Garcia Law Office

Garcia Law Office Attorney-at-Law | Notary Public

Let’s talk about the phrase "Pumirma lang, tumatak lang, kumikita na." If it were truly that simple, everyone would be d...
03/02/2026

Let’s talk about the phrase "Pumirma lang, tumatak lang, kumikita na." If it were truly that simple, everyone would be doing it. But the public only sees the five-second signature and stamp; they don’t see the decade of grueling sacrifice that earned the right to hold that seal. When a lawyer signs a document, you aren’t just seeing ink hitting paper—you are seeing the culmination of years in pre-law, in law school, and the mental marathon of the Bar Exams. You are seeing the result of thousands of hours spent over law books, cases, and the endurance of high-pressure recitations that most people wouldn't dare to take on.

Beyond the signature itself, there is the invisible struggle of running the practice. Behind the scenes, a lawyer is also a manager, balancing the pressure of running an office, supervising staff, and ensuring that every administrative detail meets the strict standards of the court. It’s a constant juggle of maintaining client relationships and honoring the profound trust people place in us. When a client hands us a document, they are handing us their livelihood, their properties, or their future. Building that trust takes years of consistency and ethical practice, yet it is something we must protect every single day.

Being a Notary Public in the Philippines is far from "easy money"; it is a heavy, public-facing responsibility that requires strict court compliance and meticulous record-keeping. Every time we seal a document, we are vouching for its integrity with our entire career on the line. A notary's signature is a legal guarantee that carries the full weight of the law; we aren't just charging for a signature, we are charging for the peace of mind that your document is valid and the fact that we are staking our professional life on its truth.

The risk is absolute: one fraudulent paper or a single procedural lapse can lead to disbarment, criminal charges, or even imprisonment. You aren't paying for the "seconds" it takes to sign or the "tatak lang"—you are paying for the expertise that protects your rights, the leadership required to manage a law office, and the massive professional liability we assume on your behalf.

A notary seal isn't a shortcut to "easy money"—it is a guarantee of integrity backed by a lifetime of hardship.

Stop saying a notarial stamp is “just a stamp.” People sacrifice time, sleepless nights, and so much more to earn the right to use it. If you think it’s easy, go ahead—stamp and sign it yourself.

📸 Atty. Phil Juris

📣
13/01/2026

📣

Thank you for making 2025 a remarkable year for Garcia Law Office. We are honored to have assisted you with your legal n...
31/12/2025

Thank you for making 2025 a remarkable year for Garcia Law Office. We are honored to have assisted you with your legal needs and look forward to serving you in the year ahead.

Please note that our team will be taking a short break to recharge; our office will be closed on January 2 and 3. We look forward to serving you again when we return on January 5, 2026.

𝑴𝒂𝒚 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝒃𝒓𝒊𝒏𝒈 𝒚𝒐𝒖 𝒂𝒏𝒅 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒍𝒐𝒗𝒆𝒅 𝒐𝒏𝒆𝒔 𝒑𝒆𝒂𝒄𝒆, 𝒉𝒆𝒂𝒍𝒕𝒉, 𝒂𝒏𝒅 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚 𝒔𝒖𝒄𝒄𝒆𝒔𝒔!

Merry Christmas! 🎄As the year draws to a close, we find ourselves reflecting on the people who make our work meaningful....
24/12/2025

Merry Christmas! 🎄

As the year draws to a close, we find ourselves reflecting on the people who make our work meaningful. We are truly grateful for the trust you have placed in us this year.

Wishing you and your family a Merry Christmas filled with peace, joy, and the company of loved ones.

We look forward to serving you in the New Year!✨

It’s almost time to celebrate! 🎄✨ Just an update that we will be operating on limited hours this week to give our team s...
22/12/2025

It’s almost time to celebrate! 🎄✨ Just an update that we will be operating on limited hours this week to give our team some time with their families.

​Thank you for understanding and Happy Holidays!

17/11/2025
05/11/2025
‼️‼️
23/10/2025

‼️‼️

Paalala mula sa IBP: Protektahan ang sarili laban sa pekeng abogado.

Verify before you trust.

📣‼️
30/08/2025

📣‼️

𝗧𝗔𝗫 𝗔𝗠𝗡𝗘𝗦𝗧𝗬 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗝𝗨𝗟𝗬 𝟲, 𝟮𝟬𝟮𝟲!

Good news! Para sa mga kababayan nating Angeleño na hindi nakapagbayad ng Real Property Taxes bago ang Hulyo 5, 2024, maaari na ninyong bayaran ang inyong buwis nang walang penalty at interes sa ilalim ng Tax Amnesty Program ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles.

Ipinapatupad ito ng Office of the City Treasurer alinsunod sa Republic Act 12001 o Real Property Valuation and Assessment Reform Act (RPVARA).

