Gines Law

Gines Law Notary Public

25/03/2026
25/03/2026
Paalala at ihanda.
25/02/2026

Paalala at ihanda.


Para sa kaalaman ng mga taga Puerto Princesa
07/01/2026

Para sa kaalaman ng mga taga Puerto Princesa

Happy New Year !2026 is a new season!
01/01/2026

Happy New Year !
2026 is a new season!

Gabay sa pagpapatunay ng pag mamay-ari ng Social Media Account .
27/12/2025

Gabay sa pagpapatunay ng pag mamay-ari ng Social Media Account .

Naglabas ang ng mga gabay sa pagpapatunay ng pagkakakilanlan ng may-ari o gumagamit sa isang ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ค๐˜ช๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ข ๐˜ข๐˜ค๐˜ค๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต sa mga kasong kriminal.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, pinagtibay ng Unang Dibisyon ng Korte Suprema ang hatol sa isang indibidwal (###) dahil sa nagawa nitong psychological violence sa ilalim ng Section 5 (i) ng ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช-๐˜๐˜ช๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ ๐˜ˆ๐˜จ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜ด๐˜ต ๐˜ž๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜›๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ช๐˜ณ ๐˜Š๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ๐˜ฅ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฏ (๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช-๐˜๐˜ˆ๐˜ž๐˜Š) ๐˜ˆ๐˜ค๐˜ต laban sa dating kasintahan (AAA) sa pamamagitan ng mapanlait na ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ต sa ๐˜๐˜ข๐˜ค๐˜ฆ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฌ.

Hinatulan si ### ng hanggang walong taong pagkakakulong at pinagmumulta ng PHP 100,000. Ipinag-utos din nitong sumailalim si ### sa ๐˜ฑ๐˜ด๐˜บ๐˜ค๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜จ๐˜ช๐˜ค๐˜ข๐˜ญ ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ o ๐˜ฑ๐˜ด๐˜บ๐˜ค๐˜ฉ๐˜ช๐˜ข๐˜ต๐˜ณ๐˜ช๐˜ค ๐˜ต๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ต๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต.

Binigyang-diin ng Korte na sa mga kasong kriminal, dapat patunayan ng prosekusyon hindi lamang ang mga elemento ng krimen kundi pati na rin ang pagkakakilanlan ng nagkasala.

Sa mga krimeng ginawa sa pamamagitan ng social media, sabi ng Korte, kailangang isaalang-alang ang mga katangian ng platform gaya ng ๐˜๐˜ข๐˜ค๐˜ฆ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฌ. Paliwanag ng Korte, madaling makagawa ng ๐˜๐˜ข๐˜ค๐˜ฆ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฌ ๐˜ข๐˜ค๐˜ค๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต sa Pilipinas, kahit ang mga nagpapanggap na labintatlong taong gulang na may ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ช๐˜ญ ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฅ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ด at ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ณ. Dahil sa mga pekeng ๐˜ข๐˜ค๐˜ค๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต, madali ring kumalat ang pekeng impormasyon, pagnanakaw ng pagkakakilanlan, o krimen.

Para matukoy ang pagmamay-ari o pagkakakilanlan ng may hawak ng ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ค๐˜ช๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ข ๐˜ข๐˜ค๐˜ค๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต, kailangan patunayan ang alinman sa mga sumusunod:

1. Pag-amin ng pagmamay-ari o pagiging may-akda;
2. May nakakitang ginagamit ang account o sinusulat ang ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ต;
3. Paglalaman ng impormasyon na alam lang ng nagkasala o ng iilang tao;
4. Lenggwaheng naaayon sa katangian ng maysala;
5. Mga rekord mula sa ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ต ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ท๐˜ช๐˜ค๐˜ฆ ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ท๐˜ช๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ณ, ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ค๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ด ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ, o ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ค๐˜ช๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ต๐˜ฆ, at mga resulta sa ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ท๐˜ช๐˜ค๐˜ฆ ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ช๐˜ค ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜บ๐˜ด๐˜ช๐˜ด na nagpapakita ng lokasyon at iba pang katangiang nag-uugnay sa ๐˜ข๐˜ค๐˜ค๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต sa maysala;
6. Mga kilos na naaayon sa mga dating ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ต; o
7. Iba pang mga bagay na nagpapakita ng pagmamay-ari, pag-access o pagiging may-akda.

