Atty James L Baybay Jr JD

Directions

Atty James L Baybay Jr JD Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Atty James L Baybay Jr JD, Legal Service, 144 Mindanao Avenue, Project 8, Quezon City.

11/08/2026

Ang mga empleyado na ilegal na tinanggal sa trabaho ay may karapatan hindi lamang sa buong backwages kundi maging sa paghuhulog ng kanilang mga kontribusyon sa Social Security System (SSS)-Korte Suprema

Basahin ang buong desisyon sa:
G.R. No. 260447 (Lopez Sugar Corp v. Perrin et.al.)
AJ Singh


This is for educational purposes only.

Note from AJ HERNANDO:"... a warning to perpetrators of online violence that they cannot evade liability by simply discl...
17/07/2026

Note from AJ HERNANDO:
"... a warning to perpetrators of online violence that they cannot evade liability by simply disclaiming ownership of a social media account, and an assurance to the innocent that legal safeguards exist against fake or dummy accounts intended to falsely incriminate them"
Sabi nga ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach: "Think before you click"

Nagpasya ang na kung ang karahasang sikolohikal (psychological violence) ay ginawa sa pamamagitan ng Facebook, maaari itong ituring na paggamit ng information and communications technology (ICT). Dahil dito, puwedeng patawan ang gumawa nito ng mas mabigat na parusa alinsunod sa Seksyon 6 ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sa isang Resolusyon na isinulat ni Kasangguning Mahistrado Ramon Paul L. Hernando, binago nang bahagya ngunit pinagtibay ng Unang Dibisyon ng Korte Suprema ang nauna nitong Desisyon noong Oktubre 22, 2025. Sa naturang desisyon, pinanatili ang hatol na nagkasala ang isang indibidwal (###) dahil sa paggawa ng karahasang sikolohikal laban sa dati niyang kasintahan (AAA) sa ilalim ng Seksyon 5(i) ng Republic Act (RA) No. 9262, o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (Anti-VAWC Act), matapos siyang mag-post ng mga mapanirang pahayag tungkol kay AAA sa Facebook.

Gayunman, nagpasya ang Korte Suprema na itaas ng isang antas ang parusa dahil ang paglabag ay ginawa sa pamamagitan ng Facebook, na malinaw na nakasaad sa sakdal at napatunayan sa paglilitis.

Nagsampa si AAA ng kasong VAWC laban sa dati niyang kasintahan na si ### matapos siyang mag-post sa Facebook ng pahayag kung saan tinawag niya si AAA na maruming babae at hayop, at nagbanta siyang susuntukin kapag nakita niya ito. Inulit pa ni ### ang mga panlalait sa mga komento sa naturang post na maaaring mabasa ng publiko.

Habang dinidinig ang kaso, iniharap ni AAA ang mga screenshot ng post sa Facebook at sinabi niyang siya ang gumawa ng account para kay ### kung saan nai-post ang naturang pahayag. Pinatunayan naman ng dalawa niyang kapatid na kay ### ang account at nakatanggap sila ng mga mensahe mula sa kanya gamit ang parehong account.

Sa kabila ng pagtanggi ni ###, pinagtibay ng Korte Suprema, sa desisyong inilabas nito, ang mga naging pasya ng Family Court at Court of Appeals (CA) na naghatol na nagkasala si ###. Binigyang-diin ng Korte Suprema na sa mga kasong kriminal, kailangang mapatunayan ng prosekusyon hindi lamang ang mga elemento ng krimen kundi pati ang pagkakakilanlan ng gumawa nito. Pinagtibay din ng Korte Suprema ang parusang ipinataw ng CA kay ###, na kinabibilangan ng pagkakakulong mula anim na buwan at isang araw hanggang walong taon at isang araw, multang PHP 100,000, at pagsailalim sa psychological counselling o psychiatric treatment.

