25/09/2025
Dahil sa banta ng matinding pag-ulang dala ng Bagyong , suspendido bukas, Setyembre 26, 2025, ang klase sa lahat ng antas at trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila, Biliran, Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Masbate, Romblon at Sorsogon.
Suspendido naman ang klase sa lahat ng antas sa Aklan, Albay, Antique, Batangas, Bataan, Camarines Norte, Camarines Sur, Capiz, Cavite, Catanduanes, Guimaras, Iloilo, Laguna, Leyte, Marinduque, Negros Occidental, Oriental Mindoro, Rizal, at Quezon.
Maaaring magdeklara ng suspensyon ang ibang LGU, at mananatiling bukas ang mga ahensyang responsable sa essential services.