21/01/2023
Para po sa mga nagpost ng question at naghihintay ng approval na may kinalaman sa utang sa mga lending companies, credit card companies, online lending applications, at mga lending at financing company. Kung kayo po ay nakararanas ng unfair collection practices o mga pang-aabuso nila. Na ginagawa sa pamamagitan ng pagpapadala ng private message sa lahat ng friends ninyo, at sa mga credit card holder na tinatawagan ng mga collection agency at nagtetext na sinasabi na kayo po ay may kasong estafa na sa korte at meron na itong warrant of arrest at writ of ex*****on para kunin ang mga properties ninyo sa bahay na hindi po naman totoo.
May legal remedy po laban sa ganitong unfair collection practices na ginagawa ng mga lending companies at credit card companies.
Kung ang unfair collection practices po ay ginagawa ng mga credit companies o ng kanilang collection agencies sila po ay dapat ireklamo sa Bangko Sentral ng Pilipinas. Pwede nyo po sila isumbong sa Financial Consumer Affairs Group, Supervision and Examination Sector, Bangko Sentral ng Pilipinas, 5th Floor, Multi-Story Building, BSP Complex, A Mabini Street, Malate, Manila.
Kung ang unfair collection practices ay ginagawa naman po ng mga lending companies katulad po ng mga online lending applications at mga lending o financing company ito po ay dapat ireklamo sa Securities and Exchange Commission (SEC), gumawa na po ang SEC ng draft ng Memorandum Circular laban po sa mga ganitong gawain.
Pwede po sila maparusahan ng fine P25,000 and P50,000 pesos sa first offense. Sa second offense po ay fine of P50,000 and P100,000 at sa third offense po will be penalize with the suspension or revocation of the Corporation's Certificate of Authority to Operate. Maaari po din sila kasuhan sa SEC o BSP.