Sa pagresolba sa Motion for Reconsideration ni ###, sinabi ng Korte Suprema na napatunayang si ### ang gumawa ng post sa Facebook nang lampas sa makatwirang pagdududa (beyond reasonable doubt), batay sa mga pamantayang itinakda nito sa nauna nitong desisyon:

1. Pag-amin sa pagmamay-ari ng account o sa paggawa ng naturang post;
2. Pagkakaroon ng patunay na nakita ang akusado na gumagamit ng account o nagsulat ng naturang post;
3. Paglalaman ng impormasyon na tanging ang nagkasala o iilang tao lamang ang nakaaalam;
4. Paggamit ng mga salita o pananalitang naaayon sa karaniwang paraan ng pagpapahayag ng nagkasala;
5. Mga tala mula sa internet service provider, kumpanya ng telekomunikasyon, o social media site, pati na ang resulta ng pagsusuri sa mga digital device na nagpapakita ng lokasyon at iba pang katangiang nag-uugnay sa account sa nagkasala;
6. Mga kilos o gawain na naaayon sa mga nauna niyang post; o
7. Iba pang mga pangyayaring nagpapakita ng pagmamay-ari, paggamit, o paggawa ng account o post.

Dahil napatunayan na si ### ang gumawa ng post sa Facebook at natugunan ang lahat ng kinakailangang elemento ng karahasang sikolohikal, sinabi ng Korte Suprema na naaangkop ang Seksyon 6 ng Cybercrime Prevention Act of 2012. Itinatakda ng probisyong ito ang pagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga krimen at paglabag na ginawa gamit ang ICT. Mas mabigat ang parusa dahil maaaring magamit ang ICT para makaiwas ang mga nagkasala sa pananagutan, makapinsala sa mas maraming tao, o magdulot ng mas malaking pinsala.

Batay sa kahulugan ng ICT, sinabi ng Korte na ang mga social media platform tulad ng Facebook ay maituturing na ICT systems dahil pinapayagan ng mga ito ang mga gumagamit na lumikha, magpadala, tumanggap, mag-imbak, at magproseso ng mga datos na elektronikong mensahe gamit ang mga kompyuter, mobile phone, o iba pang katulad na kagamitang elektroniko.

Sa kasong ito, nakasaad sa sakdal na ginawa ni ### ang post sa Facebook gamit ang kanyang “Facebook Messenger Account… na maaaring makita ng sinuman (set to public view).” Ayon sa Korte Suprema, sapat na ang pahayag na ito para ipakitang ginamit ang ICT bilang isang nagpapabigat na sirkumstansya. Bagaman hindi tahasang nabanggit ang terminong “ICT,” malinaw pa ring ipinaalam sa sakdal kay ### na siya ay inaakusahan ng paggawa ng karahasang sikolohikal laban kay AAA sa pamamagitan ng Facebook, na kabilang sa saklaw ng isang ICT system.

Napatunayan ng prosekusyon ang nasabing pahayag sa paglilitis.

Dahil dito, itinaas ng Korte ng isang antas ang parusa mula sa pagkakakulong na anim na buwan at isang araw hanggang walong taon at isang araw, tungo sa pagkakakulong na anim na taon at isang araw hanggang 14 na taon, walong buwan, at isang araw. Nanatili naman ang multang PHP 100,000. Inatasan din si ### na sumailalim sa psychological counselling o psychiatric treatment.

Basahin ang buong press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=168987

Basahin ang buong kopya ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=168968

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/

Latest JurisprudenceAng simpleng hindi pagpasok sa trabaho, wala nang iba, ay hindi sapat na patunay na inabandona ng em...
30/06/2026

Latest Jurisprudence

Ang simpleng hindi pagpasok sa trabaho, wala nang iba, ay hindi sapat na patunay na inabandona ng empleyado ang kanyang trabaho. Kasi ayon sa Supreme Court PH and ABANDONMENT is the deliberate and unjustified refusal of an employee to resume his employment. As a form of neglect of duty, abandonment is considered as a just cause for termination of employment by the employer.

Pero paano mapapatunayan na inabandona ng empleyado ang kanyang trabaho?

Dalawang elemento ang kailangan natin makita-
Una: Failure to report for work or absence without valid or justifiable reason.
Pangalawa: Clear intention to sever the employer-employee relationship.

Tandaan na ang pangalawang elemento ay siyang determinative factor, at naipapakita ito sa kilos (overt acts) kung saan wala na talagang intensyong bumalik ang isang empleyado.

Kaya nga itoy binigyan diin ng Korte Suprema na ang abandonment ay hindi ito compatible sa agarang pag file ng reklamong illegal dismissal. Dahil ang empleyadong may tunay na layuning iwanan ang kanyang trabaho ay hindi agad gagawa ng hakbang upang kuwestiyunin ang kanyang pagkakatanggal sa trabaho.

