15/08/2026
https://www.facebook.com/share/p/1CBtGtCjnc/
Naalala niyo ba ang kasambahay na si Bonita Baran na minaltrato at pinagmalupitan na parang manika ng kanyang mga amo taong 2012?
Pin*so ng plantsa, p*nalo ng figurine, p*nalo din ng dumbbells ang kanyang mukha at ulo, tinus*k ng gunting, pinakain ng ipis at pinakamasaklap, tinus*k ang parehong nitong mata na naging sanhi ng kanyang permanenteng pagkabulag. Matapos ang ilang taong pagdinig sa kaso at pakikipaglaban nito, nakamit na ni Bonita Baran ang matagal na inaasam na hustisya.
Sinentensyahan na ng Quezon City Regional Trial Court Branch 77 ng reclusion perpetua o habang-buhay na pagkakabilanggo ang babaeng amo nito na si Anna Liza Catahan, habang 14 na taong pagkakabilanggo naman ang sa asawa nitong si Reynaldo Marzan dahil sa kasong serious illegal detention sa kasambahay na si Baran.
Para kay Baran, wala pa ring kapatawaran ang ginawang pagmamalupit ng kanyang mga amo sa kanya at dapat na magdusa sila sa kulungan. Si Baran ang dahilan ng pagpapatibay at pagpasa ng 'The Kasambahay Law' o Republic Act No. 10361.