Samahan ng mga DH sa Gitnang Silangan

Samahan ng mga DH sa Gitnang Silangan SANDIGAN is a grassroots organization of domestic workers, families, and advocates. SANDIGAN PH Office: 4 Oxford St, Cubao, Quezon City (UCCP Cubao)

Dayalogo sa Department of Migrant Workers inihapag ang kaso ni OFW Divina Yap, 2 taon ng nawawala, dalawang pamilya ng O...
24/04/2026

Dayalogo sa Department of Migrant Workers inihapag ang kaso ni OFW Divina Yap, 2 taon ng nawawala, dalawang pamilya ng OFW na nais ng umuwi sa ating bansa at pagsampa ng 40 biktima ng failure to deploy/legal assistance.

May positibo at negatibo ang resulta ng pakikipagusap sa mga opisyales ng ahensiya. Magpapatuloy ang aming paghahanap sa mailap na katarungan para sa laban ng mga OFWs at kanilang pamilya.

DMW at  Job Asia agency, nasaan si OFW Divina Yap! ATM: Pagkilos harapan ng Job Asia Management Services sa Ermita, Mani...
24/04/2026

DMW at Job Asia agency, nasaan si OFW Divina Yap!

ATM: Pagkilos harapan ng Job Asia Management Services sa Ermita, Manila.

Panagutin at paniningil ang panawagan ng Samahan ng mga DH sa Gitnang Silangan, Migrante Philippines sa Department of Migrant Workers at Job Asia Management Services sa mahigit dalawang taon na pagpapabaya kay OFW Divina Yap.

Ang kanyang pamilya ay pabalik balik na sa DMW at Job Asia upang malaman kung mayroon ng balita sa kanyang pagkawala ngunit hanggang sa kasalukuyan walang kahit anumang balita.

Job Asia at DMW magkasabwat!

DMW at Job Asia singilin sa pagpapabaya kay OFW Yap!

Labot export program, ibasura!
Trabaho sa Pinas, hindi sa labas!

Kasama kanina ang Samahan ng mga DH sa Gitnang Silangan sa isinagawang pagkilos ng Migrante Philippines upang suportahan...
21/04/2026

Kasama kanina ang Samahan ng mga DH sa Gitnang Silangan sa isinagawang pagkilos ng Migrante Philippines upang suportahan ang mga panawagan ng mga OFWs at kanilang pamilya.

Kasama rin sa pagkilos si Cristina Suarez, kapatid ni OFW Divina Yap na mahigit dalawang taon ng nawawala sa Saudi Arabia. Mahigit dalawang taon na din na pabalik balik sa DMW at iba pang ahensiya ngunit walang maibigay na balita sa pamilya.

Kinokondena ng SANDIGAN si Secretary Hans Leo Cacdac sa kanyang kapabayaan sa pag aasikaso kay OFW Yap, makailang beses na itong inilapit sa kanya ngunit nagbibingi bingihan siya sa hinaing ng pamilya. Hihintayin pa ba niya na ito ay nakakahon o bangkay na itong iuwi sa Pilipinas?

Nito lamang mga nakaraan buwan, mahigit sa 50 OFWs partikular mga domestic workers ang lumapit online/walk in para humingi ng tulong na sila ay kagyat na makauwi ng Pilipinas na naapektuhan ng gera bukod sa sila ay minamaltrato, may paglabag sa kanilang mga pinirmahang kontrata ng kanilang mga employers. May ilan sa kanila ay nakauwi na ang FRA/ recruitment agency ang nagproseso, sabi sa kanila ng Owwa sa airport ay wala silang makukuha, pero kapag may mga kamera o media mayroon silang inaabot sa mga nakauwing OFWs.

Dagdag na bitbit na panawagan- itigil ang gera ng US, protektahan at kagyat na mapauwi ang mga apektadong OFWs.

Isulong ang limang puntong panawagan;

Proteksyon hindi koleksyon!

