Popo - Registered Real Estate Salesperson

Popo - Registered Real Estate Salesperson Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Popo - Registered Real Estate Salesperson, Estate agents, Palayan City.

22/04/2026
19/04/2026

“Sir, bakit bibili kung hindi pa tapos?”

Yan din ang tanong niya dati.

Takot.
Hindi sigurado.
Gusto muna niya makita bago mag-decide.

So naghintay siya.

Habang siya naghihintay…
may ibang bumili na.

Same project. Same presyo.
Pero magkaiba ang desisyon.

After a few years…

Yung dating ₱3M na unit—
₱4.5M na ang value.

Yung naghintay?
Nagmamahal na ang presyo. Nahuli na.

Yung bumili agad?
May asset na. Pwede nang parentahan. Pwede nang ibenta.

Doon niya na-realize…

Hindi pala sila bumibili dahil tapos na ang condo.
Bumibili sila dahil alam nilang tataas pa ito.

Ang tunay na kalaban?
Hindi presyo.

Kundi delay.

Ikaw—maghihintay ka pa ba…
o mauuna ka na?

📩 Message me if you want to start early
(For educational purposes only)

16/04/2026

🏠 𝐓𝐇𝐄 𝐌𝐀𝐂𝐄𝐃𝐀 𝐋𝐀𝐖 ( 𝐑.𝐀. 𝐍𝐨. 𝟔𝟓𝟓𝟐)

Ang Maceda Law o Realty Installment Buyer Protection Act ay nagbibigay-proteksyon sa mga bumibili ng real estate properties na hulugan o installment basis, lalo na kung sila ay hindi nakabayad sa tamang oras. Layunin nito na maging makatarungan ang proseso at maiwasan ang agarang pagkakansela o pag-forfeit ng lahat ng bayad.

🔑 𝙎𝙖𝙠𝙡𝙖𝙬 𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙩𝙖𝙨
Sakop nito ang mga bumili ng:
• Residential real estate (bahay, lupa, condo)
• Ibinenta sa pamamagitan ng installment payments

❗ 𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙨𝙖𝙠𝙤𝙥:
• Industrial at commercial properties
• Rent-to-own schemes (depende sa structure ng kontrata)

💰 𝙂𝙧𝙖𝙘𝙚 𝙋𝙚𝙧𝙞𝙤𝙙 (𝙒𝙞𝙩𝙝𝙤𝙪𝙩 𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙚𝙨𝙩)
Bibigyan ng palugit ang buyer para makahabol sa bayad:

• Less than 2 years na nakabayad
→ 60 days grace period mula sa due date

• At least 2 years na nakabayad
→ 1 month grace period kada isang taon ng bayad

✔ Walang dagdag na interes sa loob ng grace period

💰𝙆𝙖𝙧𝙖𝙥𝙖𝙩𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙍𝙚𝙛𝙪𝙣𝙙 (𝘾𝙖𝙨𝙝 𝙎𝙪𝙧𝙧𝙚𝙣𝙙𝙚𝙧 𝙑𝙖𝙡𝙪𝙚)
Kung ang buyer ay nakapagbayad na ng at least 2 years:
• May karapatan sa 50% refund ng lahat ng nabayad
• Dagdag na 5% bawat taon pagkatapos ng 5 years (hanggang 90% maximum)

👉 Ito ang tinatawag na cash surrender value

🚫 𝙈𝙜𝙖 𝙆𝙞𝙣𝙖𝙠𝙖𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣 𝘽𝙖𝙜𝙤 𝙆𝙖𝙣𝙨𝙚𝙡𝙖𝙝𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙤𝙣𝙩𝙧𝙖𝙩𝙖:

Hindi automatic ang cancellation. Dapat ang seller ay:
• Magpadala ng notarized notice of cancellation o demand for rescission
• Bigyan ang buyer ng 30 araw mula sa pagtanggap para magbayad
• Ibalik ang nararapat na refund bago maging epektibo ang cancellation

🏡 𝙍𝙞𝙜𝙝𝙩 𝙩𝙤 𝙍𝙚𝙞𝙣𝙨𝙩𝙖𝙩𝙚
May pagkakataon pa ang buyer na:
• Bayaran ang mga hindi nabayarang hulog sa loob ng grace period
• Ibalik ang bisa ng kontrata at ipagpatuloy ang pagmamay-ari

🔁 𝙆𝙖𝙧𝙖𝙥𝙖𝙩𝙖𝙣 𝙣𝙖 𝙄-𝙖𝙨𝙨𝙞𝙜𝙣 𝙤 𝙄-𝙗𝙚𝙣𝙩𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙧𝙖𝙥𝙖𝙩𝙖𝙣

