07/06/2026
Due process applies to everyone, even if the video goes viral.
Kahit gaano ka-galit ang publiko, hindi puwedeng hatulan agad ang isang tao base lang sa unang clip na kumalat online. Under the Constitution, no one should be deprived of rights without due process, meaning may notice at real opportunity to be heard bago maglabas ng desisyon na makakaapekto sa kanya. (1987 Constitution, Art. III, Sec. 1)
Administrative discipline must be based on evidence, not public pressure.
Kung may ebidensiya ang pulis na nagpapakita ng buong pangyayari, may karapatan siyang ipakita iyon. Kung may paliwanag siya, may karapatan siyang marinig. At kung may administrative case laban sa kanya, hindi ito dapat idaan sa “trial by social media,” kundi sa tamang proseso kung saan ang minimum is: na-inform siya sa paratang at nabigyan ng pagkakataong sumagot at magdepensa.
Sa mga kasong administrative, due process still requires that the decision be grounded on evidence on record, and not on public outrage, assumptions, or media pressure. Ang standard ay substantial evidence, at ang hatol dapat malinaw ang factual at legal basis.
Ang tanong ay: Nasunod ba ang due process?
Dahil sa batas, hindi sapat ang “mukhang mali.” Kailangan ng ebidensiya, patas na pagkakataong marinig ang lahat ng panig, at desisyong nakabatay sa facts on record, not feelings o pagbatikos ng publiko. Due process protects the innocent and ensures accountability for the guilty.