Kada taon, merong milyon-milyong Pilipino ang umaalis nang Pilipinas para makipag-sapalaran sa ibang bansa. Malungkot at mahirap ang manirahan sa ibang bansa lalo na't malayo sa mga mahal sa buhay, pero patuloy na nagsasakripsyo ang ating mga kababayang OFW para makapagbigay ng mas maayos na pamumuhay para sa kanilang pamilya. Halos lahat ng mga nangingibang bansa at mga nagta-trabaho dito sa atin
g bansa ay iisa ang pangarap: ang makapapag ipon ng sapat na pera para magkaroon ng business o investment na magtataguyod sa kani-kanilang pamilya. Pero alin kaya ang pinakamagandang investment option o business opportunity? ISA SA PINAKAMAGANDANG OPTION TO CONSIDER AY REAL ESTATE. Sinasabi na naghihirap daw ang Pilipinas, pero sa kabila nito ay kaliwa’t kanan ang construction ng mga condominiums at housing projects ng iba’t ibang malalaking kumpanya. Ang patuloy na pag-usbong ng mga real estate properties sa bansa ay nangangahulugan na malakas ang demand at marami ang may kakayahang bumili. Sa dami ng ‘supply’ ng mga properties sa Pilipinas, nagkakaroon ng kompetisyon at dahil dito ay patuloy sa pagbaba ang presyo ng mga properties. Ito ay masamang balita para sa mga developers ngunit good news naman ito para sa mga potential buyers. Ang sitwasyon na ito ay ideal para sa ating mga kababayan. May kakayahan na bumili ng real estate properties ang karamihan ng mga Filipino. Kung gayon, ang real estate ang isa sa pinaka mainam na investment sa Pilipinas. Isa pa sa mga benepisyo ng real estate investment ay ang pagtaas ng value ng property habang tumatagal lalo na kung maganda ang lokasyon nito. Sa totoo lang, ang kita sa real estate ay mag-uumpisa sa pagbili pa lamang ng property. Ito ay dahil mabibili ang property sa murang halaga at pataas lamang ng pataas ang value nito. Kapag lumipas ang ilang taon at makapagdesisyon na ibenta ang nabiling property, mas lumaki na ang value nito. Sa real estate investment, maaring magkaroon ng passive income habang nagpapaupa, at kapag binenta naman ito ay malaki rin ang kikitain dahil sa pagtaas ng value over time.