20/08/2026
𝐁𝐔𝐋𝐀𝐂𝐀𝐍, 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀𝐈𝐋𝐀𝐋𝐈𝐌 𝐒𝐀 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐄 𝐎𝐅 𝐂𝐀𝐋𝐀𝐌𝐈𝐓𝐘
Dahil sa malawakang pinsala at epekto ng tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng mga nagdaang bagyo at Southwest Monsoon o Habagat, isinailalim ang Lalawigan ng Bulacan sa State of Calamity sa bisa ng Panlalawigang Kapasyahan Blg. 708-T’2026.
Sa pamamagitan ng kaukulang Panlalawigang Kapasyahan, layunin ng deklarasyon na mapabilis ang pagtugon ng pamahalaan sa pangangailangan ng mga Bulakenyong naapektuhan ng kalamidad, kabilang ang agarang pagbibigay ng relief assistance, food and non-food items, medical assistance, rehabilitation at iba pang kinakailangang serbisyo.
Inaasahan ding magsisilbing daan ang deklarasyon upang mas mabilis na maisakatuparan ang mga hakbang para sa rehabilitasyon at pagbangon ng mga komunidad, gayundin ang pagpapatupad ng mga mekanismo upang maprotektahan ang publiko laban sa hindi makatarungang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at iba pang pangangailangan.
Sa harap ng panibagong hamon, nananatiling nakatuon ang pamahalaan sa kaligtasan, kapakanan ng bawat Bulakenyo.