Ate Aileen Claire Riate

Ate Aileen Claire Riate Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ate Aileen Claire Riate, Legal, Parañaque.

Bachelor of Laws Graduate 🧑‍🎓
Masters in Educational Leadership
De la Salle University Academic Scholar
Graduated with High Honors
Graduated with Highest GPA (Centennial College-Toronto)
Former School Directress and Principal
Teacher

23/09/2026

Dalaw Bahay, Masiglang Buhay 💛

Muling dumalaw si Ate Aileen Claire Riate sa Kabesang Cilio, Tambo, upang kamustahin si Nanay Soledad Badel.

Sa simpleng pagdalaw, may mga kuwentong nababalikan, mga ngiting naibabahagi, at isang pusong muling napapaalala na may mga taong handang dumamay at makinig. 💛

Dahil para kay Ate Aileen, ang tunay na malasakit ay nagsisimula sa paglalaan ng oras upang kumustahin at pakinggan ang bawat isa.

Habang tayo ay nagda-dalaw bahay sa Sitio Maligaya, mga magagandang ngiti naman ang sumalubong sa atin. 😊💛Talaga namang ...
22/09/2026

Habang tayo ay nagda-dalaw bahay sa Sitio Maligaya, mga magagandang ngiti naman ang sumalubong sa atin. 😊💛

Talaga namang maliligaya ang mga taga-Sitio Maligaya! 😀💛

Maraming salamat din kay SK Aspirant Kuya Earl at kanyang napaka gandang Mommy, sa mainit na pagtanggap at pakikipagkwentuhan kay Ate Aileen. 💛

22/09/2026

Dalaw Bahay, Masiglang Buhay 💛

Ngayong araw, bumisita si Ate Aileen Claire Riate sa Sitio Maligaya, Baclaran upang kamustahin at mahandugan ng kaunting tulong si Kuya Jhon Macabugwas.

Hindi niya inaasahan na mauuwi sa luha ang kanilang pagkikita. Sa simpleng kwentuhan at pangungumusta, ramdam ang bigat ng pinagdaraanan ni Kuya Jhon. 💛

Ang presensya, pakikinig, at malasakit ay maaaring maging malaking bagay sa isang pusong nangangailangan ng karamay. Sana ay kahit sa munting paraan, napagaan ni Ate Aileen ang kanyang pakiramdam at naiparamdam na hindi siya nag-iisa.

Maraming salamat din po kay Ate Gina sa pagsama at pakikiisa sa aming pagdalaw. 💛

22/09/2026

Dalaw Bahay, Masiglang Buhay 💛

Muling nagtungo si Ate Aileen Claire Riate sa Kabesang Cilio upang dalawin at kamustahin si Ate Yolanda, at makapag abot ng kaunting tulong 🤝

Sa simpleng pagdalaw, nawa’y madama ninyo ang aming malasakit at pag-aalala. Patuloy po ang aming panalangin para sa inyong agarang paggaling, kalakasan, at mabuting kalagayan. 🙏

21/09/2026

Dalaw Bahay, Masiglang Buhay 💛

Bumisita si Ate Aileen Claire Riate kay Ate Julieta Valenzuela sa Kabesang Cilio, Barangay Tambo, upang mangumusta at makapaghatid ng kaunting tulong. Maraming salamat din kay Tita Zenny sa pag-sama sa atin.💛

Mas naging espesyal ang pagdalaw na ito dahil ang Kabesang Cilio ay minsan ding naging tahanan at bahagi ng buhay ni Ate Aileen. Sa kanyang pagbabalik, dala niya hindi lamang ang simpleng tulong, kundi pati ang mga alaala at malasakit sa lugar na minsan din niyang tinawag na tahanan. 💛

KABABAIHAN LAUNCHING PARA SA AKSYON RESULTA 💛📍 Valley 6 & Camella HomesIsang makabuluhang pagtitipon ng mga kababaihang ...
20/09/2026

KABABAIHAN LAUNCHING PARA SA AKSYON RESULTA 💛
📍 Valley 6 & Camella Homes

Isang makabuluhang pagtitipon ng mga kababaihang nagkakaisa para sa mas aktibo at mas makabuluhang pakikilahok sa ating komunidad.

Sa pangunguna nina Tita Pres. Wilma at Tita Vice Pres. Nelia, ipinakita ng ating mga kababaihan ang tunay na diwa ng pagkakaisa, malasakit, at sama-samang pagkilos.

Maraming salamat kay Mama Cha Yu sa pagiging ating masigla at mahusay na Emcee, at sa pagbibigay-buhay sa ating espesyal na pagtitipon.💛

Kababaihan na nagkakaisa.
Aksyon na may malasakit.
Resultang sama-samang nakakamit. 💛

Viva Nuestra Señora de Peñafrancia! 🙏Ngayong Araw ng Linggo, dumalo sa Banal na Misa si Ate Aileen Claire Riate kasama a...
20/09/2026

Viva Nuestra Señora de Peñafrancia! 🙏

Ngayong Araw ng Linggo, dumalo sa Banal na Misa si Ate Aileen Claire Riate kasama ang kanyang anak na si Thirdy, bilang pakikiisa sa Kapistahan ng Peñafrancia sa Villanueva, Brgy. San Dionisio.

Isang araw ng pananampalataya, panalangin, at pasasalamat. 🙏

PAKIKIRAMAY 🙏Nakiramay si Ate Aileen Claire Riate sa pamilya ni Ate Neddy Buergo ng Manggahan, Brgy. San Dionisio.Taos-p...
19/09/2026

PAKIKIRAMAY 🙏

Nakiramay si Ate Aileen Claire Riate sa pamilya ni Ate Neddy Buergo ng Manggahan, Brgy. San Dionisio.

Taos-pusong pakikiramay at panalangin para sa inyong pamilya.

Rest in peace Ate Neddy 🙏

PAKIKIRAMAY 🙏🕊️Dumalaw si Ate Aileen Claire Riate sa burol ni Ate Regina Tubilla ng Livelihood, Brgy. Sto. Niño, na dati...
19/09/2026

PAKIKIRAMAY 🙏🕊️

Dumalaw si Ate Aileen Claire Riate sa burol ni Ate Regina Tubilla ng Livelihood, Brgy. Sto. Niño, na dati rin niyang nadalaw sa kanilang tahanan.

Mula sa kanilang unang pagkikita sa isang Dalaw Bahay at simpleng kamustahan, muling nagbalik si Ate Aileen upang magpaabot ng pakikiramay at makiramay sa pamilya sa panahong ito ng pagluluksa.

Rest in peace, Ate Regina 🙏

Coffee break po muna ☕️💛
19/09/2026

Coffee break po muna ☕️💛

Address

Parañaque
1700

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ate Aileen Claire Riate posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category