Ang buyer ay puwedeng:
• Ibenta o i-assign ang kanyang rights sa ibang tao
• O i-update ang kontrata kung pinapayagan

📝 𝙋𝙧𝙤𝙩𝙚𝙠𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙇𝙖𝙗𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝘽𝙞𝙜𝙡𝙖𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜-𝙛𝙤𝙧𝙛𝙚𝙞𝙩
Hindi maaaring basta na lang:
• Kanselahin ang kontrata agad-agad
• Kunin lahat ng bayad nang walang due process

✔ Layunin ng batas na siguraduhin ang katarungan at proteksyon ng buyers


25/03/2026

⚠️𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎⚠️

Mula sa 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐢𝐚𝐥 𝐃𝐞𝐠𝐫𝐞𝐞 𝐍𝐨. 𝟗𝟓𝟕 - "Subdivision and Condominium Buyers' Protective Decree" kung saan ay pinoprotektahan ang mga buyers sa pamimili ng lupa sa subdivision laban sa mga mapanlinlang at walang konsensyang developer na 𝐍𝐨 𝐋𝐢𝐜𝐞𝐧𝐬𝐞 𝐭𝐨 𝐒𝐞𝐥𝐥.

Hindi ipinahihintulutan na 𝐦𝐚𝐠𝐛𝐞𝐧𝐭𝐚 𝐧𝐠 𝐥𝐨𝐭𝐞, 𝐭𝐮𝐦𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩 𝐧𝐠 𝐫𝐞𝐬𝐞𝐫𝐯𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠-𝐚𝐝𝐯𝐞𝐫𝐭𝐢𝐬𝐞 ang developer ng Subdivision Project kung wala itong lisensya mula sa 𝑫𝒆𝒑𝒂𝒓𝒕𝒎𝒆𝒏𝒕 𝒐𝒇 𝑯𝒖𝒎𝒂𝒏 𝑺𝒆𝒕𝒕𝒍𝒆𝒎𝒆𝒏𝒕𝒔 𝒂𝒏𝒅 𝑼𝒓𝒃𝒂𝒏 𝑫𝒆𝒗𝒆𝒍𝒐𝒑𝒎𝒆𝒏𝒕 (𝐃𝐇𝐒𝐔𝐃). Obligado ang mga developer na magparehistro at kumuha ng "𝐋𝐢𝐜𝐞𝐧𝐬𝐞 𝐭𝐨 𝐒𝐞𝐥𝐥" mula sa 𝐃𝐇𝐒𝐔𝐃 bago magbenta ng unit o lote.

At upang masiguro na legal ang inyong bibilihing lote, magtungo lamang po kayo sa tanggapan ng City Planning & Development Office - Palayan LGU upang iverify ito. Ang kanilang tanggapan ay matatagpuan sa ikalawang palapag ng Palayan City Hall.


23/02/2026

GOOD NEWS.👇 👇 👇
120 days na lng. Pwede na magkaroon ng Titulo ang matagal nang nakatira sa lupang walang titulo, at ito ay residential A&D land,
👉 ANG DENR DEPARTMENT ADMINISTRATIVE ORDER 2025-35 ay oportunidad para ma-secure ang iyong karapatan.

03/02/2026
🏡 Pangarap mong bahay, abot-kaya na!​Step into your milestone moment this holiday season with BPI’s Merry Milestone Deal...
10/10/2025

🏡 Pangarap mong bahay, abot-kaya na!​

Step into your milestone moment this holiday season with BPI’s Merry Milestone Deals 🎉​

✅ 6.5% Fixed Interest Rate for 5 Years​
✅ FREE Bank Fees up to ₱100,000​
✅ FREE 1-Year Globe Fiber 500Mbps​

💡 Made simpler, made lighter—for milestones that feel even more rewarding! Apply now!



Terms and conditions apply.

Promo Duration: October 2 - 31, 2025

Per DTI Fair Trade Permit No. FTEB-238604. Series of 2025

Regulated by the Bangko Sentral ng Pilipinas. https://www.bsp.gov.ph

BPI Family Bank - Housing Loan Promo this October 2025!Message us for more details. 👆👆👆
01/10/2025

BPI Family Bank - Housing Loan Promo this October 2025!

Message us for more details. 👆👆👆

28/04/2025

UPDATE: Ayon sa DOST-PAGASA, asahan ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan, pagkidlat, at malalakas na hangin sa susunod na 2 oras sa mga lugar ng:






Nakararanas din ng parehong panahon ang Quezon Province, na maaaring tumagal at makaapekto sa mga kalapit na lugar.

📸: EL Aquino

Address

Palayan City
3132

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Popo - Registered Real Estate Salesperson posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category