Dassun Law Office

Directions

Dassun Law Office “Justice is the constant and perpetual will to give each his due.” – Ulpian

Committed to fairness, integrity, and making justice a reality for all.

21/06/2026
Criminal liability presupposes a sound and discerning mind. Where mental illness deprives a person of the capacity to ap...
27/04/2026

Criminal liability presupposes a sound and discerning mind. Where mental illness deprives a person of the capacity to appreciate the wrongfulness of the act, the law withholds punishment and instead recognizes the absence of criminal intent.

Pinawalang-sala ng ang isang ina sa kasong parricide kaugnay ng pagkamatay ng kanyang anak na babae. Inabswelto siya sa pananagutang kriminal matapos mapatunayan na mayroon siyang schizophrenia, isang kondisyong nag-alis sa kanyang kakayahang matukoy ang kamalian ng kanyang ginagawa.

Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Samuel H. Gaerlan, pinagbigyan ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema ang apela ng isang ina at binaliktad ang sentensya nito sa kasong parricide base sa legal insanity o kawalan ng katinuan ng pag-iisip dulot ng schizophrenia, isang exempting circumstance sa ilalim ng Revised Penal Code.

Naharap sa sakdal ang ina matapos siyang makitang kayakap ang kanyang limang-taong gulang na anak habang tumatalon mula sa isang tulay, na nauwi sa pagkamatay ng bata.nBagama’t nailigtas ang ina, hindi na nahanap ang bata hanggang matagpuan ang katawan nito sa ilog kinabukasan.

Ikinatwiran ng ina na wala siya sa tamang pag-iisip nang panahong iyon. Ang huli niyang natandaan ay ang paglalakad niya kasama ang kanyang anak. Sinabi niyang nagkamalay na lang siya habang lumulutang na sa ilog.

Isang lisensyadong doktor mula sa National Center for Mental Health (NCMH) ang nagpatunay na ang ina ay may diagnosis na schizophrenia.

Hinatulan ng Regional Trial Court (RTC) ang ina ng reclusion perpetua o hanggang apatnapung taong pagkakakulong sa paniniwalang matino siya nang mangyari ang insidente. Inihain lamang niya ang depensang insanity matapos ang pagpresenta ng ebidensiya ng prosekusyon. Pinagtibay ito ng Court of Appeals.

Hindi sumang-ayon ang Korte Suprema. Sinabi nito na walang kriminal na pananagutan ang ina dahil naging hadlang ang kondisyon ng kanyang pag-iisip para maunawaan niya ang kamalian ng kanyang ginawa.

Ang insanity o kawalan ng katinuan ay isang sakit o depekto ng utak na makikita sa pananalita o kilos ng isang tao. Sa ilalim ng Artikulo 12 ng Revised Penal Code, isa ito sa mga pagkakataon na nagpapalaya sa isang tao mula sa pananagutang kriminal.

Sa kasong People v. Paña, naglatag ang Korte Suprema ng tatlong basehan para mapatunayang ang insanity bilang exempting circumstance:

•Una, dapat umiiral ang insanity sa oras ng paggawa ng krimen;
•Pangalawa, dapat napatunayan ito ng medisina; at
•Pangatlo, dapat nawalan ng kakayahang unawain ang kamalian ng kanyang kilos ang akusado dahil dito.

Ayon sa Korte Suprema, napatunayan ng ina ang kanyang kondisyon sa tulong ng testimonya at mga ulat mula sa mga psychiatrist. Ang schizophrenia ay isang malalang sakit kung saan hindi na makilala ng tao ang pagkakaiba ng pantasya sa realidad, na kadalasang may kasamang mga guni-guni (hallucinations at delusions).

Bagama't malaya sa pananagutang kriminal, nananatiling may pananagutang sibil ang ina. Iniutos ng SC na magbayad siya sa mga tagapagmana ng biktima ng PHP 75,000 bilang civil indemnity; PHP 200,000 para sa moral, exemplary, at temperate damages.

Iniatas din ng SC ang agarang paglilipat sa ina mula sa Correctional Institution for Women patungo sa NCMH para sa kanyang gamutan. Maaari lamang siyang mapalaya sa utos ng RTC base sa rekomendasyon ng kanyang doktor.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164320.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164308.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


Bago ka bumili ng lupa, basahin mo ito.Hindi porket may titulo ay wala nang problema ang property.Maraming bumibili ng l...
14/04/2026

Bago ka bumili ng lupa, basahin mo ito.

Hindi porket may titulo ay wala nang problema ang property.

