11/09/2025
FROM SC FB PAGE
Nilinaw ng na dapat pagpasiyahan ng Human Settlements Adjudication Commission (HSAC), dating Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB), at hindi ng Regional Trial Court (RTC) ang mga alitan hinggil sa mga kontrata sa condominium.
Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, pinawalang-bisa ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema ang naging pasya ng RTC na may sibil na pananagutan sa isa't isa sina Vivien M. Cadungog (Cadungog) at Sung Ha Jung (Sung) dahil sa isang kontrata ng pagbebenta na kinasasangkutan ng isang condominium unit.
Sa ilalim ng kontrata, pumayag si Cadungog, isang developer ng isang condominium building sa Cebu City, na ilipat ang unit kay Sung kapag nakumpleto na niya ang pagbabayad ng PHP 3.5 milyon. Nagbayad si Sung ng PHP 175,000 na paunang bayad, at nasundan ng PHP 3 milyon. Ang naiwang balanse ay PHP 258,950. Dahil sa hindi nabayarang halaga, tumanggi si Cadungog na ilipat ang unit.
Nagsampa si Sung ng reklamong kriminal laban kay Cadungog dahil sa paglabag sa Presidential Decree No. (PD) 957 o ang Subdivision and Condominium Buyers’ Protective Decree.
Pinawalang-sala ng RTC si Cadungog sa kasong kriminal ngunit iniutos pa rin sa kanya na ilipat ang unit kapag nabuo ang bayad ng presyo ng pagbili o ibalik ang halagang nabayaran na ni Sung. Kwinestiyon ni Cadungog ang desisyong ito at iginiit niyang walang hurisdiksyon ang RTC sa sibil na aspeto ng kanyang kaso na hawak dapat ng HLURB.
Nagdesisyon ang Korte Suprema pabor kay Cadungog at idineklara nito na walang bisa ang desisyon ng RTC sa usaping sibil ng kaso.
Ipinaliwanag nito na habang maaaring mapagpasyahan sa isang kasong kriminal ang pananagutang sibil, hindi ito nalalapat kapag ang pananagutan ay nagmula sa isang kontrata, tulad ng sa kasong ito.
Binigyang-diin ng Korte na nag-ugat sa kanilang kontrata sa pagbebenta ang civil dispute nina Cadungog at Sung.
Dagdag pa ng Korte, sa ilalim ng PD 957, as amended, may eksklusibong hurisdiksyon ang HLURB (ngayon ay HSAC) sa mga kaso na kinasasangkutan ng kontraktwal at legal na mga obligasyon sa pagitan ng mga mamimili at mga developer ng mga proyekto sa real estate. May awtoridad ang HLURB sa mga ganitong kaso mula nang magsampa ng reklamo si Sung.
Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=151440.
Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=151432.
Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.
https://www.facebook.com/photo?fbid=820476573977172&set=a.112126301478873