torrefiel at si Kgwd. 𝐊𝐠𝐰𝐝. 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐭𝐚𝐧𝐚 𝐌𝐞-𝐚𝐧𝐧𝐞 𝐔. 𝐀𝐦𝐛𝐢𝐭𝐚, kasama ang ating mabutihing kapitan 𝐇𝐨𝐧. 𝐑𝐢𝐜𝐡𝐚𝐫𝐝 𝐕.𝐀𝐦𝐛𝐢𝐭𝐚, 𝐌𝐏𝐀.
Espesyal na Pasasalamat kina 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐑𝐢𝐜𝐡𝐚𝐫𝐝 𝐀𝐦𝐛𝐢𝐭𝐚𝐧, 𝐊𝐠𝐰𝐝. 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐭𝐚𝐧𝐚 𝐌𝐞-𝐚𝐧𝐧𝐞 𝐔. 𝐀𝐦𝐛𝐢𝐭𝐚, 𝐊𝐨𝐧𝐬𝐞𝐡𝐚𝐥 𝐉𝐨𝐬𝐞𝐩𝐡 𝐉𝐨𝐞 𝐕𝐢𝐬𝐚𝐲𝐚 sa masarap na lugaw, 𝐊𝐨𝐧𝐬𝐞𝐡𝐚𝐥 𝐑𝐚𝐦 𝐌𝐞𝐝𝐚𝐥𝐥𝐚 sa mainit na kape, 𝐌𝐚’𝐚𝐦 𝐄𝐦𝐲 𝐓𝐨𝐫𝐫𝐞𝐟𝐢𝐞𝐥, mga 𝐏𝐮𝐫𝐨𝐤 𝐋𝐞𝐚𝐝𝐞𝐫 𝐚𝐭 𝐀𝐫𝐞𝐚 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭, at sa lahat ng mga indibidwal at organisasyong nagbigay ng suporta at nag-sponsor upang maging matagumpay ang aktibidad na ito.