Maraming bumibili ng lupa na akala nila maayos ang papeles, pero nauuwi sa problema tulad ng double sale, maling titulo, o may ibang umaangkin.

Bago ka maglabas ng malaking halaga, tandaan ang mga ito:
1. Kumuha ng certified true copy ng titulo mula sa Registry of Deeds
2. Siguraduhing tugma ang pangalan ng nagbebenta sa nakasaad sa titulo
3. I-check kung may nakatalang adverse claim, lien, o encumbrance
4. Siguraduhing updated ang real property taxes o amilyar
5. I-verify ang aktwal na kalagayan ng lupa

Ang pagbili ng lupa ay hindi lamang usapin ng tiwala. May mga batas na nagtatakda kung kailan nagiging ganap ang bentahan at kung paano napoprotektahan ang karapatan ng bumibili.

Kung hindi masusuri nang maayos ang dokumento, maaaring malagay sa alanganin ang iyong pagmamay-ari, kahit may hawak kang kasulatan.

Kung nais mong magpa-review ng dokumento o magpa-check bago bumili ng lupa o property, maaari kang magpadala ng mensahe upang makapag-set ng consultation.

Laging tandaan: Ligtas ang may alam.🫡🫡🫡

Ang post na ito ay para sa pangkalahatang impormasyon lamang at hindi kapalit ng legal advice para sa isang partikular na sitwasyon o kaso.

📞 0906-769-0521
📧 [email protected]

Dassun Law Office
Pasig City

MAY PARAAN PARA MAKASINGIL NG UTANG.Hindi porket walang kulong sa utang ay wala ka nang magagawa. May malinaw na legal n...
05/04/2026

MAY PARAAN PARA MAKASINGIL NG UTANG.

Hindi porket walang kulong sa utang ay wala ka nang magagawa. May malinaw na legal na proseso para ma-enforce ang pagbabayad.

ANO ANG SMALL CLAIMS?

Kung ang claim ay hindi lalampas sa ₱1,000,000 (exclusive of interest, damages, at costs), maaari itong ihain bilang Small Claims case alinsunod sa A.M. No. 08-8-7-SC.

Kabilang dito ang:
• pautang o utang
• upa (rent)
• bayad sa serbisyo
• credit o installment
• kasunduang may kinalaman sa pagbabayad ng pera (kabilang ang naayos sa barangay)

PAANO ANG PROSESO?

1. Demand Letter
Karaniwang unang hakbang ang pormal na pagsingil.

2. Barangay
Kung parehong indibidwal ang parties at sakop ng barangay jurisdiction, karaniwang dumadaan muna sa barangay conciliation.

3. Small Claims Case
Kung walang kasunduan, maaaring mag-file sa korte.
May summary hearing o evaluation, at maglalabas ng desisyon ang hukuman.

Kapag ang kabilang partido ay corporation, partnership, o ibang juridical entity, hindi na dumadaan sa barangay. Kinakailangan lamang ng tamang authority tulad ng Secretary’s Certificate o Board Resolution.

EPEKTO:

Maaaring hindi makulong ang may utang, ngunit maaari siyang obligahin ng korte na magbayad. Kung kinakailangan, maipapatupad ang desisyon sa pamamagitan ng ex*****on proceedings ayon sa batas.

PAALALA:

Hindi pare-pareho ang bawat kaso. Ang tamang hakbang ay nakadepende sa facts, dokumento, at applicable law.

Ang post na ito ay para sa pangkalahatang impormasyon lamang at hindi kapalit ng legal advice.

📩 Para sa proper assessment ng inyong sitwasyon, message lamang po.
📞 0906-769-0521 (by appointment)
[email protected]

Laging tandaan: ligtas ang may alam.🫡🫡🫡

Dassun Law Office ⚖️
Pasig City

MAY PROBLEMA SA KASAL?Hindi lahat ng sitwasyon ay annulment agad.May iba’t ibang legal remedies depende sa facts.ANO-ANO...
20/03/2026

MAY PROBLEMA SA KASAL?
Hindi lahat ng sitwasyon ay annulment agad.
May iba’t ibang legal remedies depende sa facts.

ANO-ANO ANG MGA LEGAL REMEDIES SA PILIPINAS KAPAG MAY PROBLEMA SA KASAL?

Hindi lahat ng problema sa pagsasama ay iisa ang legal na solusyon. Depende sa sitwasyon, may iba’t ibang remedies na maaaring available sa ilalim ng batas.

1. Legal Separation
Hindi nito pinapawalang-bisa ang kasal. Mananatiling kasal ang mag-asawa, ngunit maaari silang payagang mamuhay nang magkahiwalay, kasama ang mga legal effects nito sa ari-arian at iba pang usaping saklaw ng batas.