Gamit ng mga gabay na ito, napatunayan ng Korte na may ilang elemento nagpapakita na si ### ang nagsulat ng ๐˜๐˜ข๐˜ค๐˜ฆ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฌ ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ต. Buong pangalan niya ang nasa ๐˜ข๐˜ค๐˜ค๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฆ at kasama niya sa ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ง๐˜ช๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ฑ๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ ang anak niya sa kanyang kasalukuyang kinakasama.

Nakatanggap din ang kapatid ni AAA ng mga mensahe mula sa kaparehong ๐˜ข๐˜ค๐˜ค๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต sa loob ng ilang taon. Magkapareho ang sitwasyon ng mga mensahe na nagtuturo kay ### bilang siyang gumagamit ng ๐˜ข๐˜ค๐˜ค๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต.

Basahin ang Press Release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=158535.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=158446.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


Have plans of buying or selling a property. ? Hereโ€™s a guide for you.
30/11/2025

Have plans of buying or selling a property. ? Hereโ€™s a guide for you.




30/11/2025

Nagpasya ang na may hurisdiksyon lang ang mga voluntary arbitrator sa isang labor dispute kapag ang parehong partido ay malinaw na sumang-ayon dito. Hindi sapat ang pagsang-ayon ng isang partido kung patuloy na tumututol ang isa.

Sa Desisyon na isinulat ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen, nagpasya ang Ikalawang Dibisyon ng Korte Suprema na walang awtoridad na resolbahin ng panel ng mga voluntary arbitrator (panel) ang mga monetary claim ni Benjie Y. Tandayag (Tandayag) laban sa Magsaysay Maritime Corporation (Korporasyon). Sa halip, nasa Labor Arbiter ang hurisdiksyon.

Si Tandayag ay isang seafarer na kinuha ng Korporasyon para sa isa sa mga barko nito. Habang nasa barko, nagtamo siya ng pinsalang may kinalaman sa trabaho na nauwi sa kanyang pagkakaroon ng permanenteng kapansanan. Walang umiiral na collective bargaining agreement (CBA) sa pagitan niya at ng Korporasyon.

Nang tumanggi ang Korporasyon na bayaran ang kanyang disability benefit at iba pang kaugnay na mga benepisyo, nagsampa siya ng kaso sa National Conciliation and Mediation Board na isinangguni sa isang panel ng mga voluntary arbitrator.

Pumasok ang mga partido sa isang submission agreement para isumite ang usapin sa panel ng mga voluntary arbitrator. Gayunman, iginiit ng Korporasyon na walang hurisdiksiyon ang panel sa mga monetary claim. Hindi sumang-ayon ang panel at sinabing isinuko ng Korporasyon ang karapatang kuwestiyunin ang hurisdiksiyon nito nang lagdaan nito ang submission agreement. Sa huli, nagpasya ang panel pabor kay Tandayag.

Kwinestiyon ng Korporasyon ang desisyon sa Court of Appeals (CA) na nagpasya na ang Labor Arbiter at hindi ang mga voluntary arbitrator ang may hurisdiksiyon.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang pasya ng CA. Nakasaad sa Labor Code na ang mga money claim na nagmumula sa employer-employee relationship ay dapat ihain sa Labor Arbiter, isang tuntunin na nakasaad din sa RA 8042 o Migrant Workers and Overseas Filipinos Act para sa mga claim ng overseas Filipino workers.

Ang mga voluntary arbitrator naman ay humahawak ng mga hindi pagkakasundo na may kinalaman sa mga CBA, mga polisiya ng kompanya, at iba pang usaping pinagkasunduan ng parehong panig na isumite sa kanila.

Sa kasong ito, walang CBA pero umasa sina Tandayag at ang panel sa submission agreement ng mga partido.

Gayunpaman, ipinapakita ng rekord na maagap at paulit-ulit na tinutulan ng Korporasyon ang awtoridad ng mga voluntary arbitrator. Sa katunayan, hiniling pa nitong resolbahin muna ang isyu ng hurisdiksiyon at iginiit na sa Labor Arbiter dapat dalhin ang kaso.

Ipinaliwanag ng Korte Suprema na hindi nangangahulugang tinanggap ng Korporasyon ang hurisdiksiyon ng mga voluntary arbitrator sa submission agreement dahil malinaw itong tumutol mula pa sa simula.