Para sa karagdagang impormasyon at iba pang payment options, maaari pong dumulog sa City Treasurer’s Office.

Huwag palampasin — hanggang Hulyo 6, 2026 lamang!

27/08/2025

Nagpasya ang na awtomatikong natatapos ang bisa ng isang Special Power of Attorney sa pagkamatay ng taong nagbigay nito. Anumang hakbang na gagawin ng kinatawan matapos ang pagkamatay ng principal ay walang bisa, maliban kung sakop ng mga exception sa ilalim ng batas.

Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, sinabi ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema na nawalan ng awtoridad si Jessica Alova Uberas (Jessica) na kumilos sa ngalan ng kanyang amang si Meliton Alova (Meliton), dahil natapos na ang bisa ng SPA sa pagkamatay ni Meliton noong 1998.

Taong 1998 nang nagpagawa si Meliton ng isang SPA pabor sa anak na si Jessica kaugnay ng ari-arian nilang mag-asawa. Namatay siya sa huling bahagi ng parehong taon. Sa kabila nito, ginamit ni Jessica ang SPA noong 2003 para makakuha ng loan mula sa San Miguel Foods, Inc. (SMFI) sa pamamagitan ng pagsangla sa ari-arian ng kanyang yumaong ama. Nabigong bayaran ni Jessia ang loan at na-foreclose ang ari-arian kung saan ang SMFI ang nanalong bidder.

Nagsampa ng kaso upang mapawalang-bisa ang mortgage at foreclosure sale sina Felicidad Alova at Decelyn Alova Pution, ang balo at iba pang anak ni Meliton.

Parehong nagpasya ang Regional Trial Court (RTC) at Court of Appeals (CA) na natapos ang bisa ng SPA sa pagkamatay ni Meliton. Gayunman, sinabi ng RTC na dahil may pagsang-ayon sa SPA ang asawa ni Meliton na si Felicidad, may bisa ang sangla sa kanyang kalahating bahagi ng conjugal property. Sa kabilang banda, idineklara ng CA na walang bisa ang mortgage dahil hindi ito isinagawa sa ngalan ng mag-asawang Meliton at Felicidad.

Umapela ang SMFI sa Korte Suprema na bahagyang nagpasya pabor dito nang itinaguyod ang pagwawakas ng ahensiya pero binigyang-bisa ang mortgage at foreclosure sale kaugnay sa bahagi ni Jessica sa ari-arian.

Paliwanag ng Korte Suprema, sa ilalim ng SPA na isang kontrata ng ahensiya, pinahihintulutan ng principal ang isang ahente na kumilos sa ngalan niya sa mga transaksiyon kaugnay ng ibang partido. Ang ahensiya ay personal, kinatawan, at hinango, at nagtatapos ito sa pagkamatay ng alinman sa prinsipal o ahente.

Walang bisa ang anumang aksiyon ng ahente pagkatapos mamatay ang prinsipal maliban kung napapailalim ito sa dalawang exception sa Civil Code: (1) kapag ang ahensiya ay para sa karaniwang interes ng mga partido, at (2) kapag ang ahente, na hindi batid ang pagkamatay o pagtatapos ng ahensiya, ay nakipagkontrata sa isang ikatlong partido nang may good faith.

Sa kasong ito, walang pagpapakita na naaangkop ang mga exception na ito. Ganap na alam ni Jessica ang pagkamatay ng kanyang ama at hindi ginawa ang SPA para sa benepisyo nilang dalawa.

Iginiit ng Korte Suprema na para maitali ang principal sa aksiyon ng isang ahente, dapat malinaw ang kasulatan na ginawa, pinirmahan, at sinelyuhan sa pangalan ng principal. Dito, nilagdaan ang mortgage ni Jessica sa kanyang personal na kapasidad bagama't inilarawan siya nito bilang attorney-in-fact ni Meliton.

Hindi rin nakasaad bilang principal sa ilalim ng SPA ang asawa ni Meliton na si Felicidad.

Gayunman, nilinaw ng Korte Suprema na hindi ganap na walang bisa ang mortgage at foreclosure sale. Awtomatikong naging co-owner ng property si Jessica pagkatapos ng pagkamatay ng kanyang ama. Noong pinirmahan niya ang mortgage, inilagay niya ang kanyang bahagi sa ari-arian upang matiyak ang kanyang obligasyon sa SMFI. Samakatuwid, may bisa lamang ang mortgage at foreclosure sale para sa bahagi ni Jessica sa ari-arian.

Ibinalik ng Korte Suprema ang kaso sa RTC para matukoy ang bahagi ni Jessica sa nasabing pag-aari at i-annotate ang mga bahagi ng iba pang tagapagmana ni Meliton, at ng SMFI na nakakuha ng interes ni Jessica.