Halimbawa:
Sa ilang sitwasyon, maaaring may grounds na nakasaad sa batas, gaya ng repeated violence, abandonment, o iba pang seryosong pangyayari.

Effect:
Maaaring mamuhay nang magkahiwalay ang mag-asawa, ngunit hindi pa rin sila maaaring magpakasal sa iba.

2. Annulment of Marriage
Ito ay tumutukoy sa mga kasal na valid sa simula, ngunit maaaring ipa-annul kung may legal ground na nakasaad sa batas.

Halimbawa:
Sa ilang pagkakataon, maaaring may issue na may kinalaman sa consent, gaya ng force, intimidation, o iba pang circumstances na nakasaad sa batas.

Effect:
Kapag na-grant ng korte, ang kasal ay maaaring mapawalang-bisa sa pamamagitan ng judicial process, kasama ang mga legal effects na ayon sa batas.

3. Declaration of Nullity of Marriage
Ito naman ay para sa mga kasal na void from the beginning sa ilalim ng batas.

Halimbawa:
Maaaring kabilang dito ang ilang sitwasyon tulad ng pagkakaroon ng naunang kasal na may bisa pa, kawalan ng marriage license kung kinakailangan ng batas, o iba pang grounds na maaaring magresulta sa kawalan ng bisa ng kasal mula pa sa simula.

Effect:
Kapag naideklarang void ng korte, ang kasal ay itinuturing na walang bisa sa ilalim ng batas, kasama ang mga kaukulang legal effects nito.

4. Iba Pang Kaugnay na Remedies
Depende sa facts, maaari ring may ibang legal actions na may kinalaman sa:

• custody of children
• support
• property rights
• violence or abuse cases
• correction or clarification of civil status records

⚖️ Paalala:
Ang matagal na paghihiwalay ay hindi awtomatikong nagpapawalang-bisa ng kasal. Kailangan pa rin ng wastong legal na proseso at kaukulang desisyon ng hukuman upang maayos ang civil status ng isang tao sa ilalim ng batas.

Mahalagang tandaan na hindi pare-pareho ang legal remedy sa bawat sitwasyon. Ang nararapat na hakbang ay nakadepende sa tunay na facts, available documents, at applicable law.

Laging tandaan: Ligtas ang may alam.🫡🫡🫡

📩 Ang post na ito ay para sa pangkalahatang impormasyon lamang at hindi kapalit ng legal advice para sa isang partikular na sitwasyon o kaso.

📞 0906-769-0521
📧 [email protected]

Dassun Law Office ⚖️

08/03/2026

MATAGAL NANG HIWALAY PERO KASAL PA RIN SA BATAS?

Maraming Pilipino ang matagal nang hiwalay sa kanilang asawa—minsan ay 5, 10, o higit pang taon nang hindi nagsasama. May kanya-kanya nang buhay at kung minsan ay may bagong partner na rin.

Ngunit mahalagang tandaan na sa ilalim ng batas sa Pilipinas, ang kasal ay mananatiling valid hangga’t walang desisyon ang korte na nagpapawalang-bisa nito.

Ibig sabihin, kahit matagal nang hiwalay ang mag-asawa, mag-asawa pa rin sila sa mata ng batas hangga’t walang:

✔ Annulment of Marriage, o
✔ Declaration of Nullity of Marriage na ipinagkaloob ng korte.

⚠️ Reminder:

Habang may umiiral na kasal, maaaring magkaroon ng legal consequences kung magkakaroon ng bagong relasyon.

Halimbawa:

✔ Adultery o Concubinage – kung ang isa sa mga mag-asawa ay may relasyon sa ibang tao habang kasal pa rin. Maaari itong maging basehan ng criminal complaint na maaaring magresulta sa pagkakakulong kapag napatunayan sa korte.

✔ Hindi pa maaaring magpakasal muli sa ibang tao hangga’t walang court decision na nagpapawalang-bisa sa kasal.

✔ Maaaring magkaroon ng legal issues sa ari-arian, mana, at child custody, lalo na kung may mga anak na sangkot.

⚖️ Paalala:

Ang matagal na paghihiwalay ay hindi awtomatikong nagpapawalang-bisa ng kasal. Kinakailangan pa rin ng proseso sa korte at pinal na desisyon ng hukuman upang maayos ang marital status sa ilalim ng batas.

Laging tandaan: Ligtas ang may alam. 🫡🫡🫡

📩 Maaari kayong mag-message sa page para sa initial guidance.