Read the full text: https://sc.judiciary.gov.ph/267217-alvin-g-carpio-vs-green-era-biotech-corp-mr-johnson-li-owner-great-value-management-and-services-corporation-ms-ninay-p-rile-president/

Disclaimer: This is for educational purposes only. It is a simplified summary and should not be considered error-free, as certain facts and details may have been omitted.


With over twenty years of experience working on climate change, energy, and environmental issues, Atty Ibay presently heads the Climate Change and Energy Programme of the World Wide Fund for Nature (WWF) Philippines and concurrently serves as Earth Hour Philippines’ National Director, working for ...

17/06/2026

Ang Article [224] ng Labor Code ay dapat ding ipatupad with equal force sa paghabol ng isang employer para sa aktual na danyos laban sa natanggal nitong empleyado, kung ang batayan ng kanyang claim arises from or is necessarily connected with the fact of his termination at bilang isang counterclaim sa kasong illegal dismissal.
(GR NO 216716)

MAY EMPLOYER-EMPLOYEE RELATIONSHIP BA SA PAGITAN NG LAZADA AT NG MGA RIDERS NITO?Oo. Ayon sa Korte Suprema, ang apat na ...
07/06/2026

MAY EMPLOYER-EMPLOYEE RELATIONSHIP BA SA PAGITAN NG LAZADA AT NG MGA RIDERS NITO?

Oo. Ayon sa Korte Suprema, ang apat na salik na nagpapakita ng pagkakaroon ng employer-employee relationship ay umiiral din sa kasong ito. Una, direktang inemploy ng Lazada ang mga petisyoner bilang manggagawa, bagama’t sa pamamagitan ng isang Independent Contractor Agreement; ikalawa, binabayaran sila ng Lazada ng PHP 1,200.00 kada araw ng serbisyong kanilang ibinibigay; ikatlo, may kapangyarihan ang Lazada na tanggalin sa trabaho ang mga petisyoner; at ikaapat, kontrolado ng Lazada ang paraan at pamamaraan ng pagsasagawa ng trabaho ng mga petisyoner.

Makikita ang elementong ito ng pagkontrol sa katotohanang inaatasan ang mga petisyoner na itala sa route sheet ang oras ng kanilang pagdating, loading time, at oras ng pag-alis upang mabantayan ng Lazada ang kanilang galaw at kung paano nila isinasagawa ang kanilang serbisyo. Bukod dito, kinakailangan din nilang iulat nang real-time sa Lazada monitoring supervisor at route monitoring staff ang kanilang pagdating sa bawat tindahang kanilang pupuntahan upang kumuha ng mga item, nang sa gayon ay ma-scan ang mga ito. Kapansin-pansin din na maging ang paraan ng paglalagay o pag-log ng datos ng mga nakuhang item ay idinidikta rin ng Lazada sapagkat ang kumpanya mismo ang nagbigay sa mga petisyoner ng mga kagamitan para sa pag-scan ng mga item, tulad ng mobile phone scanner, power bank, at postpaid line, gaya ng pinatutunayan ng mga Accountability Forms na isinumite.
Kayan naman kinatigan ng Korte Suprema ang mga riders at inutusan na ibigay sa kanila ang mga pribelihiyo ng isang employedo

Read the full text: https://sc.judiciary.gov.ph/?s=265610&id=292

Disclaimer: My humble understanding of this case does not reflect the views of the Supreme Court. The text of the decision prevails. AI image assisted.


31/05/2026

A wife who loses a husband is called a widow. A husband who loses a wife is called a widower. A child who loses his parents is called an orphan. There is no word for a parent who loses a child. That’s how awful the loss is. (Jay Neugeboren) Leonel, SAJ-G.R. No. 247617

👇👇
18/04/2026

👇👇

Nagpasya ang na hindi maituturing na nuisance o isang istorbo ang mga tunog o ingay na nagmumula sa mga regular na aktibidad ng isang eskwelahan. Hindi rin ito maaaring maging batayan para managot ang paaralan sa pagbabayad ng danyos.