Basahin ang press release sa https://tinyurl.com/27t9k6vy.

Basahin ang Desisyon sa https://t.co/hNAbdz5jd0.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

06/08/2025

Pinawalang-bisa ng ang pagbebenta ng dalawang lote dahil alam ng bumibili na hindi ang nagbebenta ang tunay na may-ari ng ari-arian.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh, kinansela ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema ang pagbebenta ni Bayani S. Cerilla (Cerilla) kay Edward C. Ciacho (Ciacho). Natuklasan ng korte na alam ni Ciacho na ang mga ipinagbiling ari-arian ay hindi pagmamay-ari ni Cerilla.

Ang kaso ay kinasasangkutan ng dalawang bahagi ng lupa sa Tacloban City na minana ni Adolfo T. De Guia (De Guia). Nang malapit nang ma-remata ang mga ari-arian dahil sa hindi pa nababayarang utang, humingi siya ng tulong kay Cerilla para bayaran ang pagkakasangla. Pinirmahan nila ang isang deed of sale, at ang mga titulo ng lupa ay inilipat sa pangalan ni Cerilla.

Makalipas ang ilang buwan, pumirma sila ng panibagong kasunduan para muling ibenta ang lupa kay De Guia. Para protektahan ang kanyang mga karapatan sa ilalim ng bagong kasunduang ito, naghain si De Guia ng adverse claim sa mga titulo.

Nang maglaon, pumasok sila sa isa pang kasunduan kung saan bibilhin ni Cerilla ang mga ari-arian mula kay De Guia sa halagang 15 milyong Piso sa kondisyong mapaaalis muna ni De Guia ang mga iligal na naninirahan sa mga lupain. Bilang paunang bayad ay nagbigay si Cerilla ng 1.675 milyong Piso kay De Guia.

Nang mabigo si De Guia na paalisin ang mga iligal na naninirahan, nangutang si Cerilla kay Ciacho, kung saan ang mga ari-arian ang naging kolateral. Gayunpaman, hindi mabayaran ni Cerilla ang utang, kaya hiniling ni Ciacho kay Cerilla na pumirma ng deed of sale sa mga ari-arian. Pumayag si Cerilla, ngunit hiniling kay Ciacho na huwag ilipat ang mga ari-arian sa kanyang pangalan.

Sa kabila nito, nirehistro ni Ciacho ang mga lupa sa kanyang pangalan. Nang malaman ito ni De Guia, nagsampa siya ng kaso sa Regional Trial Court (RTC) upang mapawalang-bisa ang pagbebenta.

Pinaboran ng RTC at Court of Appeals si De Guia. Walang kapangyarihan si Cerilla na ibenta ang mga ari-arian dahil isa lamang siyang "accommodation party," o isang taong tumulong sa mga papeles ngunit hindi siya ang tunay na may-ari. Hindi rin inosente si Ciacho dahil alam niyang may legal na pag-aangkin si De Guia sa mga ari-arian.

Sumang-ayon ang Korte sa desisyon ng RTC at CA na walang tunay na intensyon na ilipat ang pagmamay-ari mula kay De Guia patungo kay Cerilla. Kahit na nailipat na ang mga titulo ng lupa sa kanyang pangalan, hindi kumilos si Cerilla na parang siya ang may-ari ng mga lupa.

Sa ilalim ng Civil Code, dapat sumang-ayon ang mga partido sa ginawang pagbebenta para masabing may bisa ito. Ang mga naging aksyon ng mga partido sa panahon at pagkatapos ng kasunduan ay maaaring magsilbing batayan para matukoy ang kanilang layunin. Ang nagbebenta ay dapat din ang may-ari ng ari-arian o may awtoridad na magbenta.

Sa sitwasyong ito, ang muling pagbebenta ng mga ari-arian mula kay Cerilla tungo kay De Guia sa loob ng maikling panahon, gayundin ang paghiling ni Cerilla kay Ciacho na huwag irehistro ang mga ari-arian sa ilalim ng kanyang pangalan, ay nagpapahiwatig na walang intensyon si De Guia na ilipat ang pagmamay-ari ng mga ari-arian.

Dagdag pa ng Korte, hindi maaaring magpanggap si Ciacho na isang inosenteng mamimili dahil alam niya ang katotohanan na dapat ay nagdulot ng pagdududa tungkol sa pagmamay-ari ni Cerilla sa mga lupain. Alam niya ang naunang bentahan sa pagitan nina De Guia at Cerilla at ang legal na pag-angkin ni De Guia na nakasulat sa mga titulo.