Ayuda at pangmatagalan na reintegration program sa lahat ng mga nakauwing OFWs.

Trabaho sa Pinas, hindi sa labas!
Sahod itaas gawing $800 sa mga domestic workers sa Middle East!

Pakikiramay sa naiwan pamilya ni OFW Honeylith Zamoras. Katarungan para sa kanyang pagkamatay, panagutin ang salarin!
18/04/2026

Pakikiramay sa naiwan pamilya ni OFW Honeylith Zamoras. Katarungan para sa kanyang pagkamatay, panagutin ang salarin!

Tuwang tuwa ang dalawang OFWs dahil makakauwi na sila ngayon araw mula sa Oman. Halos limang buwan rin ang inabot para s...
20/03/2026

Tuwang tuwa ang dalawang OFWs dahil makakauwi na sila ngayon araw mula sa Oman. Halos limang buwan rin ang inabot para sila mapauwi ng Pilipinas.

Sila ay biktima ng contract violation, multiple employer, binibenta ng Foreign Recruitment agency bukod dyan nakararanas din sila ng iba't ibang porma ng pang aabuso mula sa kanilang mga naging employer.

Marami pa sa mga kababayan natin na domestic workers sa Middle East ang ganitong sinasapit mas lalo ngayon na laging nasa panganib ang kanilang buhay dahil sa gera na nagaganap ngayon.

Dagdag na pasanin sa kanilang pagbabalik, sasalubungin sila ng mataas na bilihin bunga ng pagtaas ng petrolyo sa nagaganap na gera sa ME.

Sa ganitong kalagayan, hindi natin sila masisi, kung mayroon sanang sahod na nakabubuhay at trabahong hindi nakabatay sa labor export program hindi sila lalabas ng bansa upang iwanan ang kanilang pamilya.

20/03/2026
Kaisa ang Samahan ng mga DH sa Gitnang Silangan sa pagkilos sa Mendiola sa pag alala sa ika 31 taon anibersaryo ng kamat...
17/03/2026

Kaisa ang Samahan ng mga DH sa Gitnang Silangan sa pagkilos sa Mendiola sa pag alala sa ika 31 taon anibersaryo ng kamatayan ni Flor Contemplacion, bitbit ang mga panawagan ng mga domestic workers, 5 point demands at ang lumalalang gera sa Gitnang Silangan.

Kasama dito si Cristine Suarez, kapatid ni OFW Divina Yap na mahigit dalawang taon ng nawawala sa Saudi Arabia. Mahigit dalawang taon na siyang pabalik balik sa Department of Migrant Workers at Owwa ngunit walang matinong maisagot ang dalawang ahensiyang ito sa kanila.

Mula Mendiola, dumiretso sa Department of Migrant Workers upang ituloy ang karaingan ng mga nakabalik na OFWs at pamilya.

Kasama sa mga panawagan ang paniningil at panagutin ang departamentong ito at ang rehimeng Marcos Jr sa patuloy na pagkalakal sa mga kababaihan sa pamamagitan ng labor export program.

Trabaho sa Pilipinas na hindi nakabatay sa labor export program ang panawagan ng SANDIGAN.

Kasama ang Samahan ng mga DH sa Gitnang silangan sa pagkilos upang dakilain ang ambag sa lipunan ng mga kababaihan lalo ...
08/03/2026

Kasama ang Samahan ng mga DH sa Gitnang silangan sa pagkilos upang dakilain ang ambag sa lipunan ng mga kababaihan lalo na ang migranteng kababaihan na nagsasakripisyong iwanan ang kanilang pamilya sa Pilipinas.

Hindi matatawaran ang kanilang iniaambag na remittances na nagmumula sa kanilang dugo at pawis at kung minsan kamatayan at kawalang hustisya dahil sa kapabayaan ng ating gobyerno na mas kumikiling sa pagpapasidhi ng labor export program.

Ngayon araw ng mga kababaihan, isisigaw namin trabaho hindi nakabatay sa labor export program.

