13/08/2024
Magandang araw po sa inyong lahat.
Mayroon tayong mga katanungan tungkol sa mga kasong ang hinahabol ay maliit na halaga lamang. Nais po naming ipaalala sa lahat na may mg kasong hindi kailangan ng abogado para habulin sa korte. Mayroon po tayong small claims court, ito po yung mga MTC, MTCC at MCTC's, na pwedeng dulugan ng inyong mga kaso. Inuulit ko, hindi po kailangan ng abogado dito. Sa totoo lang bawal kami sa small claims.
Kung ang inyong hahabulin ay civil na kaso lang, katulad ng danyos, utang, o kung anumang habulin na hindi lalampas sa P200,000.00, ito po ang mga dapat gawin.
Una, padalhan nyo ng demand letter yung kalaban nyo. Pwede namang simple lang na demand letter iyon, importante nakalagay kung magkano, ilang araw na palugit ang ibibigay at paalala na hindi siya nagbayad ay isasampa ninyo sa korte ang kaso. Pag hiindi nagbayad...
Pangalawa, kung kayo ay nasa iisang barangay, o magkaibang barangay sa iisang lungsod o munisipalidad, o magkadikit na barangay sa magkaibang lungsod, kailangan po munang dalhin ang reklamo sa barangay. Kung hindi kayo magkakaayos hihingi kayo ng Certificate to File Action sa Barangay. Yung hindi magkalungsod, hindi na kailangan ng CFA.
Pangatlo, kumpletuhin muna ang mga ebidensya, katulad ng kasunduan, mga resibo, demand letter at CFA.
Pang-apat, pumunta sa inyong korte, MTC sa Maynila, MTCC sa abas ng maynila at MCTC sa ibang lugar pa ng Pilipinas at pumunta sa Office of the Clerk of Court. May pipirmahan lang kayo na Complaint Form doon, ikakabit ang mga ebidensya at magbabayad ng filing fee na hindi lalampas sa Php 5, 000.00.
Antayin nyo na i-schedule ang kaso ninyo. Tatakbo ito ng mabilis at maayos.
Mabuti na malaman ng hindi pa nakakaalam ang prosesong ito upang kayo ay matulungan sa inyong mga maliit na kaso.
Sana nakatulong kami. Salamat po.
Send a message to learn more