18/03/2026
Ano ang kaso Kung sinira ang mohon👇
👉Ang mohon ay opisyal na boundary marker
ng lupa na ginagamit ng surveyor at kinikilala sa titulo at survey plan. Kaya kapag sinira, tinanggal, o inilipat ito nang walang pahintulot, may legal na pananagutan ang gumawa.
⚖️ Mga posibleng kaso:
1️⃣ Malicious Mischief
Sa ilalim ng Revised Penal Code of the Philippines, maaaring kasuhan ng Malicious Mischief ang sinumang sadyang sumira o nagtanggal ng ari-arian ng iba, kabilang na ang mohon.
📌 Parusa:
Multa
o pagkakakulong depende sa halaga ng pinsala.
2️⃣ Violation of Property Rights / Civil Case
Pwede ring magsampa ng civil case ang may-ari ng lupa para sa:
danyos o damages
pagpabalik o pagpapa-ayos ng boundary marker
3️⃣ Survey-related violations
Kung ang mohon ay bahagi ng opisyal na survey na ginawa ng lisensyadong surveyor, ang pagtanggal nito ay maaaring magdulot ng boundary dispute at kailangan pang ipa-re-survey.
✅ Practical tip:😏
Kung may taong nagtanggal o sumira ng mohon:
Kumuha ng picture o ebidensya
I-report sa Barangay para sa mediation
Kung hindi maayos, pwede nang mag-file ng kaso
📌 Tandaan:☺️
Ang mohon ay legal na reference ng boundary ng lupa.
Hindi ito basta pwedeng galawin, sirain, o ilipat.