Dagdag pa ng Korte Suprema, bagamaโ€™t hinihikayat ang voluntary arbitration, dapat ay malinaw at walang pasubali na pumayag ang parehong partido sa alitan na mapasailalim sa voluntary arbitrator. Hindi sapat ang pagpapasakop sa arbitrasyon ng isang panig kung palagi namang tumututol ang kabila.

Basahin ang buong press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156011.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=156005.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


26/08/2025
EXTENDED banking Hours! June 4-16, 2025 Avail of Amnesty Estate Tax .
06/06/2025

EXTENDED banking Hours!
June 4-16, 2025
Avail of Amnesty Estate Tax .


The Supreme Court has ruled that when a Filipino asks a Philippine court to recognize a foreign divorce, they only need ...
05/06/2025

The Supreme Court has ruled that when a Filipino asks a Philippine court to recognize a foreign divorce, they only need to prove the law of the country where the divorce was obtained-not the law of their foreign spouse's nationality.

Read below.

The (SC) has ruled that when a Filipino asks a Philippine court to recognize a foreign divorce, they only need to prove the law of the country where the divorce was obtained โ€“ not the law of their foreign spouseโ€™s nationality.

In a Decision written by Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, the SCโ€™s Third Division sent a case back to the Court of Appeals (CA) to give a Filipina a chance to properly prove the divorce laws of Kentucky, United States of America (U.S.A).

The Filipina married a Peruvian citizen in New Jersey, U.S.A; they later settled in Kentucky. Due to marital issues, the husband ended the marriage by obtaining a divorce decree from a Kentucky court.

The Filipina then filed a petition before the Regional Trial Court in the Philippines to have the divorce recognized. She submitted a copy of the divorce decree, along with printouts of Kentucky and Peruvian marriage laws.

The SC clarified that in recognition of foreign divorce cases, what matters is the law of the country that issued the divorce decree. Since the divorce was granted in Kentucky, only Kentucky law needed to be proven.

The SC explained that under Article 26 (2) of the Family Code, a Filipino may remarry if their foreign spouse gets a valid divorce abroad that allows them to remarry. Philippine courts must first determine if the divorce was valid under the applicable foreign law, and the Filipino spouse must prove this law.

The SC also emphasized the relevance of the international law principle of comity of nations. This principle allows judicial acts of one country โ€“ such as court rulings or decrees โ€“ to be recognized in another, based on mutual respect between states. It also acknowledges the authority of a foreign state not only over its citizens but also over other individuals under its jurisdiction, like legal residents.

However, the SC returned the case to the CA to give the Filipina, who submitted a mere printout of Kentucky law, a chance to submit the proper documents.

Read the full text of the Press Release at https://tinyurl.com/4jhyh8vv.

Read the full text of the Decision at https://tinyurl.com/ympmypuz.

Copying of this content is subject to the SC PIOโ€™s Credit Attribution Policy: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

20% discount
31/05/2025

20% discount

๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ง๐—™๐—ฅ๐—•: ๐Ÿฎ๐Ÿฌ% ๐——๐—ถ๐˜€๐—ธ๐˜„๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ต๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ผ๐—ป๐˜€ ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐——๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜๐˜† (๐—ฃ๐—ช๐——๐˜€)

Muling ipinapaalala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa pangunguna ni Chairperson Atty. Teofilo E. Guadiz III, CESO V at alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. (PBBM), ang 20% diskwento sa pamasahe para sa Persons with Disability (PWDs) alinsunod sa Republic Act No. 10754 o ang Expanded PWD Benefits and Privileges Act.

Paano maka-avail ng diskwento:

โ€ขSabihin agad sa driver o konduktor na gagamit ka ng PWD discount

โ€ขIpakita ang iyong PWD ID o anumang government-issued ID na magpapatunay ng iyong kapansanan

โ€ขSiguraduhing malinaw at maayos ang pagpapakita ng ID

Kung may reklamo o hinaing, maaaring tumawag sa LTFRB 24/7 Hotline 1342 o magpadala ng mensahe sa aming official page.



Address

Unit 2 N Square Bldg Lope St, Nadayao Road Bgy San Pedro
Puerto Princesa
5300

Opening Hours

Monday 9am - 6pm
Tuesday 9am - 6pm
Wednesday 9am - 6pm
Thursday 9am - 6pm
Friday 9am - 6pm
Saturday 9am - 6pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gines Law posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category