All About Law & Justice

All About Law & Justice Bueno Law & Partners is a law firm that provides an exceptional legal service.

We are renowned for our commitment to excellence and for our ability to find innovative solutions to the most complex legal problems.

22/07/2022

How similar is too similar? (The Kolin trademark case) By Atty. Rene Bueno Businesses and companies offer different similar goods and services to consumers across the country. The goal of every business is to have its reputation and prestige and for consumers to know it as a brand different from oth...

Sa lahat ng wedding vows, kadalasang sinasabi na only death should separate spouses. Ngunit sa ilalim ng ating batas may...
11/06/2022

Sa lahat ng wedding vows, kadalasang sinasabi na only death should separate spouses. Ngunit sa ilalim ng ating batas may mga paraan kung saan ang legal na kasal ay pwedeng ipawalang bisa tulad ng pagsasampa ng annulment of marriage o ang paghingi ng declaration of nullity of marriage sa korte. Minsan, may mga dahilan ng paghihiwalay na hindi pwedeng ma annul ang kasal. Dahil dito, ang mag asawa na tuluyan ng ayaw ng magsama sa iisang bubong ay nagsasampa na lamang ng petition for legal separation. Ano nga ba ang legal separation?

Ang "legal separation" ay kakaiba sa annulment of marriage. Sa ilalim ng legal separation ang mag asawa ay itinuturing na legal na kasal pa din. Ang kanilang marital rights and duties are merely suspended but the ties of marriage are not severed. Sila ay mag asawa pa rin sa ilalim ng batas.

Isa sa unique feature ng legal separation ay ang tinatawag na "cooling off" period na kung saan ang trial ay uusad lamang pagkatapos ng anim na buwan. Dapat mapatunayan na nagkaroon ng mga hakbang upang mapagkasundo ang mag asawa ngunit sa kabila nito ang pagkakasunduan ay highly improbable na. Dapat din na maisampa ang petition sa hukuman sa loob ng limang taon from the time the ground became known katulad ng repeated physical violence against the spouse o sexual infidelity.

Kapag ang petition for legal separation ay naigawad ng hukuman ang mag asawa will be allowed to live separately. Ang kanilang mga ari-arian whether under absolute community or conjugal partnership shall be dissolved and liquidated na kung saan ang guilty spouse will have no right to any share of the net profits. Ang nagkasalang asawa ay tatanggalan din ng karapatan na magmana sa innocent spouse.

Ang legal na paghihiwalay ay hindi nangangahulugan ng pagbibigay ng karapatan upang makapagpakasal na sa iba sapagkat ang kanilang kasal ay may bisa pa. Kung saka sakali na sila ay magpakasal sa iba they run the risk of being prosecuted for the crime of bigamy kahit gaano pa katagal na naigawad ang desisyon ng legal separation.

Ang legal separation ay separation only from bed and board. Hindi nito pinapawalang bisa ang kasal. The marriage ties are still there.

May karapatan ba ang isa sa mag ka live-in partner na mag demand ng share sa mga ari-arian na naipundar nila ng kanyang ...
06/06/2022

May karapatan ba ang isa sa mag ka live-in partner na mag demand ng share sa mga ari-arian na naipundar nila ng kanyang kinakasama sa loob ng maraming taon nilang pagsasama kung sila ay maghihiwalay? Paano kung ang kanyang kinakasama ay nadiskubre nyang meron palang legal na asawa?
Ayon sa Korte Suprema sa kaso ni Guillerma Tumlos vs. Spouses Mario Fernandez, ang isang lalaki at babae na walang kapasidad na magpakasal ngunit nagsama bilang mag-asawa ay pwedeng ma consider na pawang may me-ari ng mga ari-arian na kanilang naipundar during the cohabitation, ngunit kailangan patunayan nila na sila ay nagkaroon ng actual na kontribusyon sa pagpupundar ng mga ari-arian. Kaya, ang isang pagsasama na walang ebidensya ng actual na kontribusyon sa pagbili ng mga ari-arian ay hindi mauuwi sa isang co-ownership ayon sa Artikulo 148 ng Family Code lalong lalo na kung ang isa sa kanila na talagang actual na nagpundar ay legal na kasal na pala sa iba.
G.R. No. 137650, April 12, 2000
Guillermo Tumlos vs. Spouses Mario Fernandez

Address

1901 Jollibee Plaza Condominium, F. Ortigas Jr. Road, Ortigas Center
Pasig
1605

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when All About Law & Justice posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share