📞 0906-769-0521
📧 [email protected]
📍 Pasig City (By Appointment)

📢 On Virtual Court HearingsMay mga bagong guidelines ang Supreme Court sa paggamit ng videoconferencing sa court proceed...
21/02/2026

📢 On Virtual Court Hearings

May mga bagong guidelines ang Supreme Court sa paggamit ng videoconferencing sa court proceedings, na layong palawakin ang access habang pinananatili ang mga umiiral na safeguards at rules.

Ilan sa mga benepisyo ng virtual hearings:

• Mas tipid sa oras at gastos lalo na sa biyahe at appearance
• Mas convenient para sa parties, witnesses, at counsel lalo na kung nasa malayo o abroad
• Mas mabilis ang scheduling at tuloy tuloy ang pagdinig ng kaso
• Mas accessible para sa mga nasa malalayong lugar

Gayunman, ito ay subject pa rin sa approval ng korte at sa umiiral na rules. May mga pagkakataon na kinakailangan pa rin ang personal na pagdalo depende sa sitwasyon ng kaso.

Dahil ang proseso sa korte ay nakabatay sa tamang pamamaraan at ebidensya, mahalaga pa rin ang pagsunod sa rules kahit virtual ang hearing.

Laging tandaan, ligtas ang may alam. 🫡

Sa isang Resolusyon na may petsang Nobyembre 4, 2025, sa A.M. Blg. 24-11-02-SC, nagpatupad ang Korte Suprema ng mahahalagang reporma para palawakin ang access sa videoconferencing, lalo na para sa mga indibidwal na may limitadong kakayahang digital (digitally disadvantaged individuals), at para mapahintulutan ang mas malawak na partisipasyon ng mga taong nasa ibang bansa.

Ang Binagong mga Alituntunin ay nalalapat sa pagsasagawa ng videoconferencing sa mga first- at second-level courts, sa Court of Appeals, sa Sandiganbayan, at sa Court of Tax Appeals. Saklaw nito ang lahat ng mga gawain at paglilitis sa alinmang yugto, kabilang ang pag-aayos ng alitan o mediation, konsultasyon, deliberasyon, at ang pagpapalabas ng mga desisyon at resolusyon, kapag isinasagawa sa pamamagitan ng videoconference.

Inaatasan na ngayon ang mga hukuman na tiyakin ang access sa videoconferencing para sa mga indibidwal na may limitadong kakayahang digital, kabilang ang mga nasa malalayong lugar o apektado ng kalagayang pampolitika. Maaaring kabilang dito ang pagde-deploy ng mga kawani ng hukuman para magbigay ng pansamantala o mobile na koneksyon sa internet.

Maaari ring magtayo ang mga hukuman ng mga itinalagang “access point” sa loob ng mga judicial regions kung saan puwedeng gumamit ang mga litigant, mga saksi, at iba pang kalahok sa paglilitis ng mga kompyuter at kagamitang pang-videoconferencing sa ilalim ng pangangasiwa ng hukuman.

Basahin ang kabuuan ng press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=160150.

Basahin ang kabuaan ng Resolusyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/wp-content/uploads/2026/01/A.M-No.-24-11-02-SC_FINAL.pdf.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


05/02/2026

WELCOME TO DASSUN LAW OFFICE ⚖️

We provide professional legal services with integrity, compassion, and results.

LEGAL SERVICES:

• Legal consultation and case assessment
• Court representation (civil, criminal, labor, and family cases)
• Notarial services (strictly by appointment)
• Drafting of contracts, affidavits, and other legal documents
• Demand letters and collection cases
• Retainer services for individuals and businesses
• Corporate and business legal assistance (contracts, compliance, legal opinions)
• Family law concerns (support, custody, annulment)
• Labor and employment disputes (illegal dismissal, backwages, money claims)
• Property, land title, and real estate concerns (Deed of Sale, Extrajudicial Settlement, title transfer, land disputes)
• Criminal defense and case assistance
• OFW and overseas client documentation (SPA, affidavits, consularized documents, and related concerns)
• Immigration and foreign client assistance (recognition of foreign divorce, dual citizenship concerns, visa-related documentation)
• Civil registry and PSA corrections (birth certificate issues, Rule 108 petitions, late registration concerns)

📩 For inquiries, kindly message this page and provide your complete name and a brief summary of your concern.

📍 Office Address: 089 Victoriano Baltazar St. Santo Tomas, Pasig City
📞 Contact Number: 0906-769-0521
📧 Email: [email protected]

Dassun Law Office — with a heart. ♥️ ⚖️

Address

089 , Victoriano Baltazar Street
Pasig
1600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dassun Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share