Sa Desisyong isinulat ni Associate Justice Samuel H. Gaerlan, pinagbigyan ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema ang petisyon ng Couples for Christ School of the Morning Star (eskwelahan) at binaliktad ang pasya ng Court of Appeals (CA) na naggawad ng danyos sa mga residente ng Saint Joseph Subdivision sa Barangay Villa Kananga, Lungsod ng Butuan kung saan matatagpuan ang eskwelahan.

Sinampahan ng kaso ng mga residente ng subdivision ang eskwelahan dahil sa naririnig nilang malakas na ingay mula sa eskwelahan tulad ng tunog ng tambol at bugle, mga gurong gumagamit ng mikropono at megaphone, at mga estudyanteng tumatakbo, sumisigaw, at naghihiyawan habang naglalaro sa multipurpose center. Ayon sa kanila, nakagagambala sa kanilang pagtulog at katahimikan sa kanilang tahanan ang mga ingay na ito na naririnig umano araw at gabi.

Depensa ng eskwelahan, nagmumula lang sa regular na klase ang anumang ingay at may kaukulang mga permit at clearance sila magmula nang magsimula ang kanilang operasyon noong 2012. Idagdag pa ng eskwelahan, nasa loob ng pinahihintulutang limitasyon para sa mga residential area ang antas ng ingay, base sa pagsusuri ng City Environment and Natural Resources Office. Nagsagawa na rin umano ito ng mga hakbang para mabawasan ang ingay gaya ng pagtatayo ng mas matataas na bakod, pagtatanim ng mga puno, paggamit ng mas maliliit na speaker, at paglilimita ng mga aktibidad mula 7:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi kapag may klase.

Isinantabi ng Regional Trial Court (RTC) ang reklamo ng mga residente, pero nagpasya pabor sa mga residente ang Court of Appeals (CA).

Binaliktad ng Korte Suprema ang desisyon ng CA. Iginiit nito na hindi isang istorbo ang akademikong ingay o mga tunog mula sa mga lehitimong aktibidad sa eskwelahan.

Kasama sa maituturing na nuisance o istorbo ang anumang kaguluhan na nakasasagabal sa kaginhawahan, ari-arian, o kasiyahan ng isang tao. Para may mananagot para sa mga pinsala, ang ingay ay dapat sapat na malakas para makapinsala o magbanta sa kalusugan o kaligtasan, o para inisin o saktan ang isang ordinaryo at makatwirang tao.

Para maituring na isang istorbo ang ingay, isinasaalang-alang ng Korte Suprema, sa kasong Frabelle Properties Corp. v. AC Enterprises Inc., ang mga sumusunod:
• ang pagiging maaasahan ng mga isinagawang pagsusuri sa polusyon ng ingay,
• ang mga hakbang na ginawa para mabawasan ang ingay,
• ang pinahihintulutang antas ng ingay,
• ang layunin ng defendant na magdulot ng pinsala sa nagrereklamo,
• ang bilang ng mga nagrereklamo,
• ang pagiging kinatawan ng nagrereklamo komunidad, at
• ang mga hakbang na ginawa ng nagrereklamo para maibsan ang kanyang kalagayan.

Nagpasya ang Korte Suprema na nabigo ang mga residente na patunayan na labis at hindi makatwirang nakagagambala ang ingay mula sa eskwelahan, at nagpalala sa kanilang kalagayang pangkalusugan. Hindi rin ito lumampas sa maaaring asahan mula sa isang eskwelahan. Binigyang-diin ng Korte Suprema na walang nuisance kung hindi naman maaabala sa tunog ang isang karaniwang tao kahit pa may isang taong labis na sensitibo rito.

Hindi rin naipakita ng mga residenteng nagsampa ng kaso na kumakatawan siła są buong komunidad.

Dagdag pa ng Korte Suprema, hindi maaaring maghabol ng danyos batay sa sinasabing abuse of rights sa ilalim ng Civil Code kung walang sapat na batayan. Nagpasya ang Korte na walang layunin ang eskwelahan na manakit o mang-abala sa mga residente at nagsagawa pa ito ng mga hakbang para mabawasan ang ingay. Wala ring ebidensiya na sinadya ng eskwelahan ang paglikha ng ingay nang may masamang hangarin o masamang loob.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=163502.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=163486.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


Address

144 Mindanao Avenue, Project 8
Quezon City
1106

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Atty James L Baybay Jr JD posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category