Basahin ang kabuuan ng Press Release sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-no-valid-sale-if-buyer-knows-seller-is-not-true-owner/

Basahin ang kabuuan ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/259051-edward-c-ciacho-vs-spouses-adolfo-t-de-guia-and-fe-alma-v-de-guia-et-al/

Basahin ang hiwalay na concurring opinion ni Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa sa https://sc.judiciary.gov.ph/259051-separate-concurring-opinion-justice-alfredo-benjamin-s-caguioa/

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


27/06/2025

Nagpasya ang na ang isang kasunduan sa pagbebenta ng lupa ay may bisa kahit hindi nakasulat kung ito ay bahagya o ganap nang naipatupad.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Samuel H. Gaerlan, kinatigan ng Third Division ng Korte ang berbal na pagbebenta ng lupa sa pagitan nina Marcos Batara (Batara) at ng kanyang pamangkin na si Benedicto Ocampo (Ocampo). Bagamat walang nakasulat na kontrata, sinabi ng Korte na may bisa ang pagbebenta dahil natanggap na ni Ocampo ang titulo ng lupa, nakalipat na siya sa ari-arian, at nagtanim ng mga pananim dito.

Nakarehistro ang lupa sa pangalan ni Batara na namatay noong 1974. Nalaman lang ng kanyang mga anak na sina Noblesa at Ernesto ang tungkol sa ari-arian noong 2007. Nakatanggap sila ng notice na magbayad ng hindi pa nababayarang buwis sa real estate at nalaman din na doon nakatira ang kanilang pinsan na si Ocampo.

Sina Noblesa at Ernesto ay nagsampa ng kaso para bawiin ang lupain mula kay Ocampo at sinabing sila ang mga nararapat na tagapagmana.

Sinabi ni Ocampo na binili niya ang lupa kay Batara noong buhay pa siya. Nang namatay si Batara, patuloy na nagbabayad si Ocampo ng hulugan kay Marcelo, kapatid ni Batara at tagapag-alaga ni Noblesa.

Inamin ni Ocampo na ang pagbebenta ay hindi napatunayan ng anumang nakasulat na dokumento dahil namatay si Batara bago pa nila maisagawa ang mga kinakailangan. Pero iprinisenta ni Ocampo ang kopya ng titulo ng lupa ng may-ari bilang patunay na sinasabing ibinigay ito ni Batara sa kanya pagkatapos ng unang pagbabayad noong 1972.

Nagdesisyon pabor kina Noblesa at Ernesto ang Regional Trial Court (RTC) at Court of Appeals (CA) na nagsabing mas may karapatan sila sa ari-arian dahil nakarehistro ito sa pangalan ng kanilang ama. Dagdag pa rito, walang sapat na patunay ng pagbebenta maliban sa mga pahayag ni Ocampo.

Binaliktad ng Korte Suprema ang desisyon ng RTC at CA.

Sa ilalim ng Civil Code, ang pagbebenta ng lupa ay dapat na nakasulat para maipatupad ito sa korte. Ang nakasulat na dokumentong ito ay nagsisilbing patunay na ang magkabilang partido ay sumang-ayon sa pagbebenta. Pero ang pagbebenta ay itinuturing na may bisa pa rin kahit na walang nakasulat na kontrata kung ito ay ganap na o bahagyang naisakatuparan na. Sa ganitong mga kaso, ang isang berbal na kasunduan ay maaari pa ring magkaroon ng legal na bisa, at ang mga saksi ay maaaring payagang tumestigo upang patunayan na nangyari ang bentahan.

Dagdag pa ng Korte, ang pag-aari ng lupa at pagpapagawa ng mga pagbabago ay matibay na senyales na nagkaroon na ng verbal sale. Kaya ang mga mamimili na nakatira na sa ari-arian ay maaaring gamitin ang kasunduang berbal bilang legal na batayan sa kanilang pagmamay-ari kahit na walang nakasulat na kontrata.

Sa kasong ito, ang pagbebenta ay bahagyang naipatupad dahil bahagyang binayaran ni Ocampo ang lupa, lumipat siya rito, natanggap niya rin ang titulo ng lupa, at nagbayad din ng amilyar. May patunay na may bentahan base sa mga testimonya ni Ocampo at ng kanyang mga testigo.

Pero sinabi ng Korte na hindi si Marcelo ang awtorisadong tumanggap ng bayad sa ngalan ng mga tagapagmana ng kanyang kapatid. Kaya kahit nananatiling wasto at may bisa ang pagbebenta, kailangang bayaran ni Ocampo ang natitirang balanse ng presyo ng pagbili na may kasamang interes kina Noblesa at Ernesto.

Basahin ang press release sa https://tinyurl.com/yeapyzcd.

Basahin ang Desisyon sa https://tinyurl.com/msxr7hsd.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


Address

Piknik Avenue, Nepo Mart
Pampang
2009

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 3pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Garcia Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share