Kinokundena ng Samahan ng mga DH sa Gitnang Silangan ang rehimeng Marcos Jr sa patuloy na pag kalakal sa lakas pag gawa ...
02/03/2026

Kinokundena ng Samahan ng mga DH sa Gitnang Silangan ang rehimeng Marcos Jr sa patuloy na pag kalakal sa lakas pag gawa ng mga pilipino partikular sa mga kababaihan.

Ayon sa datos mula 2024 hanggang 2025, mahigit sa dalawang milyong OFWs ang nagtratrabaho sa Gitnang Silangan;
Nasa 58.2% katumbas ito ng 630,000 hanggang 700,000 sa Gitnang Silangan kalakhan dito ay nagtatrabaho bilang mga domestic workers at care services.

Mula dyan, nasa ibaba ang mga bansang may malaking konsentrasyon ng mga migranteng kababaihan sa Saudi Arabia- 21.6%, UAE -15.9%, Kuwait-10.6%, samantalang ang Qatar ay nanatiling sentro ng service at sales roles.

Samantalang 69.4% ng migrantemg kababaihan ay nasa elementary occupation kasama na dito ang domestic work, cleaning, at basic maintenance. Gayundin mayroon 20,000 health care workers sa Israel.

Milyon OFWs ang nasa peligrosong kalagayan ngayon ang naaapektuhan sa gerang nagaganap sa Gitnang Silangan.

Marami ng gerang pinagdaanan ang mga kababayan ngunit mas nanaisin pa nilang manatili kesa umuwi sa ating bayan. Ang katwiran ng maraming OFWs, tatlo ang kalaban nila almusal, tanghalian at hapunan nang kanilang buong pamilya.

Katulad ni OFW Mary Ann De Vera, isang murse sa Israel. Sinusuong kada araw ang kaliwa't kanan na putukan. Sa kanyang huling sandali nagpost siya sa FB account niya "minu-minuto ay nakakapagod na tumakbo sa shelter" kasama ang kanyang inaalagaang pasyente habang papunta sa bomb shelter sa kasamaang palad tinamaan ng shrapnel na kanyang ikinasawi.

Habang patuloy ang girian sa pagitan ng US-Israel laban sa mamamayan ng Iran. Ang ating gobyerno ay tikom ang bibig sa kaganapan samantalang maraming kababayan natin ang nasa bingit ng kamatayan mas pinangangalagaan niya ang kanyang labor export program.

Sa darating na MARSO 8, pangdaigdigang araw ng mga kababaihan bitbit namin ang mga sumusunod na panawagan sa pangulong Marcos Jr para sa mga kababayan natin sa Gitnang Silangan.

1. Kagyat na dalhin sa ligtas na evacuation centers at iproseso ng mabilis ang kanilang paguwi.

2. Bigyan ng financial aid,medical examination at reintegration support sa kanilang pagbabalik.

3. Mabigyan sila ng kagyat na debriefing o counselling dahil hindi biro ang kanilang pinagdaanan.

4. Magkaroon ng disenteng trabaho at sapat na sahod.

Pakikiramay sa naiwang pamilya ni OFW Mary Ann De Vera. Nakakalungkot  na isa na naman kababayan natin ang binawian ng b...
02/03/2026

Pakikiramay sa naiwang pamilya ni OFW Mary Ann De Vera. Nakakalungkot na isa na naman kababayan natin ang binawian ng buhay dahil sa gerang nagaganap. Hindi sana ito mangyayari kung mayroon sapat na trabaho dito sa ating bansa.

01/03/2026

Sa gitna ng genocide sa Gaza, tuluy-tuloy din ang pambobomba ng Israel at US sa iba't ibang bahagi ng West Asia. Ano nga ba ang nasa likod nito? Ito ang tata...

Address

4 Oxford Street , Cubao
Quezon City

Telephone

+639352536515

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Samahan ng mga DH sa Gitnang Silangan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Samahan ng mga DH sa Gitnang Silangan:

Share